Beginning and End

37 1 0
                                    

I'm all alone (one shot story)



Simula nung araw na yun, naiwan na kong magisa.. naiwan akong magisa habang kinakaharap ang sandamakmak na problema. Isa isa nila akong iniwan.. Iniwan nila akong lahat.. Iniwan ako ng mga taong nagpapalakas ng loob ko at nagsisilbing lakas ko.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung araw na yun. Ang dami dami kong problema pero lahat ng taong gusto kong lapitan para hingan ng tulong ay iniwanan na ko. Kung kailan kailangan ko sila tsaka nila ako iniwan.


Ganto nila ako iniwan...




Nasa ospital ang nanay at kapatid ko dahil sa naaksidente sila. Naaksidente sila dahil yung sinasakyang nilang jeep ay bumangga sa isa pang jeep at ang nanay at kapatid ko ang nasa kumplikadong sitwasyon dahil sila ang nasa loob ng ER.


Tinawagan ko lahat ng kamaganak naming pero di sila sumasagot... Tinawagan ko ang boyfriend at bestfriend ko pero di rin sila sumasagot. Kailangan ko sila. Kailangan ko ang boyfriend at bestfriend ko sa tabi ko. Kailangan ko yung dalawang taong nagpapalakas ng loob ko. Kailangan ko yung dalawang tao na nagsisilbing lakas ko.. Kailangan ko sila ngayon... Pero asan ba sila? Tinatawagan ko sila pero pareho nilang di sinasagot ang mga phone nila..


Dalawang araw na ang nakalipas pero ni isang text,call o kamusta man lang ay wala akong narinig sa lahat ng hiningan ko ng tulong.. Kahit sana sa boyfriend ko lang si Clark o sa bestfriend kong si Faye ang matanggap kong mga text okay na ko pero wala eh.. Its been two days at nandito pa rin ako sa ospital. Walang tulog ni walang kain. Naghihintay ako sa balita ng mga doctor, naghihintay kung okay lang ba sila. Kung okay lang ba ang mama at kapatid kong si jenny.


Binuksan ko ang fb account ko at tadtad ng message ng mga kaklase ko yun...


"Uy Hannah, pumasok kana oh."

"Hannah nagaalal na kami sayo."

"Hannah okay kalang ba dyan?"

"Hannah nagpunta na ba dyan sina Clark at Faye?"

"Hannah namimiss kana namin."

"Hannah please pumasok kana."

"Hannah uy..."



Maiiyak na ko habang binabasa yang mga yan... Di ko alam.. Di ko alam kung kaya ko pang pumasok... Di ko alam eh.. Nanghihina ako.. Nanghihina ako habang binabasa ang mga message nila sakin.


Napagisipan kong umuwi ng bahay at magpahinga na... Kinabukasan pumasok ako sa klase at pagpasok ko isa isa nila akong sinalubong. Sinalubong na may kasamang yakap at mga ngiti sa kanilang mukha. Unang una kong hinanap sina Clark at Faye pero wala sila. Tinanong ko kung nasan sila pero di daw nila alam. Kinabahan ako bigla.. Di ko alam kung bakit pero kinabahan ako.


Tinext at tinawagan ko silang pareho pero di sila nasagot. Sa call naman cannot be reach silang dalawa Talagang kinakabahan na ko... Di ko sila parehong macontact...

I'm All Alone (One-shot story) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon