Chapter 30 Night Out

15K 353 6
                                    

Audrey's POV

Dinala ako ni Noah dito sa isang exclusive park ng subdivision nila. Magkahawak kamay kaming lumalakad sa park. "Ang ganda ng park na ito Noah. Tahimik at may magagandang puno at bulaklak." Sabi ko pa ditong nakatingin sa paligid.

"Ngayon ko nga lang din napapansin na napakaganda nga dito. Baka nga gumanda lang ito dahil nandito ka." Sabi pa ni Noah na nagpakilig sa akin. "By the way, ayokong umalis ka sa bahay." Sabi nitong hawak hawak ang aking kamay. "I am here to protect you. I'm begging you not to go." Sabi pa nito in a very humble voice.

Tumingin ako sa gawi niya. "I don't want to let you down Noah. But I have made up my mind. Kailangan kong may mapatunayan sa sarili ko." Sabi ko pa dito. Tahimik lang si Noah. Alam kong disappointed siya sa mga desisyon ko. "Napag usapan na natin to di ba? I am leaving tomorrow." Sabi ko pa ditong nagpakunot sa noo nito.

Wala kaming imikan na bumalik ng sasakyan. Narinig ko na lang na may sasakyan na tumabi sa sasakyan ni Noah sa parking lot. Nakita kong lumabas si Margie sa loob ng sasakyan. She is so gorgeous in her black gown. "Noah pumunta ako doon sa party at umuwi ka na daw. Tamang tama nakita ko ang sasakyan mong naka park dito." Sabi nitong nakangiti at may nang aakit na mata kay Noah. Nakita ako nitong katabi ni Noah sa loob ng sasakyan. "Hi there Audrey. Saan ba ang lakad niyo Noah?" Tanong nito sa amin.

Tumikhim si Noah. Tumingin saglit sa akin. "Ihatid ko lang sa bahay si Audrey at mag bar ako. Would you like to join me?" Tanong pa ni Noah kay Margie. Gusto ko mang magwala sa selos. Walang may mangyayari at hindi ko boyfriend si Noah or nanliligaw ito sa akin. I am hurting right now pero ayokong ipahalata.

Habang nag drive si Noah papunta sa bahay nila, nabuo ang desisyon ko. "Ayoko pang umuwi. Dalhin mo na lang ako sa bar kung saan man kayo pupunta ni Margie." Sabi ko kay Noah na hindi tumitingin dito.

Hinawakan ako nito ng mahigpit sa braso. "You are not going with us. You stay here in the house!" Sabi nitong nagagalit na.

"I am going with you! I promise you hindi ako magiging sagabal sa inyo ni Margie." Sagot ko pa dito. Narinig ko na lang na binigyan ni Noah ng instruction si Margie kung saang bar sila magkita. Alam kong galit pa rin si Noah na sumama ako sa kanya dito sa bar kaya hindi ako nito kinikibo. Pumasok kami ng bar na hawak hawak ako nito sa beywang. Naramdaman ko na lang na may lalaking pumisil sa puwet ko at may mga sumisipol pag dumadaan kami ni Noah. "Noah, I'm not comfortable here." Sabi ko kay Noah na niyayakap ko na ito. "May pumipisil kanina sa puwet ko ng dumadaan tayo sa hallway ng bar."

Napatingin ito sa akin at ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Nakita ko ang iritableng mukha nito. "I told you to stay home. Matigas din kasi ang ulo mo!" Singhal pa nito sa akin. Pinaupo ako ni Noah sa isang sofa at tsaka din dumating si Margie. Niyakap nito si Noah at hinalikan sa labi. Nakita kong hindi man lang nagprotesta si Noah. Dumaan ang waiter at nag order si Noah ng hard drinks sa kanila ni Margie at inorderan ako ng juice. Naupo na rin sila katabi ko at sa gitna namin ni Margie si Noah. Maya't maya hinahaplos ni Margie ang legs ni Noah. Aaminin ko man o hindi nagseselos ako sa mga nakikita ko. Tumingin si Noah sa akin. "Are you okay there Audrey?" Tanong pa nito.

"Okay lang ako Noah." Sagot ko pa dito na hindi tumitingin sa mga mata niya. Pagdating talaga kay Margie ay naiinsecure na ako. Ayokong mahalata nito na nag uumapaw ang selos ko.

"Look who's this beautiful lady right here!" Buti na lang at dumating si Clarence ang kaibigan ni Noah. Kahit papano may kausap ako. Nakita ko na lang na hila hila na ni Margie si Noah sa dance floor. Naiwan kaming dalawa ni Clarence na nakaupo dito sa couch. "Would you mind going outside for a walk?" Tanong nito sa akin.

Sabagay naingayan din ako dito loob. Might as well go with Clarence. Kesa na maiwan akong mag isang nagseselos dito. "Sure ba!" Excited kong sagot dito. Masaya din pala itong kasama. Marami kaming naging kwentuhan lalo na sa mga kinabibisihan nitong mga negosyo. I learned na mabait si Clarence kaya madali ko rin itong nakagaanan ng loob. Hindi namin namalayan na matagal na pala kami dito sa labas. Andami ko ng missed call. "Naku Clarence andami ng missed call ni Noah. Mahigit na pala tayo dito ng isang oras." Sabi ko pang natataranta na kay Clarence.

Dinukot ni Clarence ang cellphone nito sa bulsa niya. "Oo nga tinatawagan din niya ako. Halika na nga sa loob." Sabi pa nito sa akin.

Ngunit wala na doon si Noah sa loob. Nakausap naman ni Clarence ito at naghihintay na daw si Noah sa parking lot. "Get in the car!" Singhal pa nito sa akin ng makita ako.

"Sorry pare at ako ang may kasalanan. Hindi ko namalayan ang oras. Thanks for the night Audrey." Paalam pa sa amin ni Clarence.

Wala kaming imikan ni Noah hanggang makarating kami ng bahay nila. "Goodnight Noah." Paalam ko na dito. Hindi na ako naghintay ng sagot nito at dumiretso na ako sa maid's quarter. Nakakapagod ang party pati na ang pagpunta pa namin ng bar. Parang hindi din ako kasi nakapag pahinga. Napapaisip din ako kay Noah sa mga actions niya. Galit siguro ito dahil gusto  niya na kaming umuwi. Hay naku kailangan kong matulog ng maaga at pupunta pa kami ni Ate Gina sa boarding house na lilipatan ko.

Naging maayos ang paglipat ko sa bagong boarding house. May kasama ako sa room na isang estudyanteng babae at mabait naman ito. Hindi na kami nagkita ni Noah ng araw na lumipat ako.

First day ko na mag trabaho sa Tansinco building ngayong araw. Kinakabahan ako at the same time excited na rin. Sana hindi mapahiya si Sir Michael sa pagkuha sa akin. Sana makikita ko pa rin dito sa building si Noah araw araw. Andaming sana...

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon