"Nakakainis Yung Lalaking"
Pag kayo, napaka sweet. Yung tipong bawat text, may "I love you". Yung ipaparamdam sa'yo na totoo nga yung sinasabi niyang mga kasinungalingan. Kasinungalingang mga salita? Ayun yung "ikaw lang mahal ko, ang minamahal ko, at patuloy na mamahalin", "tayo lang forever", "di ako mapapagod sa'yo", "kahit ano gagawin ko wag ka lang mawala", "walang makapagpapahiwalay sa'tin", at kung anu-ano pang mabulaklak na salita ang maririnig mo. Samahan pa ng mga paasang salita tulad ng "FOREVER", "INFINITY", "Promise, cross my heart", "Itaga mo sa bato", at iba pa--alam mo na yun. Siyempre din, hindi mawawala yung sweet gestures. Gaya ng holding hands-- na parang di na niya bibitawan na tila may glue ata. Mas sweet pa ito kung while walking. Anjan din yung kiss at hug--sa mga lumelevel-up-- na kala mo wala ng bukas.
Masarap magkaroon ng ganyan. Parang heaven ang buhay. Yung mapapasabi ka ng hayahay~ Kada umaga, may marereceive kang text or call na nagsasabing "goodmorning my hunnysweetycutiechocobukodarlinglove(o ng kung anumang korning tawagan niyo), kumain ka na. Ingat ka, aylabyuh. mwamwatsuptsup" or whatever. Basta ganun. Lulunukin mo din ang nagsusumigaw ng "KKKKKORNI", kakornihan na inaanasar mo sa mga kaibigan mo noon nung wala ka pang lablayp. Di lang umaga yan, mapatanghali, miryenda, hanggang gabi. Kasi parang mamatay kayo pareho pag hindi kayo nagkausap gamit ang text. Pindot dito, pindot dun. Kahit wala namang kwenta yung pinaguusapan niyo(ewan kung bakit tumatagal ng ganun LIKE 24/7), masaya ka na basta may "aylabyuh" etcetara etcetera.
At ayun na nga, siyempre ganun sa umpisa, at ang buhay naman ay hindi pwedeng mawalan ng problema. Magkakaroon na ng tampuhan iyan. Unti unti ng manlalamig ang dating naglalagablab na di mawariang lablayp ninyo. Pilit itong ireresolba ninyong pareho. Kawawa ka pag ikaw lang ang naghahanap ng solusyong upang mabalik sa dati ang samahan. At kung katulad nga ng karamihan... hindi na ito maayos pa. AT-- dadating na sa puntong...... paghihiwalay.
Hindi na kayo. Siyempre hindi na sweet. Kadalasan p nga bitter (lalo kung ikaw ang iniwan ikaw lang talaga yung di makatanggap na wala na kayo). Hindi ka na makakatanggap ng "I love you", kundi mga kabaligtaran nito like "I hate you", "mamatay ka na", "go to hell" at kung anu-ano pa. At dun mo na talaga mapapatunayan yung mga kasinungalingan niya. Mapapalitan na ng "ikaw ang pinaka walang kwentang babaeng nakilala ko", "sana hindi na lang naging tayo", "sukang suka na ko sayo", "sana di na lang kita nakilala" at kung anu-ano pang masasakit na salita.
Doon mo malalaman na may bilang pala ang FOREVER. Ayun ay kung ilang araw kayo nagtagal. At ang INFINITY ay mabibilang lang pala. At sana, inekisan mo gamit ng kutsilyo yung puso niya nung nangako siya. At sana rin, yung daliri niya ang ipinantaga mo sa bato.
Wala na ring sweet gestures. Kasi magiiwasan na kayo. Kailangang-kailangan yun dahil kung hindi, ay baka magpatayn na kayo pag nagkadikit maski dulo lang ng kuko niyo. Napalitan na din ang korning tawagan niyong magowa. Naging "b!+c/-/", "@ssh073", "mambabarang" "kapre", "unggoy", "bakulaw", "manggagamit", "mabaho", "supot", "whore", "slut", at kung anu ano pa.
WALA NA. BUMALIKTAD NA ANG MUNDO.
Nakakainis yung lalaking ganun. Nagbreak lang kayo, ganun na ang asal. Liligaw-ligawan ka, tapos papaiyakin ka? Gaguhan? Sinagot mo sa dami ng gustong makakuha ng matamis mong oo. Tapos, ganun lang? Mapapasabi ka na lang ng punyaterang tupa!
Hindi naman masamang umiyak at masaktan sa larangan ng pag-ibig. Ang dapat lang, deserve nung taong pinili mo yung lahat ng yun. Magisip-isip din at di lang puso ang pairalin. At sana lang talaga, mabawasan na ang mga lalaking ganun.
= ShoutsnThoughts<3
