♔♔ THIRTEEN ♔♔

212 9 0
                                    

♔♔ THIRTEEN ♔♔

-Dylan's POV-

Tch. Casanova Prince found his CASANOVA PRINCESS?! At sino ba namang t@nga ang maglalagay nito sa school blog? Ano yun para makita kagad ng lahat sa school at kumalat kagad?!

Tapos binasa ko din yung whole story.

[As you can see in the picture, may lihim na tinatago ang isang babae sa campus. Si Ms. Naomi na sinasabi pa niyang loyal siya sa Sports Prince na si Prince Kai, eh may lihim pala itong babaeng ito na isa rin siyang casanova. At may balak pa siya ngayong paglaruan ang mga Prince natin?! GRABE LANG.]

Hindi ko na lang pinabasa kay Naomi yung whole story na naka-publish dun dahil alam kong masasaktan lang siya dun.

"Grabe naman sila." sabi ni Naomi. "Ako nanaman yung pagtritripan nila ngayon?! Hindi ba sila nagsawa ah?!" 

"Don't worry. Ako ng bahala dito." sabi ko naman.

"Eh? Anong balak mong gawin?"

 

 

"Isa akong prinsipe kaya naman wala silang palag kapag ako na ang nagsalita against sa kanila di ba?" sabi ko sa kanya. Wala na akong paki kung masira pa lalo ang pangalan ko dahil sa pagiging casanova ko pero hindi naman ako papayag na masira ang pangalan ng iba dahil sakin.

Lalo na si Naomi.

Ewan ko pero yung inis at galit ko sa kanya dati eh parang nabawasan na ngayon. Dahil siguro nasabi ko na rin sa kanya yung sikreto ko kung bakit ako naging ganito.

"So feeling mo super hero ka na? Tch." sabi niya.

"Basta wag mo na lang muna sila isipin ah? Kunwari eh hindi natin alam yung news na ito." sabi ko sa kanya tapos pumasok na kami sa classroom.

Pagkapasok namin eh andun na rin pala si Kai. Kinausap ko siya about dun sa nangyare pero syempre dun kami sa place kung nasan di maririnig ni Naomi.

"Ano?" sabi ni Kai. "Kasalanan mo din naman yun eh. Bakit ka kase nagpapabaya? Hindi mo manlang tinignan yung paligid mo bago mo gawin yung pagyakap mo eh!" 

 

"Wow. Kung ikaw ako sa tingin mo ba eh malalaman mo kung may nakatingin sa paligid? Hindi ako superhero." sabi ko.

Casanova Princess ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon