Chapter 38: Still Her?

80 3 0
                                    

A/N

Pardon me guys. Bibitinin ko muna kayo sa Gab and Vera Love Story ha. Isisingit ko muna sina Jason at Juli. Siguro nagtataka kayo kung anyare na sa kanila. Yung kinukwento ni Vera eh sobrang close na sila to the point na minsan na lang makasama ni Vera ang kanyang bessy.

Sensya naman. Nakalimutan ko kasing ipublish to eh. Na excite ako masyado kina Gab and Vera. So naghanap na lang ako ng maganda timing kung kelan ko ipupublish to. Sorry and thanks sa pag-unawa :)

2 Updates din to :)

PROPERTY OF PANDORA’S HEART

[Jason’s POV]

After nung competition sa MYX, yung napanalunan namin, eh hindi naman kami masyadong sumikat. Though lumalabas kami sa mga talk shows or minsan eh nagiging vj kami sa myx. Pero beyond that eh hindi na namin tinatanggap ni Juli yung mga offer.

“Hay nako naman!”

“O bakit Juli?” lumapit ako sa kanya. Nandito kasi kami sa bahay ko. Madalas na kami dito kasi dito kami nagppractice ng mga ipeperform namin. Remember? May music room ako sa kwarto ko.

“Eh kasi naman. Tumawag yung Luv U. Gusto daw tayong isama sa casting”

“Ano ba yan? Ang kulit naman. Ayaw nga natin sa ganyang field eh. Ang alam ko kasi eh sinabi na natin yun sa interview natin sa The Buzz eh.”

“Oo nga eh. Kainis. Paulit-ulit tuloy ako”

*kriiiiiiing *kriiiiiing

Nagkatinginan lang kami ni Juli. Alam na namin yang tawag na yan. Another offer na isama kasi kami sa mga cast sa kung ano mang palabas o pelikula. Eh ayaw nga namin.

*kriiiiiiing *kriiiiiing *kriiiiiiing *kriiiiiing

“WAAAAAAH! Jason! Naririndi na ako!” sigaw ni Juli habang nakatakip yung dalawang unan sa kanyang tenga.

“Ok ok. Sasagutin ko na nga lang”

Umirap lang si Juli at balik sa kama. Nako! Sanay na ako sa kasungitan netong si Juli. Parang bipolar yan eh. Kaya pagbigyan na lang.

“Hello po?”

“Sir Jason?”

“Ah. Opo. Ako nga po si Jason” tiningnan ko si Juli na nakatingin lang din sa akin at hinihintay yung sasabihin ko.

“We would like to offer you to be one of the cast in a movie we are about to film”

Hay nako! Another offer? Sinabi ng ayaw eh!

“I’m sorry po pero hindi po talaga kami tumatanggap ng mga ganyang offer. Sorry po” ibaba ko n asana total yun din ang ginegesture ni Juli pero napatigil ako sa sinabi nung nasa kabilang linya.

“This is a movie with a musical genre. You only have to play and sing in here. Don’t worry. We know that you and Ms. Juli are not into acting. But we really think this will fit the both of you. Besides, you guys are not the main casts. One of the side story the movie will run into”

Mukhang maganda to ah. Tiningnan ko lang si Juli. Yung tingin niya eh ANO-NA-BAKIT-DI-MO-PA-BINABABA Look.

“Yes sir. I’ll discuss it with my partner” at binaba ko na yung phone.

Umupo ako sa kama habang si Juli eh nakatingin lang sa akin at nagtataka. Hindi muna ako nagsalita. Gusto ko kasing i-try to eh. Pero feeling ko eh hindi papaya tong si Juli.

Kasi naman. Napagkasunduan namin na kung walang Juli eh walang Jason at kung walang Jason eh walang Juli. Kumbaga talagang tandem kami.

Hinawakan ko muna yung mga kamay niya at tiningnan siya ng seryoso. Si Juli eh mukhang nagulat pero nakatingin lang siya na nagtataka.

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon