ONE

36 2 0
                                    

A.N: Hey it's been a while since huli akong nagsulat ng story.. so welcome back to me!! haha. I have decided na tutal naman tamad akong magupdate I might as well write a story na hindi na kailangan mag update. isang bagsakan! One shot! Baaaaaang! enjoooy!

------------●------------------------------------●------------------------------------●-----------------

••TORPE••

"JENNNNNNNYYYYYYY!!!!"

Papasok na sana ako ng tricycle ng bigla akong tawagin ng isa kong klasmeyt. Uwian na kasi at halos lahat ng estudyante ay sinusundo na ng kanilang mga sundo, kaya naman ay nagtataka akong napalingon sa kanya. Pangiti ngiti siya at gamit ang kanyang kamay ay iminuwestra niya na pumasok ako ulit. Nagtataka man ay sumunod parin ako sakanya, bumaba ako ng tricycle pero nagpaalam muna ako sa aking sundo.

"Ahh kuya wing puntahan ko muna s-saglit yung kaklase ko aahh.. baka kasi may naiwan ako.. saglit lang. Promise!" Dali dali at nauutal ko pang sabi.

"Osyaa bilisan mo at susunduin pa natin si Manding. Friday pa naman ngayon baka matraffic tayo.." tatango tango pa ako at agad na tumakbo papasok ulit ng building.

"Ano yun Mark?" Wala ng patumpik tumpik ko pang tanong. Nakakahiya kasi kay kuya wing kung patatagalin ko pa.

Ngitingiti parin siya na para bang may alam siya na hindi ko alam. "Kasi.....pinapapunta ka ni ma'am sa room. May sasabihin ata sayo e" nakangiti niya parin sabi. Napakunot naman ako ng nuo. "HUH?! Bakit ako?? Hindi ako cleaners ngayon ahh! Tyaka isang beses lang naman ako hindi naglinis e! Grabe naman yun!" Medyo napataas ang boses ko dahil sa tensyon at kaba. Nakakatakot kasi si Miss, siya yung tipo ng adviser na namamahiya. Feeling ko nga baka may galit sa aakin yun! Feeling ko lang naman. Amp

Natawa si Mark sa reaksyon ko at agad winagayway ang kamay " Hindi.. hindi! Ano kaba! Hahahaha. Puntahan mo nalang. Kalma kalang Jen!" aniya.

Naguguluhan man ay tinungo ko na ang hall papuntang room namin. Nasa second floor pa kasi yun kaya aakyat muna ako sa hagdanan na nasa dulo ng hall. Hindi naman ganoon kalakihan ang school namin. Saktuhan lang. Isang building lang at tulad ng isang pangkaraniwang private highschool building sa isang syadad ay pataas ang sa amin. Kung ikukumpara sa isang public school ay d maipagkakailang maliit lang ito at closed kumpara sa open space at malawak na lugar ng public.

First year highschool na ako at first time ko dito sa building na ito. Magkahiwalay kasi ang building ng elementary at highschool. Medyo naninibago ako at naeexcite din at the sam time. Kasi syempre freedom! Sobrang liit lang kasi ng building ng elemntary at magulo! Ang daming batang nagtatakbuhan sa labas ng room at may iilan pang nakasabit sa gate. Minsan nga feeling ko nasa zoo ako sa sobrang gulo. Buti nalang talaga at nakalabas na ako doon....

Liliko na sana ako papunta sa hagdanan ng bigla biglang lumitaw ang mga klasmeyt ko. Kalahati ng batch St. Nino ang nandoon at ang mas nakakapagtaka pa roon ay lahat sila naka ngiting aso.

"NICE JENNY!" sigaw ng isa ko pang lalaki na klasmeyt.

"Ibigay muna AKI!" sunod naman ang isa pa. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabe nila. Si A-Aki?? Ano bang Meron?!

Naguguluhan parin ay nagulat ako ng bigla silang may tinulak na lalaki na nagtatago sa gilid ng locker. Muntikan pa itong tumilapon sa harapan ko. Grabe. Boys. Napailing ako.

"Ibigay mo na! Nak ng pupu naman Aki!"

"Woi! Torpe nito! Sige ka uunahan kita!" Agad nanlaki ang mata ko sa sinabe ni Seth. Uunahan?! Saan?? May racing ba??!

Agad na napabalikwas si Aki at umayos ng tayo kahit na hindi parin siya makatingin ng diretso saakin na akala mo may malaki siyang atraso saakin. At doon ko palang napansin ang hawak niyang kulay red na paperbag. Maganda ang pagkadisenyo dito. May ribbon pa sa harapan at kung ano ano pang kumukurbang linya sa gilid.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon