Crush for Years (Part 2)

221 42 10
                                    

Crush for Years (Part 2)

Cast:
Stebbie Monticillo
Grant Lorez
Jasmine Gonzalez
Kerwin Luna
Jet Michael Monticillo

*****

"Pare, mahal mo raw ako? Yan ang sabi mo noong nalasing tayo"

"Arrrghhh! Ano ba Kuya Jet?! Itigil mo na ang pagkanta niyan!" Sigaw ko kay Kuya Jet. Nakakainis kasi, kanina pa siya kanta ng kanta niyan. Nakaka BV!

"Bakit ba Steb? Anong meron sa kanta at ayaw mo? Nakakatawa kaya." Natatawang paliwanag ni Kuya.

Ayaw ko kasi nga diba-- ah basta! Nakakainis!

"Na-nakakadiri kasi. Tama! Ewwww." Tas nag arte pa ako na nandidiri.

"Hay nako. Arte mo ah." Sabi niya at umirap pa. Seriously?! Psh.

One year ago nag confess ako ng feelings ko para kay Grant at akala ko aamin din siya na gusto niya din ako pero di pala kami talo. Saklap eh no? Assumera kasi ako. Nong nalaman kong hindi pala kami talo siyempre iyak ako ng iyak noon. Crush ko siya for how many years, mahal ko na nga eh.

Kaya ngayon hindi pa din ako nakakamove-on sakanya. Hindi ko din sinabi kay Kuya Jet na bakla si Grant at baka isa sa mga barkada nila yung pinag papantasyahan niya.

Alam niyo kasi lalaking lalaki kumilos si Grant pero bakla pala? *sigh* baka hindi alam ng mga magulang niya na bakla siya, wala nga ding kaalam alam ang barkada niya. I bet ako pa ang nakakaalam ng sekreto niya-- I mean kami ni Jas hahaha.

Sinabihan ko kasi si Jas syempre bestfriend ko eh. Nangako naman siyang hindi niya sasabihin kahit kanino. Dapat lang no hehe.

*sigh* kailan kaya ako makaka move'on? Inlababo ako eh kahit bakla -_-

"Stebbie Monticillo!!!"

"Ay panget!" Nabigla ako bigla ba namang sumigaw ng pagkalakas- lakas -_-

"Hoy! Hindi ako panget! Tsaka tulala ka na naman. Ano ba talagang problema mo?" Tanong ni Kuya Jet.

Natawa naman ako sa una niyang sinabi.

Sweet din talaga ni Kuya kahit minsan pala sigaw -_- caring si Kuya Jet eh hehe.

"Oo na hindi ka panget! Wala Kuya may iniisip lang." Sabi ko.

"Ano na naman yang iniisip mo?" Kulit talaga ni Kuya Jet -_-

"Kuya Jet, nagiging chismoso kana ha." Tukso ko sakanya.

"Bakit? Masama bang malaman ang problema ng pinsan ko? Para na din tayong mag kapatid Stebbie, kaya kung ano man yang problema mo dapat nagshe-share ka saakin, ako mas nakakatanda satin kaya dapat alam ko ang mga nangyayari sayo para naman mapayuhan kita kung anong dapat mong gawin." Mahabang speech ni Kuya Jet.

"Wow! San mo natutynan yan kuya?" Manghang tanong ko sakanya. Sumimangot naman siya.

"Seryoso kasi Stebbie!"

"Oo na po Kuya!" Pagsuko ko. Oo nga para ko na talagang kapatid si Kuya Jet spoil din ako sa kanya minsan eh, lab ko talaga si kuya hehe.

"So what's bothering you my dear cousin?" Tanong niya. Huminga muna ako ng malalim.

"Kasi po nagconfess po ako ng feelings ko---" naputol yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumabat, nanlaki pa ang mga mata.

"What?! So ikaw gumawa ng first move?!!" Tinakpan ko naman ang tenga ko.

Crush For Years (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon