STAR BULLETIN NEWSPAPER
Nahuli na ang mga hinihinalang suspek sa naganap na walang-awang pagpaslang sa dalawampung mag-aaral na naninirahan sa isang boardinghouse na exclusive para sa mga kababaihan, ang Casa Monica. Pinangako ng awtoridad na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawampung dalagitang mag-aaral na walang awang pinaslang.
Hindi na tinapos pa ni Danica ang pagbabasa ng dyaryo. Ibinato niya iyon kung saan at nabasag ang full-size mirror na tinamaan niyon. Hinarap niya ang basag na salamin at nakita ang kanyang repleksyon.
Hindi iyon ang mga pumatay sa mga kaibigan ko. Hindi, hindi ako pwedeng magkamali! Tandang-tanda ko ang mga mukha ng mga halimaw na iyon! Sigaw niya sa kanyang isip.
Isang buwan na ang nakalilipas ng mangyari ang Casa Monica Massacre. Kung saan walang awang pinatay ang mga kaibigan at kaklase niyang nakatira sa boarding house na iyon. Kitang-kita niya ang nangyari, nasaksihan niya ang mga kababuyang ginawa ng mga halimaw na iyon!
Ginahasa, ginilitan ang mga leeg at pagkatapos ay walang-awang pinagsasaksak! At pagkatapos... pagkatapos ay kinain ang mga laman-loob ng mga kaibigan ko! Mga hayop sila! Mga halimaw!
Sa isip-isip ni Danica, hindi niya matatawag na swerte siya dahil nakaligtas siya. Dahil gabi-gabi siyang binabangungot ng mga eksena mula sa nakakasuklam na gabing iyon.
Siya ang nag-iisang nakaligtas sa naganap na massacre, at walang sino mang nakakaalam niyon. At ngayon, may mga suspek nang nahuli para magbayad sa kasalanan ng mga halimaw na gumawa niyon.
Hindi, hindi ako papayag na ibang tao ang magbayad sa mga kasalanan ng mga halimaw na iyon! Ang dapat sa kanila ay mahuli at makulong! Dapat silang patayin gaya ng walang-awang pagpatay nila sa mga kaibigan ko! Mga hayop sila!
Gagawin ko ang lahat para mahuli sila! Kahit ikamatay ko pa!
To be Continued...
BINABASA MO ANG
Survival
RandomAn exclusive female dorm was attacked by an unknown gang. Every girl was raped and killed except for a girl.