Chapter X

11 0 0
                                    

DRU [Del Rosario University]

Reese's POV

Dalawang araw na mula ng mawala si Vani at kalat na kalat na ang balita sa buong school.Dalawang araw na ding hindi umuuwe si pinsan.

At heto nga't nandito kami sa classroom.Naghihintay ng prof.
Kasama ko si Sheye.

"I heard about the good news"
Sabi ni Kristal na may ngiti pa sa labi.

Hay naku nandito na naman ang babaeng to.Pasalamat siya wala ako sa mood makipag away ngayon.Siya ang greatest enemy ni Vani.Panigurado tuwang tuwa to ngayon.Ewan ko ba dito masyadong insecure sa kaibigan namin.

Hindi na lang namin siya pinansin at nagkunwaring nagbabasa ng libro.Napahiya naman siya sa pambabalewala namin at umalis na sa harapan namin.Nagkatinginan kami ni Sheye at lihim na napangiti.

Nagsimula ng maglecture ang english professor namin pero kahit isa walang pumapasok sa utak ko.Napatingin ako sa wrist watch ko.May isang oras pang natitira bago ang dissmisal.I have no choice but to wait.

Haixt!ano ba to.Hindi ako makapagconcentrate.Kung saan saan lumilipad ang utak ko.Kinalabit ako ni Sheye at inaya ng lumabas.Tumunog na pala ang bell hindi ko man lang namalayan.

Dumiretso kami sa canteen at umupo kami sa tabi ng Ikon na kasalukuyang kumakain.Himala nga eh kase madalas sa private room sila kumakain para iwas daw sa gulo.Masyado kase silang lapitin ng mga babae.Tulad ngayon kulang nalang sugurin sila ng mga babaeng nandito ngayon.

"Hi Nakontak niyo na ba si pinsan?" Tanong ko kay Kier at umupo sa tabi niya.Siya ang pinakaclose kong miyembro ng Ikon parehas kase kami ng hilig-music.

Tumabi naman si Sheye kay Drew pero as usual hindi na naman maipinta ang mukha ni Drew .Ayaw niya kaseng may tumatabi sa kanyang babae XD.

"Hindi pa" Kier .Tumango lang ako at nagsimula ng kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang nagring yung phone ni Clark.Agad naman niya itong sinagot.

Nagulat nalang kami nang biglang napatayo si Clark at nanginginig ang mga kamay.Nakatingin lang kami sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin.

"Nahanap na daw yung sasakyan ni ate Vani" -pahayag nito.

"Saan daw?Tara puntahan natin" Ryan

"Really where is she?" Ako

Pero hindi sumagot si Clark at tila kinakabahan ito.Pero kahit na
kailangan kong matawagan si pinsan baka hindi pa niya alam.Ano ba yan unattended parin.

"Ui ano na saan ba?" -Ryan ulit.

"Na-nasa Bu- lacan daw" utal na sagot naman ni Clark.

"Sunog na sunog" dagdag pa nito na mahina ang boses.

Nagulat kaming lahat sa huling sinabi niya.Lahat ng excitement na nararamdaman namin ay biglang naglaho.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.Agad naman akong niyakap ni Kier at hinagod ang likod ko.

****************

Nakatulala lang ang magkakaibigan.Hindi pa rin makapaniwala sa panibagong balita na kanilang nalaman.

Pinagtitinginan na sila ng iba pang estudyanteng nandun pero parang wala lang sa kanila.Tumunog na din ang bell hudyat na tapos ang lunchtym pero ni isa sa kanila walang gumalaw.

Hanggang sa napagpasyahan ng Ikon na puntahan ang kanilang kaibigan at damayan ito.Naiwan naman ang dalawang dalaga na hindi pa nakakabawi sa kanilang pagkagulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half of Me:A Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon