Note: I reposted Chap31 kasi maraming hindi nakakabasa. Hindi daw lumilitaw kahit na-follow na ako. As I mentioned on chap1, Chapters (R-18) 3, 6, 7, 9, 31 are private chaps.
Chapter 31
"Baby, lunch is ready!" Narinig kong sigaw ni Christian mula sa kusina.
Kailangan talagang sumigaw?
"Just a minute!" Pasigaw ding sagot ko.
"Okay!"
Natawa ako. Kung may makakarinig sa amin iisipin nilang taga-bundok kami.
Katatapos ko lang mag-impake ng mga damit kong naiwan dito sa condo ni Christian. Ililipat ko na kasi sa bahay namin, sa bahay kung saan siya nag-propose sa akin dati. Nailipat ko na rin ang mga ibang gamit ko doon mula sa apartment ko.
Tatlong araw na simula nung nag-confess siya sa akin. Hindi siya pumayag na hindi kami magkasama pagkatapos niyon.
Kung may magtatanong sa akin kung bakit agad ko siyang pinatawad sa kabila ng ginawa niya, simple lang ang sagot ko.
Love.
When you love a person and hate him at the same time, mapapansin mong unti-unting tatalunin ng love ang galit na natitira sa puso mo hanggang sa ma-realize mong, hate is just a useless emotion. Dahil alam mo sa sarili mo, na ang taong iyon lang ang makakatanggal ng hatred na nadarama mo. Hindi ako eksperto sa pag-ibig pero natutunan kong kailangan mong magpatawad para maramdaman mo ang tunay na kahulugan ng happiness, ng love.
Wala pa akong nakitang lalaking umiyak sa tanang buhay ko maliban sa pelikula, pero ng umiyak siya sa harap ko, parang binibiyak ang puso ko. Paano ko maaatim na tiisin ang ganitong lalaki? Na ang kasalanan lang naman ay ang mahalin ako?
Alam kong labis niyang pinagsisihan ang ginawa niya. Ang bigat sa konsensiya na dinala niya ay sapat ng kaparusahan sa kanya. Hindi birong magdala ng guilt sa loob ng maraming taon. Alam ko ang ganung pakiramdam dahil nagi-guilty din ako sa pagkamatay nila Mommy kahit sinasabi nilang hindi ko 'yon kasalanan.
Makasalanan din akong tao, kaya sino ako para ipagkait ang kapatawaran sa taong nagkasala sa akin? Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kayang tao lang na isang Magdalena?
Sa pagpapatawad ko sa kanya, marami akong narealize. Na-realize kong masarap palang mabuhay ng walang kinikimkim na grudge sa puso mo. Na-realize kong kapag mahal mo ang isang tao, madali mong mapapatawad lalo na alam mong mas mahal ka niya. At na-realize ko ring hindi ko kayang mabuhay na wala siya. Hindi ko makita ang sarili kong iba ang kasama sa pagtanda kundi siya lang.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sinong nagtext.
Si Daniel. Binasa ko ang text niya.
Bestie, don't forget to visit me pag may time ka ha. If you want a gay company, just text me and I'll be there. Ok? Ingat kayo mamaya. Tsup!
Nagtataka siguro kayo kung si Daniel ba talaga 'yon. Yes. That was Daniel. Okay na uli kami matapos naming mag-usap kahapon ng puntahan ko siya sa unit niya. Naalala ko ang reaksiyon niya ng makita ako. Gusto kong matawa sa itsura niya ng pagbuksan niya ako ng pinto. Para itong nakakita ng multo.
"B-Bree?" Halos mabilaukan ito sa pagbanggit ng pangalan ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Pwedeng pumasok?"
"S-sure, p-please come in..." Niluwangan niya ang pinto at saka alanganing sumunod sa akin sa sala niya. "M-maupo ka."
Halatang kinakabahan ito dahil panay ang twist nito sa mga daliri niya.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
Ficción General"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...