GAPESA

333 26 4
                                    

I. Given
  Na Wa Lo Pat Ma

II. Asked
   Sino ang mga sino na susunod sa pagkakasunod-sunod?

III. Process
    Si Arica Juan ay isang masipag na estudyante. Dumarating siya lagi sa kanyang eskwelahan bago sumikat ang araw. Lagi siyang nauunang pumapasok bago pa ang ibang mga estudyante dahil malayo kasi ang kanyang tahanan sa kanyang pinapasukang eskwelahan. Pumapasok din siya nang maaga upang 'di na siya maabutan ng traffic.

Ngunit isang araw isang karumal-dumal na pangyayari ang nangyari kay Arica.

Kakarating niya lang no'n sa kanyang eskwelahan at dahil nga wala pa ang kanyang mga kaibigan nag-iisa lamang siya sa kanilang silid-aralan. Habang hinihintay niya ang kanyang mga kaibigan siya'y nag-aaral muna dahil mayroon silang darating na pagsusulit sa agham.

Nagulat na lamang siya nang biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng klasrum at ito ang naging dahilan upang kabahan siya. Sinubukan niyang lumabas ngunit hindi niya mabuksan ang pinto.

Naglabas siya ng isang malakas na tili. Ngunit naputol ito dahil may isang misteryosong tao ang nagtakip ng kanyang bibig.

"Na." Sabi ng isang misteryosong tao at ibinaon niya ang kanyang dalang kutsilyo sa dibdib ni Arica. Pinagsasaksak niya pa ito hanggang sa ito'y mawalan na ng buhay.

"Patay na ang Na. Apat na lang ang natitira." At sabay naglabas nang malakas na tawa ang isang misteryosong tao. Tawa na nakakapagpatayo ng balahibo na para bang isang demonyo.

-----

Kahapon lang nangyari ang pagpatay kay Arica ngunit wala pa ring nakakaalam kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kanya.

Ang school's faculty at staffs ay tila wala nang pakialam sa mga nangyari.

Hindi nila ito sinabi sa mga pulisya dahil takot silang madamay ang kanilang eskwelahan. Binayaran na lang nila ang mga magulang ni Arica para sa pagpapalibing.

At sinabi na lang nila sa magulang ni Arica na gagawin na lamang nila ang kanilang abot na makakaya sa paghahanap kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kanilang anak.

Ngunit kasinungalingan lamang ang lahat ng mga pinagsasabi nila. Dahil ibinaon na nila sa limot ang mga nangyari.

Kaya ang kaibigan ni Arica na lamang ang naging taga-imbestiga kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kanyang kaibigan.

Gusto niyang makakuha ng katarungan sa pagpatay kay Arica.

Ang kaibigan ni Arica ay si Rizza Mae Quinto. Siya'y isang matalinong estudyante. Siya lagi ang nagiging Rank 1 sa buong 4th Year at dahil nga gusto niya maging isang ganap na Detective paglaki, sinubukan niyang hanapin kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kanyang kaibigan.

-----

"Ano kaya ang dahilan kung bakit niya pinatay si Arica? Sino kaya siya? At tsaka wala pa namang nakakaaway si Arica dito sa campus." Tanong ni Pip, na tumutulong din kay Rizza para malaman kung sino nga ba talaga ang killer.

Nag-uusap silang dalawa sa loob ng klasrum. Wala na ang kanilang mga kaklase at halos lahat ng mga estudyante ay nagsi-uwian na, dahil maggagabi na. Ngunit 'di pa umuuwi ang dalawa dahil gusto pa nila makahanap ng mga pahiwatig o clues.

"Wala akong maisasagot sa'yo dahil kahit ako marami ring mga katanungan ang namumuo sa aking utak na hindi pa na sasagot. Ang ating pahiwatig lamang ay ito." Nilabas ni Rizza ang isang ziplock bag na may lamang maliit na papel at ang naka-print dito ay...

NA

Sina Na Wa Lo Pat Ma ang mga mamamatay. Kaya mo ba silang ilagtas sa kanilang pagkamatay?

GAPESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon