Chapter 10
-------------
Lee's POV
"So ikaw pala ang girlfriend ni Sojirouh?"
O________________________O
*Gulp*
Anong ginagawa ni Joker---este ni Kara dito?
Impernes nagulat ako pagtingin ko ah. Makakita ka ba naman ng Joker sa kalagitnaan ng gabi. Edi wow! Batman where na you? Haha. XD Makapagmake-up din kasi tong bruhang to kala mo clown eh. Ano to? Araw araw kids party? Try mo magpart time kay Jollibee. -.- Mukha kang payaso uy!
Pero teka nga! Ano namang ginagawa niya sa ganitong klase ng lugar? At ganitong oras pa ah! Nakakapagtaka. Wag nyang sabihing ganun na talaga sya kainlove kay Sojirouh kaya hanggang dito nag-iistalk sya? Geez. By the way, classmate ko nga pala tong si Joker. Lagi nya rin kasing bukambibig si Sojirouh kaya halata naman na may gusto sya dun.
"H-ha?"-bingi-bingihan kunwari. Hindi ako pwedeng sumagot sa kanya ng oo. Famous din kasi tong si Joker sa Elite mukha nga kasing payaso diba? Kaya ayun! Bentang-benta. Dejoke. Wahahaha. Lolo nya kasi yung Dean ng Elite eh kakilala nila papa yun! Baka isumbong ako nun kila papa. Eh isa pa naman ding pabibo yung lolong yun ni Joker. Kaya hindi na nakakapagtaka kung saan nagmana si Joker eh.
"Tell me. Ikaw ba ang girlfriend ni Sojirouh?"-tanong nya ulit na halatang pinipigilan lang ang galit. Wag mo pigilan neng! Lumalaki butas ng ilong mo! Parang manhole! Wahahahaha.
"H-ha?"-bingi-bingihan ulit. Haha.
"TIGIL-TIGILAN MO NGA ANG KAKA-HA MO! GUSTO MONG BINGIHIN KITA NG TULUYAN?!!"-at nabeastmode na po sya. Yung totoo? Bakit puro beastmode mga tao ngayon?
O_o ---ganto reaksyon ko nung nabeastmode sya.
"May nakapagsabi sakin na kasama ngayon ni Sojirouh yung girlfriend nya na matagal nya nang tinatago sa marami! And that girl wearing grey shirt, blue jeans and flat shoes na tugmang tugma sa kung anong suot mo ngayon! So tell me! Ikaw nga ba?!"-halong inis at pagtataka nyang tanong. At dahil wala talaga akong masagot sa kanya, ise-segway ko na lang yung usapan.
"Hindi. Hindi ako yun! Yung ninuno ko yun. Hala lagot ka! Minumulto ka nila kasi inaaway mo daw ako! Awoooooo~~"-at umarte akong parang multo habang palapit sa kanya. Todo usod naman sya. Haha natakot?
"Ano ba Lee!! Sinasapian ka na naman ng kaabnormalan mo!"-inis nyang sabi habang tinataboy ako. Todo lapit pa rin ako sa kanya na pigil ang tawa. Alam nya namang tao ako pero natatakot pa din sya. Topak din sa ulo to eh.
"Awoooo----Ayt!!"-biglang may humila sakin.
=====
Third Person's POV
Habang nagbabangayan sila Lee at Kara, tahimik lang na nakaupo si Sojirouh habang umiinom at walang pake dun sa dalawa. Iniisip nya pa rin kasi yung sinabi nya kay Allison na maghiwalay na lang sila kung itutuloy pa rin ni Allison ang pag-alis nya. Pero ang totoo, hindi nya naman talaga kayang mawala sa kanya si Allison dahil ito ang first love nya at ito lang ang minahal nya simula pa noon. Sobrang mahal nya talaga si Allison kaya nga nagawa nya itong antayin sa loob ng limang taon.
Habang umiinom si Sojirouh, natawag ang pansin nya ng isang lalakeng nakasuot ng jacket na may hood na paligid ligid malapit sa kanila at parang kahina-hinala ang galaw. Medyo malapit ito sa kinaroroonan nila. Napansin nyang parang nagmamasid ito. Nang sundan niya kung saan nakatingin ang mga mata nung lalake, nakatingin pala ito sa direksyon nila Lee na busy sa pagdadakdakan. Nang binalik ni Sojirouh ang tingin nya dun sa lalake, ay sa kanya na ito nakatingin kaya nagtaka sya. At mas lalo pa syang kinutuban ng bigla itong umiwas ng tingin sa kanya at parang may sinenyasan sa kung saan at saka umalis na parang walang nakita. Kinutuban na sya ng malakas kaya agad syang tumayo at iniwan ang bayad sa mesa at agad na pinuntahan si Lee at hinila nya ito paalis sa lugar na yun.
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Fiksi RemajaLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...