continuation .....
kasabay nito ang nakakagimbal na titig ni badong mula sa pinto ng kwarto. oo nakasilip siya sa pintuan at hindi ko alam kung bakit nakabukas yun. dahil nilock ko naman ito.
sa realisasyong iyon, hindi agad ako nakagalaw. gumapang ang lamig sa aking buong katawan. sa kabila nun, nagawako pariong magtanong sa kanya.
"b-bakit badong?"
tumaliko siya. walang imik. lumapit ako sabay ng kanyang paglingon.
"lumayo ka kay athena kung ayaw mong magkaproblema"
blanko ang kanyang mukha. walang emosyong doon ko lang nakitang may dugo sa kanyang leeg.
"anong nangyari badong? bakit may dugo ka sa leeg?"
"wag ka nang magtanong dahil hindi mo magugustuhan ang sagot."
ngumisi siya na naigng hudyat ng pagpatay sindi ng ilaw. takot. mabilis ang tibok ng aking puso. nagsimula siyang maglakad papalayo sa akin.
"k-kaibigan ko si athena. matalik ko siya ng kaibigan badong di ko magagawa ang sinabi mo."
kinabukasan, nakta ko si badong sa lamesa. ngumiti siya sa akin. lumabas ang dalawang dimples sa kanyang pisngi. napagtanto kong may hitsura siya. dumungaw sa aking isipan ang nangyari kagabikaya sinilip ko ang kanyang leeg wala naman akong nakita na bakas ng sugat doon.
pagsapit ng gabi, hindi na ako nakatulog. maliban sa pag-iyak ni athena. naging pabalik balik ako sa banyo dahil lagind bumubukas ang gripo. sabi naman ni athena na baka raw sira na raw ito at kailangang ipaayos.
makakatulog na sana ako ng makarinig ako ng tunog ng makina na di ko mawari kung ano.
may tawanan. na parang iyakan din ng mga babae mula sa salas. hindi ko nalang pinansin dahil baka nagkasiyahan sila. nakakapagtataka lang na ang gabi na para magkatuwaan pa.
dahil mag-umaga na nang tuluyan akong nakatulog, hindi na ako nakapasok sa unang klase. dumiretso ako sa pangalawang asignatura sa umagang yun. ngunit sa kasamaang palad, pinalabas ako ng aming masungit na professor dahil palagi akong humihikab. kaya pinili ko nalang na umuwi sa apartment. naisipan ko ring sorpresahin si athema kaya bumili ako ng softdrinks.
"bago ka ba rito iho?" usisa ng matandang tindera.
Opo, nasa unang taon po ako diyan sa scavenger university."
"napapansin kong palagi kang napapadaan dito. saan ka ba tumutuloy?"
"ah opo, ito lang kasi ang alam kong daan patungo sa apartment na aking inuupahan."
"pero wala namang ibang apartment dito maliban sa apartment del barrio iho. naku, mag-iingat sa pagdaan diyan."
"bakit po? wala namn pong masama s--"
"bago ka kasi rito iho. hindi mo alam ang misteryong nakabalot sa lugar na ito, lalo na sa apartment del barrio na yan. sus, mas matanda pa yan kesa sa kin. buti at hindi ka pa pinapakitaan ng kababalaghan sa pagdaan mo diyan. lahat ng taga rito ay iniiwasang mapadaan riyan."
"mawalang galang na po ale, pero hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo."
kunot-noo kong tugon sa kanya,
"wala naman pong nakakatakot sa lugar at marami pong nangungupahan sa apartment del barrio. kabilang na ako doon."
"susmaryosep!" namutla siya. may halong pangamba at takot sa kanyang boses.
"wala ng nakatira o nangungupa diyan mula noong nagkaroon ng chainsaw massacre noong kabataan ko. inabanduna na'yan ng may-ari dahil maraming mahiwagang nangyari matapos nung trahedya."
bumalot ang lamig at kilabot sa aking katauhan. ramdam ko ang pagtakas ng dugo mula sa aking mukha at nanginginig na mga kamay. gusto kong umiyak,sumigaw ngunit ako'y estatuwang di makagalaw. galit. poot.takot. kasabay ay ang pagdilim ang aking paligid at pagbagsak ng softdrinks at biskwit sa tigang lupa.
please dont forget to follow or vote.
please also read my story. me and the ghost thank you!