Nung una, never kong i kine-claim sa sarili ko na sadyang may kakayanan akong makakita o maka encounter ng mga paranormal exp. at ang buong akala ko, dun lang talaga sa lugar namin ako Nakakaranas ng mga ganung pangyayari...PERO NAGKAMALI AKO .
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagtatrabaho ako ngayon sa isang internet cafe, at dito din ako nag i stay sa gabi.. kilala ako ng may ari kaya sa akin nya ito ipinagkakatiwala, minsan na rin kasi itong muntikang manakawan kaya pinakihusapan nila ako na matulog dito GABI-GABI.
ako ang nagmamanage dito simula 9:30am hanggang 5:00pm, then yung kapalitan ko naman ang sumusunod 6:00pm to 10:pm. minsan dipende kung marami pang mga costumer, minsan nakakaabot kami hanggang 11:00pm.at ako naman ang magsasara nito.
isang gabi, ng nakapagsara na ako.. ay agad kong linapag ang aking pagtutulugan, 12:16am ang oras nang mga sandaling iyon. at nag iisa na lang ako sa loob. naglaro muna ako sa server..( GTA SAN ANDREAS ) .
habang libang na libang ako sa aking paglalaro ay bigla kong napansin na may dumaan sa tabi ko.. huh?" guni-guni ko lang siguro. bulong ko sa sarili at nagpatuloy na ako sa aking ginagawa.. wala pa mang sampung sigundo na pagkakasabi ko nun ay muli nanaman akong natigilan dahil sa muli ay pagdaan nito.
at sa pagkakataong iyon, ay nasundan ko sya ng aking paningin. at uli ko itong nakita sa may ilalim ng istante ng PC - 4. agad akong tumayo at tiningnan kung ano kaya ang bagay na iyon, at ng tingnan ko ito.. wala naman ah??? baka namamalik mata lang talaga siguro ako. at muli na akong bumalik sa paglalaro..
12:37am nung sakto akong matapos sa aking paglalaro at para matulog na sana ng biglang napatuon ang mga mata ko dun sa ilalim mismong istante ng PC - 4 at nakita ko ang isang "DUGUHANG KAMAY NA NAKAPATONG MISMO SA MAY UPUAN!!'' nagulat talaga at halos di ko mahkilos ang aking katawan.. nananakit ang aking kanang balikat at tila nag b'blirt ang aking paningin kaya pumikit ako at nanalangin.
at nang gumaan na muli aking pakiramdam ay saka ko dinilat ang aking mga mata.. WALA NA YUNG DUGUHANG KAMAY, at ng muli ko itong tingnan ay di ko na ito nakita.
Hindi ko sinabi sa mga may ari ng shop ang nangyari, baka kasi makahapekto ito sa mga costumers at sa aking mga kasama.. at simula noon, gabi - gabi ng kakaiba ang pakiramdam ko sa loob ng shop, ALAM KO NA HINDI AKO NAG IISA DITO, AT MAY KASAMA AKONG ISANG DI PANGKARANIWAN, kaya simula nun tinurin ko na lang syang. . . MY MIDNIGHT COSTUMER.
- jhervzero -