DBILY Special Chapter (Before and After Marriage)

53 3 0
                                    

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Parang naghalong natatae, naiihi, nasusuka. Basta! Ang gara ng pakiramdam ko! Hindi ako mapakali!

Papalapit na ako ng papalapit sa pintuan..

Binuksan na nila ito.. Malapit na.

Alam kong malapit na.

Oh jusko. Ikakasal na talaga ako.

The leaves of a nearby tree swayed as the birds chirped outside the beautiful Manila Cathedral, this sunny afternoon.

Everything seems to be perfect.

Everyone seems to be happy and excited. Of course, pati ako.

I walk down with full of confidence in myself. I see people waiting for me to be there. To reach the end. Rather, to begin anew.

Nararamdaman ko yung bigat ng gown ko, pati ng hairdress na nakakabit sa veil na hindi naka takip sa mukha ko. Simple lang yung ayos ng buhok ko, sided curl siya, tapos may kung ano-anong swarovzki na nakalagay sa buhok ko. Light make up lang din, ayoko naman na magmukha akong clown sa wedding ko. O mag mukhang exaggerated. Yung gown ko naman, plain white, may strap siyang manipis na parang letter V, tapos may mga beads sa may ibabaw ng stomach lining.

I walk through the aisle, everyone's smiling at me. Napangiti din ako sa pag-iisip na, nandito na ako ngayon sa sariling kasal ko. Ito na talaga.

As I looked at the Altar in front, my eyes caught the sweetest smile I could ever see. I smiled at him as well, as he waits for me 'til I get there.

Habang mabagal akong naglalakad papunta sakanya, hindi ko na maialis pa sa mga mata niya ang mga mata ko. Dahan-dahan akong nanumbalik sa mga panahong tumulong sa akin upang marating ko ito.

Bawat luhang tumulo mula sa mga mata ko, bawat hikbi at tawang lumabas mula sa bibig ko. Bawat pagkadurog ng puso ko. Kabilang na ang mga problemang nalagpasan din naman namin.

Nang makarating ako sa dulo ay inilahad niya ang palad niya sa harapan ko, nang iniabot ko sakanya ang akin ay bahagya muna akong lumingon sa mga taong nandoon upang saksihan ang pag-iisang dibdib namin ng lalaking ito na ngayon hawak-hawak ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin, saka niya ako iginiya sa dapat naming paroonan. Nararamdaman ko ang paningin niyang hindi man lang niya magawang ialis sa akin. Bago ko pa man maibalik ang paningin ko sa harap ay nahagip ng dalawang mata ko ang isa pang lalaking nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko. Ngumiti ako sakanya nang makita kong nakangiti din siya sa akin, ngunit may pumatak na luha sa mga mata niya na agad din naman niyang pinunasan gamit ang puting panyo sa kaliwang kamay niya.

Mamaya, ako ang magpupunas ng luha niya.

Ngumisi siya pagkatapos niyang gawin iyon kaya itinuon ko na ang buong atensyon ko sa buong seremonya.

Nagsimula na..

Ginawa na yung mga ginagawa sa mga kasal traditionally..

"Do you, Aaron Olivares, take this woman, to be your lawfully wedded wife, to promise to love and to cherish, in sickness and in health, for richer and for poorer, through good times and bad, and 'til death. Do you part?"

Maka-take this woman naman itong si father! Talagang hindi man lang sinabi nalang na, "Take Brianna Felise?" Hahaha, pero ngiti-ngiti lang ako habang pinipigil ang pagbabadya ng mga luha ko. Please..

"I super do!" Sabi ni Aaron nang ngiting-ngiti. Umalingawngaw naman ang tawanan pagkasabi niya noon. Kahit kailan ka talaga, Aaron.

"Do you, Brianna Felise, take this man, to be your lawfully wedded husband, to promise to love and to cherish, in sickness and in health, for richer and for poorer, through good times and bad, and 'til death. Do you part?"

DBILY Special Chapter (Before and After Marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon