Chapter 21

342 7 0
                                    

-MICH's POV-

"Oh eto dalhin mo sa kanya! Sabihin mo nadito kami, nagiintay pa din sa pagbalik niya. Sabihin mo miss na miss na namin siya. "

Yinakap ko si Austin at nagpaalam sa kanya.

He's leaving for New Jersey today. Ang alam ko kasi, bukas na din ang operation ni Bessie. And I want him to be there. Alam ko mas makakayanan ni Bessie lahat kung kasama niya si Austin.

Pagkatapos kasi ng nangyari nung isang gabi, napagdesisyonan na naming barkada na sabihin na kay Austin ang lahat. Kaya naman nagpabook din siya agad ng flight papuntang New Jersey.

Sobra siyang nagalala sa nalaman niya. Pagkasabi na pagkasabi namin sa kanya nun ay nagdesisyon agad siyang sumunod dun.

I cant blame him.

Mae really needs him right now. We all know that.

-Flashback-

"I think kelangan na niyang malaman, guys. Hindi na tama ang nangyayari e."

"Anong dapat malaman? Alin ang hindi tama?"

Nagulat kami nang may biglang magsalita sa likod namin. Paglingon namin, si Austin pala.

"Anong dapat malaman? Alin ang hindi tama?"

"Au-Autsin..." bulong ko. Nakakaawa talaga ang mukha niya. He's not the Austin I knew, anymore.

"Pare, bakit ka bumangon? Ok ka lang ba? Teka, ikukuha kita ng kape." sabi ni Jake.

"Ano bang nangyayari? May dapat ba ako malaman?" Tiningnan niya kami isa-isa.

Nagkukulbitan si James at Kyle habang pinanlalakhan nila ako ng mata. Hindi namin alam kung sino ba dapat magsabi.

Siguro ako na lang di ba? I'm the closest to him.

Pero kinakabahan ako. Baka mamaya magwala siya.

"A-Ahmm, Austin..." panimula ko.

You and I ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon