Sam's POV
It's been a month since Celest and I patch up our problem. We can be civil inside the campus. Pero kahit mukhang okay kami eh halatang ayaw pa rin sa akin ng mga kaibigan niya lalong-lalo na si Alex at Iris. I can't blame them. Sino pa nga ba kasi magtitiwala sa isang gag*ng tulad ko diba?But Celest being her truly good self hindi niya kayang ipagdamot ang forgiveness na kung tutuusin ay hindi ko deserve.
...Buti nakayanan ko na mapatawad si Sam. Kung tutuusin hindi naman kasi talaga mahirap iyon para sa akin. I feel secured while I am with him. But of course, my friends still worry about what kind of relationship I am with Sam. Tatlong beses na kasing nabibigo kung anumang klaseng relasyon ang meron kami. Natatakot na akong muling magtiwala sa nararamdaman ko dahil tatlong beses na ako nitong pinapahamak but I can't help it? Parang may kung anong puwersang nagsasabi sa aking totoong mahalaga ako para kay Sam.
Maaga ako sa classroom namin. Wala pa sina Alexa, Iris, Paul, Stacy at Talya kaya heto lonely. Pero ayos na rin yun kailangan ko ng peace of mind. Kapag dumating na silang lima panigurado magulo na naman. Abala akong nagbabasa ng isa sa mga libro ni John Greene ng biglang may tumawag sa akin, si Sam. "Celest." ani ni Sam. Nilingon ko si Sam at nginitian. "Aga ah." bati ko. "Oo nga eh. Changing right?" sagot niya. Tumango naman ako.
"Celest, thanks again." ani ni Sam.
"Wala yun. You're a great guy but I guess you're just afraid that others may see it. Baka ayaw mo lang silang mainggit." sabi ko.
"Marunong ka rin pa lang mambola ah." tawa niya.
"Naman." napangiti ako. Hindi ko akalain makapag-uusap kami ng ganito kakumportable.
Nag-uusap kami ni Sam tungkol sa mga na-miss niyang lessons nang biglang dumating ang mga kaibigan ko. "Ehem-" parinig ni Alex. Napakasuplada talaga nito. "Hi girls!" bati ko. "Sam, was just asking about his missed lessons." dagdag ko. Paano ba naman kasi napakatalim tumingin ng mga kaibigan ko eh. "Pwede naman niyang itanong sa kabarkada niya yan diba?" sabi ni Alex habang nakairap kay Sam.
"Alex.." sita ko sa kanya. Hindi ko naman masisi si Alex kung bakit ganyan ang paktungo niya kay Sam. Wala naman na akong magagawa. Ngumiwi na lang ang mukha ni Alex at umupo sa tabi samantalang si Sam naman ay bumalik na sa upuan niya.
Nagdaan ang mga araw at hindi na ulit ang tagpong iyon. Hindi na muli akong nilapitan o kinausap ni Sam. Ang totoo niyan parang biglaan akong iniwasan na ni Sam. Mukhang kahit siguro pagkakaibigan hindi na nga maaari pang mangyari sa amin. Habang iniisip ko ito nanikip ang dibdib ko. Isipin ko pa lamang na maaaring mawala na naman sa tamang landas si Sam ay ibig ko siyang hanapin at siguraduhin na tuwid na daan pa rin ang kanyang tinatahak. Tuwid na daan na hindi bako bako ah...
Ginabi na ako ng uwi dahil may meeting ang Student Council at nagrehearse pa ako para sa Ballet Recital. Nasa pavilion ako at hinihintay si Mang Caloy nang mahagip ng aking mga mata ang likuran ni Sam. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para habulin siya pero bigla akong napako sa kinatatayuan ko ng makita kong nakikipaghalikan siya kay Celine ang VP for External Affairs ng SC. Ako'y nanlumo sa nakita ko. Para akong naubusan ng dugo. Agad akong tumalikod at umaasang hindi sana nila napansin na natitigan ko ang kanilang paghahalikan. Patakbo akong umalis at agad hinanap ng aking mga mata si Mang Caloy ngunit wala pa ring Mang Caloy. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Mahal ko ba talaga si Sam? Nasasaktan nga ba talaga ako? Samu't saring mga tanong ang pumapasok sa isip ko hanggang sa ako ay natauhan ng may tumakip ng aking mga mata mula sa aking likod. Ako ay napasinghap at kinabahan.
"Anong ginagawa ng napakagandang binibini rito sa pav? Sinong hinihintay mo?" tanong ng nagtakip ng aking mga mata. Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali ang boses at ang pabango na iyon ay kay Seth.
"Seth? Alam kong ikaw 'yan. Tanggalin mo nga mga kamay mo." utos ko.
"Ang galing naman. So, what are you still doing here?" si Seth habang nakangiti sa akin. Bihira niyang gawin 'yan kaya naman nakurot ko ang pisngi niya.
"Mas bagay sa iyong nakangiti. Wala pa kasi si Mang Caloy eh. Tapos nagpractice pa ako ng ballet at meeting ng SC, kaya heto late na akong uuwi." sagot ko habang nakatanaw sa mga kotseng pumapasok. "Why don't you ride with me?" alok ni Seth. "Nako, mag-aalala si Mang Caloy kapag hindi niya ako naabutan dito tsaka kawawa naman ung driver ko na stuck na nga sa traffic tapos wala pala siyang maabutang susunduin dito." sagot ko. "O nga naman. Should I keep you company?" tanong niya habang umuupo na sa lapag katabi ko. "Nandiyan ka na eh may magagawa pa ba ako? Unless nagmamadali kang umuwi." sabi ko. "Di aalis na ako. Ingat ka ah." si Seth sabay tayo at kumaway palayo. Hay naku! Di na talaga nagbago.
Sam's POV
I am no good for her. I'll never be good enough. I should leave her alone. I should stay away. I should make her hate me. 'Yan lang ang tumatakbo sa aking isipan dahil dalawang bagay lang 'yan its either she becomes mine or not at all? Mukhang nakatanim sa isipan ko kung di lang din naman siya magiging akin di wag na lang kahit pa pagkakaibigan ay tatanggihan ko na lang din.
A/N: Finally, nakapag-update din! Comments? Violent reactions?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...