KATORPEHAN

17 1 3
                                    

[To the girl that i love]

This is just a written file of what i really feel...

Yes, I know, alam ko na napakatorpe ko.. Alam ko na wala akong lakas ng loob na sabihin at gawin yung mga bagay na gusto kong sabihin at gawin... There comes to a point na madalas ko ng sinasabi sa sarili ko na bakit napaka matatakutin kong tao.. I'm really scared of rejection. Specially when it comes to love..

Specially when it comes to you..

Hindi ko inaasahan na makikilala kita..

College.. Isang ordinary classmate lang yung turing ko sayo dati.. Wala akong idea na magkakagusto ako sayo ng husto.. Napaka unique mo.. Hanggang sa dumating yung araw na naging close tayo.. Hindi ko nga alam kung bakit tayo naging close.. Tapos inaasar na nila na bagay daw tayo. As far as I know dun nagsimula ang lahat... Naaalala ko pa dati nung may tawagan pa tayo. Pinalabas pa natin na kunwari eh may TAYO.. pero in reality hindi naman talaga.. Hindi nagtagal at naging close friend na nga tayo.. With same circle of friends. Mas napalapit ako sayo. Mas nagkaroon ng time yung sarili ko na makilala ka. Napakasimple mo. Walang arte, palakaibigan, matatag, masayahin, talented... Yan yung mga bagay na nagpapaganda sayo lalo. Pakiramdam ko ang hirap hirap mong abutin.. Nakikita ko sayo na napakataas ng pangarap mo sa buhay. Nasasaktan ako pag nakikita kitang malungkot, ewan ko ba kung bakit mas madalas kong nasesense yung pagiging malungkutin mo. Madali kasing makita sa mga mata mo. One time, nung interns plang tayo, nakita kitang mag isa sa station mo. Nilapitan kita. Kinukulit, pero no effect.. Nakita ko nlang na malungkot ka. Problemado, tinanong kita kung anong problema, sabi mo wala.. Pero ramdam ko. Napatanong ako sa sarili ko that day, hindi ba ako yung pwede mong maging shoulder to lean on? Hindi kita pinilit na sabihin yung problema mo, pero bigla ka nalang umiyak.. Nasaktan ako. Sa totoo lang hindi ko alam yung gagawin ko nung time na yun.. Gusto kitang yakapin, pero nanaig pa rin yung pagkatorpe ko. Naalala mo pa binigyan lang kita ng panyo at tinap ko yung likod mo at sinabi ko na kaya mo yan.. Lilipas din yan. Pero napansin ko na malungkot ka pa din. Humanap ako ng paraan para mapasaya ka. Hindi rin kasi ako makapagfocus noon sa task ko.. Bumili ako ng favorite mong chocolate. Binigay ko sayo yun bago ka maglunch. Gusto kita sabayan that time pero hindi pwede magsabay. Napangiti na ko dahil kahit papano eh napangiti kita. Then after shift kumain tayo sa kilalang restaurant .. Napakasaya ko nung araw na yun.. Kasi kahit papano nagawa ko na mapasaya ka kahit alam kong problemado ka na. Bilib din talaga ako sayo kasi antatag mo. May maganda kang pananaw sa buhay na nakaimpluwensya sa pagkatao ko. :)

Sa totoo lang ayoko na may kasama kang iba, pero anong magagawa ko, wala naman akong karapatang pagbawalan ka.. Tinitiis ko nlang yung consequences ng pagiging ganito ko.. Yung ganito.. Yung pagiging torpe ko.

Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko ano nga naman kasing magugustuhan mo sakin? Walang wala ako sa mga nakilala kong naging manliligaw mo. Dati isa lang akong nerd. Stress sa pag aaral at sa pagiging presidente ng student council.

Kahit naman siguro ganito ako alam ko na nakakaramdam ka din.. Alam ko na kahit papaano eh nararamdaman mo rin yung simpleng pagmamahal ko sayo. Sabi mo pa nga ayaw mo muna ng commitment. Kaya ako eto kahit hindi literal na sinabi mo sakin yun, nirerespeto ko yung desisyon mo. Alam ko kasi yung kalagayan mo. Hindi ko nga maimagine na sasaktan ka lang ng naging ex mo. Napapaisip nalang ako na sinayang lang niya/nila yung pagmamahal na binigay mo sakanila na sya namang sobra kong hinihiling na mahalin mo rin ako. Yung higit pa sa kaibigan.

Dumating yung time na nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sayo yung nararamdaman ko nung una parang nagdadalawang isip pa ako...

Pero dahil torpe talaga ako.. Dinaan ko sa text. Kwento-kwento, nanaig na naman yung kakulitan nating dalawa.. Then sinegwayan ko na. Sabi ko "Mahal Kita, I mean, Mahal na mahal"

Natakot ako sa magiging reply mo. Kung magagalit ka ba, baka hindi mo na ko pansinin kinabukasan, baka mailang ka at hindi mo na ako ituring na kaibigan.. Nagring ulit yung phone ko. Kinakabahan ako.. Pagka bukas ko, ikaw na nga yung nag reply ng "Salamat :)"

Hindi ko alam kung matutuwa ako, o malulungkot. Hindi naman sa umaasa ako na i love you too ang irereply mo. Nalungkot ako that time kasi pakiramdam ko magbabago pakikitungo mo sakin. Pero sa kabilang banda nandun yung saya ko. Na kahit papaano ay nasabi ko yung nararamdaman ko.

At ayun na nga. Hanggang ngayon hanggang dun pa din. Hindi ako nauubusan ng pag asa na darating din yung araw na makakaramdam din ako ng pagmamahal mula sayo. Minsan nananaginip ako ng gising na may TAYO, yung Kasama kita palagi, pero hindi eh. Busy ka tapos busy rin ako. Haayysss...

Hindi ko na alam kung saan na ko dadalhin ng katorpehan ko.. Napapaisip din kasi ako na baka mag sisi ako sa huli, dahil sabi nga ng iba eh baka maunahan ako..

Sa ngayon ok na muna sakin yung masaya ka sa ginagawa mo parati. Yung kahit minsan nlang tayo magkita at magkaroon ng komunikasyon sa isa't isa eh nasisigurado ko na safe ka, at wala pang nakakauna sakin, dahil alam ko na napakapili mo na sa susunod mong mamahalin.

Darating din yung araw na mag gugoodbye ako sa katorpehan ko. Wag muna siguro ngayon, dahil may pinaplano ako. Sana mahintay mo, gusto ko maimprove muna yung sarili ko, yung tipong alam ko na talaga yung mga steps na gagawin ko dahil hanggang sa ngayon di ko pa talaga alam yung Dapat na gawin ko.

Mahal na mahal kita, tatandaan mo palagi yan.. Nandito lang ako na makikinig sa lahat ng kwento mo, hinding hindi ako magsasawa na pakinggan yung boses mo, titigan yung mga mata mo, punasan yung bawat patak ng luha mo, samahan ka sa lahat ng kabaliwan mo, at higit sa lahat hinding hindi ako magsasawang mamiss at mahalin ka kahit alam ko na salamat ang ireresponse mo. Ok na yun atleast alam ko na hindi mo ko binabalewala dahil hanggang ngayon nandyan ka pa din at may tiwala sakin..

Ok na rin sakin yung nasabi ko ng Mahal kita dahil kahit papaano alam mo sa sarili mo na may torpeng nagmamahal sayo. :)

Mag iingat ka palagi. :)

I love you..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The Girl That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon