-FOUR-
"Nandito ka lang pala Andrea." sabi ni Paul na kakadating lang at mukhang pagod na pagod. Hindi naman nila ito nahanap agad dahil maraming humarang sakanilang tatlo na mga babae. Kung hindi lang mga babae ito ay baka nasapak na nila ito.
"Grabe Andrea ang bilis mong maglakad. May pagka-kabayo ka ba?" biro ni Emil sakanya at isang masamang tingin ang itinapon nito sakanya at ibinalik ang tingin sa bintana.
Nasa pinakadulo kasi ito nakaupo ngayon halatang ayaw ng maingay. Bakit pa kasi sa cafeteria ito dumeretsyo kung ayaw naman pala nyang maingay. Pero mas ok na rin iyon dahil mas madali nila syang mahanap, sa isip ni Emil.
"Noona, what do you want to eat?" tanong ng bunso nila na si Jeremy. Nasa tabi na nya agad ito. Malambing ito sa noona nya at alam nito na hinding hindi ito magagalit sakanya kahit na sobrang kulit na nya.
"Bakit sya lang tinanong mo? Halatang may pinapaburan ka Jeremy a?" biro ni Emil sa bunso nila.
"May mga kamay at paa naman kayo Hyung bakit ako pa mag oorder sainyo? Tsaka ikaw ba si Noona?" sagot nito pabalik sakanya.
"Aba't---" naputol ang sasabihin nya. "Enough Emil and Jeremy. Now, go order us food." Walang ganang saway nito sakanila ng hindi nakatingin.Sa wakas at nagsalita narin ito. Si Andrea. Wala naman nagawa at sinunod nalang ang utos nito.
"Mukhang wala ka sa mood ngayong araw. Anong nangyari sayo?" Tanong ni Paul nang makaalis ang dalawa nilang kaibigan.
"Nothing. Just lack of sleep." Sagot nito sakanya. Pinagmasdan nya itong nakahalumbabang nakatingin sa labas (bintana). Mukha ngang kulang ito sa tulog. Hindi naman sila pwedeng umuwi or mag cut class para lang makatulog ito dahil unang araw palang.
"Just hang on. We still have 3 more classes before the class end." sabi nito kay Andrea. Sakto naman dumating ang dalawa mukhang nagbabangayan na naman ito. Hay mga isip bata talaga.
Nang matapos sila kumain ay agad silang umalis dahil sa dami ng mga babae sa paligid nila na panay kuha ng litrato. Hindi pa man sila nakaka-alis sa cafeteria, napapansin nang tatlong lalaki na kasama ni Andrea na panay ang hikab nito at anytime makakabunggo ng tao. At --- "FCK!" sigaw ng isang lalaki.
Nagising ng bahagya ang diwa ni Andrea ng mabunggo ito. Natapunan ang damit nilang pareho na hawak nitong juice pero mas napuruhan ang nabunggong lalaki.
"The heck! Ano bang meron sa araw na--- and you again?" Sigaw ng lalaking nabunggo ni Andrea. Tila naguguluhan ang tatlo sa inakto ng lalaki kaya napatingin sila kay Andrea
"Do I know you?" walang ganang tanong nito sa lalaking nabangga. Lahat ng tao napatingin sakanila dahil sa pagsigaw ng lalake.
BINABASA MO ANG
The Drummer and the Campus Prince
Teen Fiction"Ano, tatanggapin nyo ba ang offer ko?" Tanong sakanila nang misteryosang babae. Nagkatinginan muna silang magkakabanda. "Pwede bang pag-usapan muna namin 'yang offer mo?" Sagot ng isa sa kanila. Ang Base Guitarist. "Mahabang panahon na ang ibinigay...