*** Chapter 2 ***
Zeilan POV
Ako nga pala si Zeilan, 16 yrs. old. Graduating ng high sa susunod na taon.
Andito kami ngayon sa loob ng bus kasama ang buong klase ng section. Kasama din namin ang aming adviser na si Mrs. Sharmaine Ofema.
May tour kàsi kami sa star city. Wow!!!! lahat ng rides hindi ko papalagpasin.
Yehey!!!!!!
At syempre kasama ko ang lima kong mga bestfriends, hindi kompleto ang barkda kapag hindi kami magkakasamang anim na tropa.
Pakikilala ko na rin sila. Si Anna Marie, Roselle, Abisala pero mas gusto namin syang tawaging Abi. Si Porsha at si Michelle at ako so six lahat kami.
Kaya kapag nagsama-sama kami ang iingay namin, kaya lagi kami napapagalitan ng adviser namin.
Malayo-layo pa kami sa pupuntahan namin kaya ang iba ay tulog-tulog muna . Ang iba ay dala-dala ang kanilang mga tablet laro ng games, nuod ng movies na pinadownload, ang ibang mga lalaki ay nagtabi-tabi at may pinapanood. At kung ano iyon? mga sex scandal.
At ako naman nakaopen ng facebook. Free facebook naman eh, kaya kahit walang load ,nakaonline ako palagi.
Ang saya-saya.
Nagbabas ako ng mga horror stories na gawa ng mga paborito kong writer sa sinalihah kong grupo.
Ito talaga hilig ko , magbasa ng mga horror kaysa sa mga love story.
Ayaw ko pa kasi mainlove, marami kasi ako naririnig na masarap mainlove pero mas malubha ang sakit na mararamdaman mo kapag nasaktan ka.
Kaya ako , ayoko muna mainlove at baka makaapekto lang yan sa pag-aaral ko.
Ang ganda ng pagbabasa ko ng mga horror story ng biglang...... bumangga ang bus na sinasakyan namin sa may unahan.
Kaya lahat kami ay nagulat, paano'y nagkauntugan ang mga mukha namin, ang ibang tulog ay naalimpungatan.
At ang biglang paghiyawan ng mga kaklase kong babae. Nakakakilabot ang mga tili nila.
Bakit ano bang nangyari????
Bakit tayo nabangga ????
At bakit nagsisigawan???? sunod-sunod na tanong ko.
Kanina pa pala ko busy sa kakabasa sa facebook ng mga horror yon pala kami na ang hinohorror ngayon .
Nagising na ang mga barkada kong tulog. Halatang nagulat din sila sa pagkakabangga ng sinasakyan namin.
Bakit Zeilan tayo nabangga???? Anong nangyari,??? Tanong ni Anna Marie.
Hindi ko rin alam, busy kasi ako sa pagbabasa.
Halos hindi kami makapaniwala sa mga nakikita namin sa labas ng kalsada.
Oh no!!!!!!
That imposible. This is not true.
Pero totoo ang mga nakikita namin, mula sa labas ,nilalapa ng mga zombies ang mga taong nahuhuli nila.
Ano yon???? What the hell is going on?
Mga zombies gurl. Pero paano nagkaroon ng mga zombies sa panahon natin ngayon,?
Di ba mga kathang isip lamang sila. Sa mga horror movie lang at mga mga pocketbook lang sila pwede magkatotoo.
Imposibleng nasa realidad sila ngayon. Ayoko ko pang mamatay. Marami pa akong mga pangarap sa buhay ko,gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral ko......
Halos naghehestirical na ako sa kakaiyak. Aaminin ko mahilig ako manood ng mga horror at magbasa pero ang totoo ay matatakutin ako.
Hanggang mauga na ang sinasakyan naming bus. Ang daming mga zombie sa labas lahat ay sabik na sabik na makain kami sa loob.
Ang sasama ng mga itsura nila ang iba halos bungo na lang ang natitira sa parte ng ulo at katawan nito ay kita kung paano naglalabasan ang mga uod sa katawan.
May mga nakita din kami na wala na ang parte ng katawan pero patuloy pa rin na nakatayo at wala sa sarili at ang tanging mababakas sa kanilang mga mukha ay makapangbiktima ng mga tao para kainin.
Relax lang tayo mga gurl, wag tayo matakot kelangan nating gumawa ng paraan par malabanan natin sila. Walang mangyayari kung magpapadala tayo sa takot,lalo lang tayo mapapahamak, wika ni Michelle.
Si Michelle ang pinakamatapang sa aming barkda.
Samantalang si Porsha ay naiiyak na rin sa takot.
Porsha POV
Mga friend hindi kaya may nabulabog tayong masamang spiritu ng mag "" SPIRIT OF THE GLASS "" tayo nung mag overnight swimming tayo.
Eh ano naman kinalaman nun sa mga zombie na umaatake satin ngayon, pwede ba Porsha tigilan mo nga yang pinagsasama natatakot na nga kami ngayon dahil sa mga zombie dyan sa labas anytime mapapasok na tayo dito para gawin nilang pagkain . wika ni Roselle.
Itong si Roselle nagkukunwaring matapang pero ang totoo mas takot pa yan sa aming anim para wag lang sabihing duwag.
Samantalang ako hindi ko maitago ang labis na takot ko. Isipin ko pa lang na mamatay ako sa ganong kahalay, na dudumugin ka ng mababahong mga zombie na inaagnas na at naglalabasan ang mga uod sa katawan at ang nakakasulasok na amo'y, hindi ko matatanggap. Màs gugustuhin ko pa ang magpakamatay na lang.
Eh kaya ko lang naman yon nasabi mga friend kasi yong habang inuumpisan natin ang spirit of the glass at nagsimulang gumalaw ng kusa yong baso biglang lumakas yong hangin.
Roselle: eh anong connect hindi naman natin itinuloy yong spirit of the glass dahil bigla nga tayong nagtakbuhang anim.
Me: yon na nga ang point ko, kasi sabi ng lola ko dapat tinapos natin yong ginawa natin , tapos niligpit natin ng maayos sa pinabendisyunan sa simbahan para kung anuman ang masamang espiritu na nagambala natin ay hindi na makapaminsala sa mundo natin ngayon.
Roselle: naniwala ka naman ,kasabihan lang yon ng matatanda.
Bigla naputol ang pagsasagutan namin ng biglang...........
Nakirinig kami ng basag na salamin mula sa bintana ng bus .
Nakabibinging mga sigaw mula sa mga classmate naming babae.
Ang mga zombie nagawa tayong pasukin, andyan na sila.....
Ahh......
Isa sa classmate namin ang nagawang atakehin ng isang zombie. kita namin kung paano nya ito nilapa, nagsisigaw naman ang clàssmate namin,pero halos kami ay natulala.
Walang nagawa para tulungan.
Bakas sa aming mga mukha ang labis na hingi makapaniwala pati mga kalalakihan ay hindi makagalaw sa kanilang kinauupuan.
Posible pa lang mangyari sa realidad ang mga kathang isip na napapanood at nababasa namin.
END OF THE WORLD na ba? tanging naiwika ng adviser naming si Mrs. Ofema.
Ng biglang may kinuha si Michelle na tubo sa tabi ng driver na walang malay dahil sa pagkakabangga ng mukha sa salamin duguan ang ulo nito.
Gulat kami sa ginawa ni Michelle tulad sa mga palabas pinuntirya nya ang ulo ng zombie sukat duon ay biglang bumagsak na ang zombie na wala ng buhay.
Michelle POV
Takot na takot din ako pero alam ko rin na kapag pinairal namin ang takot ay mamamatay kami ng hindi lumalaban.
Akala lang nila matapang ako, pero tinatago ko lang yon dahil kung walang magtatapang lahat ay magiging talunan.
Tulad ngayon may mga zombie na umaatake hindi ko alam kung paano sila naging totoo kung saan sila nagmula.
Parang naniniwala na ako sa sinasabi ni Porsha pero hindi ngayon ang oras para tanungin ko sya. Kelangan naming gumawa ng paraan para hindi kami magawang atakehin ng mga zombies .
Itutuloy