CHAPTER FIVE
HINIGPITAN ni Lavender ang pagkakakapit sa leeg ni Reynald. Nang gumanti ito ng halik ay nagdiwang ang puso niya. And when Reynald held her tighter like he does not want to let her go, tila maiiyak na siya sa tuwa.
The way Reynald kissed was so gentle and loving. Iyong parang ingat na ingat ito sa kanya. Even when his tongue seeked entrance, he was not even aggressive. Everything was slow and sweet. Parang kanilang-kanila lang ang oras.
Of course, this is not her first kiss. Pero sa mga halik ni Reynald, nakalimutan niya lahat ng mga naunang halik na naranasan. Parang nabura lahat sa utak niya, so there's nothing to compare. But she's sure that this first kiss with Reynald would stuck in her memory even after years...
She felt Reynald's hand stroked her back and it sent a delicious shiver in her spine. She softly moaned between their kisses.
Doon biglang huminto si Reynald. Tumigil ang mga labi nito at mabilis na nilayo siya nito. Pagdilat niya ng mga mata ay natagpuan niya kaagad ang kalituhan sa mga mata ni Reynald.
"No..." he whispered and shook her head.
"R-Reynald..."
Tinignan siya nito nang matalim na ikinagulat ni Lavender. Mabilis itong lumangoy habang akay siya pabalik sa dalampasigan. Ngunit nang nasa mababaw na parte na lang sila ay basta lang siya nitong binitawan at saka ito mabilis na umahon.
"R-Reynald, wait!" habol niya.
Tumaas-baba ang dibdib nito nang humarap sa kanya. "Forget what happened. Lahat. It was wrong. I'm sorry," matigas na sabi nito at saka tiningnan na naman siya nang matalim.
And it pierced right through her heart. Hindi na siya nakasagot habang pinapanood itong papalayo at pabalik sa tinutuluyan nila.
Napayuko siya at tahimik at sumunod na lang dito. Kanina lang parang sasabog sa saya ang puso ni Lavender dahil sa mga halik ni Reynald. Ngunit ngayon, hindi niya makalimutan ang galit sa mga mata nito. She felt so guilty for wanting that kiss. Na wala na siyang pakialam kung sino man ang masagasaan niya.
Pagpasok niya sa kuwarto ay narinig niya ang tunog ng shower sa banyo. Napabuntong-hininga na lang siya at binalot ang sarili ng bathrobe. Hinintay niyang matapos si Reynald.
Paglabas nito ng banyo ay nakasuot na ito ng bagong board shorts at gray shirt. Nang magsalubong ang mga tingin nila ay agad itong umiwas.
"Reynald, about the k-kiss—"
"Lavender, wala lang iyon," putol nito at saka pasalampak na umupo sa gilid ng kama nito. "I'm sorry about it," walang emosyong sabi nito. "It was a... spur-of-the-moment thing. Walang ibig sabihin iyon."
Napayuko siya at ininda ang naramdamang hapdi sa dibdib. Napalabi siya. Walang ibig sabihin kay Reynald pero sa kanya, mayroon. Sa kanya, may naramdaman siya. Para sa kanya, pag-asa iyon...
"Hindi na mangyayari ulit iyon. I'm really sorry, Lav." Mas lumambot na ang tinig nito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "S-sana wala nang makaalam pang iba."
Nagsalubong ang mga kilay niya at napaangat ng tingin. "You don't want Alia to know?"
Napabaling ito sa kanya, salubong din ang mga kilay. "Of course, I don't want her to know! Masasaktan siya oras na malaman niyang may iba akong hinalikan. Masasaktan ang girlfriend ko. Ayokong masaktan si Alia." Napasabunot ito sa buhok. "I love her."
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...