Kaya Kong Wala Ka[ONE SHOT]

937 38 22
                                    

**********************************************************

Akala ko lang pala.

***********************************************************

Akala ko kaya ko na.

Pero…

Ikaw kasi eh! Bakit ba nakita pa kita?

Yung puso ko tuloy nabulabog mo na naman.

Hindi ko na tuloy kaya.

*************************************************************

I just arrived from California ‘cause I spent the summer there with my brother. Nasa airport ako ngayon mag-isa nang bigla ko siyang nakita.

May dala siyang dalawang malaking maleta at meron pang dalawang hand-carry  sa magkabilang shoulders niya. Mukha ngang hirap na hirap siya sa paghila at pagbitbit ng mga dala niya.

I heard na pumunta din daw siya ng Japan to spend the summer with her family there.

Kahit mukang hirap na hirap siya ang ganda niya pa rin tingnan. Yung mga mata niya mas lalo pang sumisingkit dahil sa pagsimangot niya at nakakunot na naman yung noo niya, halatang nahihirapan.

Pero I was caught off guard ng bigla siyang lumingon sa kinatatayuan ko at nginitian niya ako.

And my heart started to pound like a crazy jackhammer. Lintik naman na puso to oh! Masyado akong tinatraydor.

Ewan ko kung bakit pero nilapitan ko siya at kinuha ko ang dalawang maletang dala niya. Pakiramdam ko kasi para akong tinatawag ng ngiti niya. Ang weird ba? Shet! Sorry, ano ba tong pinagsasabi ko? Masyadong gay!

“Ako na nito Izay, mukang gagapang ka na sa bigat eh!” at nginitian ko naman siya. Kaso nga lang iniwasan ko ang tumingin sa mga mata niya, naiilang ako eh.

Pero bigla niya naman sakin inagaw yung dalawang maleta.

“Ano ka ba Ford, kaya kong wala ka. Amin na yan, nakakahiya naman sayo.” Mabuti pa siya, kaya niya.

Kahit na inaagaw niya yung mga maleta ay hindi ko ito ibinigay sakanya.

“Ano ka ba, ang tagal nating hindi nagkita tapos pati na lang pagbitbit ng mga maleta mo itatanggi mo pa sakin?” At nagsad face ako. Alam ko namang hindi siya makakatanggi eh. Kahit naman dati pa, hindi na siya makatanggi. Pero sana nga lang, huwag talaga siya tumanggi. Para kasing gusto ko pa siya makasama.

“Sige na nga. Ang kulit mo eh, pero hanggang papunta lang sa sakayan ng cab ah?” Sabi niya naman sakin ng nakatingin sa baba. Pati rin siguro siya naiilang na tingnan ako.

At ayun, binitbit ko na yung mga maleta niya na sobrang bigat nga. At naglakad na kami palabas, papunta sa sakayan ng cab. Ang tahimik nga namin eh, masyadong awkward.

“Kamusta ka na?” Ako na lang yung nagbreak ng silence between saming dalawa.

“Ayos naman, ikaw? How’s California? Galing ka daw dun.”

“Ok naman. Kamusta ang Dad and Mom mo sa Japan?”

“Ok din naman sila, sige Ford dito na lang ako. Thanks for carrying those for me.” Pagkasabi niya nun ay kinuha niya na yung mga maleta. Hindi pa ako nakakasagot nang tumalikod na siya.

I just stood there habang pinapanuod siyang maglakad palayo sakin, again.

And for the second time wala akong ginawa.

Kaya kong Wala ka[ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon