At Kumag's house...
Pagpunta namin sinamahan kami ni Jigs, pagpasok namin nagulat kami sa laki ng bahay nila at yung limo na nakita ko ang haba pala talaga sorry first time lang makakita ng limo hahaha
"Ang laki pala talaga ng bahay ni Sam, kanino ba yung car na nakaparada kanina sa labas?" Tanong ni Sophie kay Jigs
"Ah, ayan? sa daddy yan ni Sam" sabi ni Jigs kay Sophie
Pagpasok namin sa loob, pinaupo kami ng mga maids nila sa living area habang hinihintay tumingin-tingin ako sa paligid ng bahay nila at may napansin akong mga pictures niya nung graduation niya at isipin mo ba naman andami niya palang medal, this cant be real hahahaha matalino pala siya nung elementary days...ilang sandali pa dumating ang daddy niya pagkatapos pinaakyat kami sa kwarto ni Sam.
"Ayan siya kagabi pa nilalamig at kanina pa natutulog, hindi na siya nakapasok.. oh pano kayo na bahala diyan?" sabi ng daddy niya samin, pagtapos pumasok na kami at nakita namin siyang natutulog
"Maiwanan ka na namin dito Kath" sabi ni Jigs
"Wait isasama mo si Sophie?" tanong ko
"Sige na bestfriend para makausap mo na rin siya" sabi ni Sophie sakin then they left out...inikot ko yung buong kwarto niya at may napansin ako sa bandang aparador niya, di ko alam kung bakit ko gustong buksan yun at may nakita ako sa loob na picture nila ng mama niya. Ang ganda ng mama niya maputi, makinis ang mukha at pareho sila ni Sam na blue and mata. di ko napigilan ang sarili ko na hawakan yung picture then.. *KNOCK KNOCK* may kumatok sa pinto nagulat ako kaya nailagay ko sa bulsa ng bag ko yung picture
"Sino yan?" Tanong ko
"Mam andito na po yung tubig at towel na pinadala ni mam Sophie" sabi ng maid na kumatok, pagkatapos kinuha ko. Hindi ako sanay na nagaalaga ng may sakit pero sinubukan ko parin, pinunasan ko yung balikat niya, pagtapos yung katawan at ang mukha at habang ginagawa ko yun napatitig na lang ako sa kanya at narealize ko na guwapo pala talaga siya at ang cute niyang matulog
"Alam mo guwapo ka sana eh, kaso lang ang bastos ng ugali mo at ang ampatiko mo pa" bulong ko sakanya
Ilang minuto din akong nagpapalit at nagpupunas ng noo ni Sam, at hindi ko pinalampas yung pagkakataon para makapaghingin ng sorry sakanya
"Oo nga pala bago ko makalimutan, sabi sakin ni Sophie hinintay mo daw ako... hindi ko kasi talaga alam na magagawa mo kong antayin" bulong ko ulit sakanya, ano ba yan nagmumukha na akong tanga kinakausap ko yung tulog :3
Ilang sandali pa tinawag na ako ni Sophie...
"Hey, ano di ka pa ba uuwe?" tanong niya sakin, then tumayo na ako at nagpaalam na kay Kumag
"Bye, Sam" lumapit ako sa tenga niya at binulong, papaalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko, W-wait ano to bakit niy ko hinawakan
"Mommy, huwag niyo po akong iwan" sabi niya sakin, Huh? mommy ako? mukha ba akong nanay niya. then binitiwan niya na yung kamay ko at lumabas, inaya kami ng daddy niya na magdinner sakanila kaso wala na kaming oras dahil ginabi na kami kaya di na kami kumain
Habang nasa taxi, iniisip ko padin kung bakit ibang-iba siya sa school at sa mga nakita ko sakanya kanina. at bakit niya ako sinabihan ng ganun habang may sakit siya..paguwe ko tulog na si mommy at natulog na rin ako para bukas.
************
Kinabukasan...
Late nanaman ako ng nakapasok sa school, pagupo ko nakita ko si Sam na masama ang titig sakin na parang may gagawin nanamang hindi maganda
"Oh, Kathy give us one of your unforgettable moment in life " tanong sakin ni mam Nucup, then tumayo ako para sagutin yung question ni mam kaso nakatitig pa rin sakin si Sam
"Uhmmm, mam... one of my unforgettable experience in life is when... me and my crush have some dinner in his restaurant" pagtapos umupo na ako kaso nakatitig pa rin sakin si Kumag, ano nanaman kaya iniisip nito sakin.
Break time...
"Mauna ka na muna sa canteen Sophie susunod nalang ako" sabi ko kay Sophie
"Sige"Respond niya, Then umalis na siya at pumunta ako sa locker habang naglalakad nakita ko si Sam na sumusunod sakin.. natakot na ako sa ginagawa ni Sam dahil kahit saan ako lumusot sumusunod pa rin siya pagkakita ko ng locker ko huminto ako at binuksan yun, iniwan ko yung picture ni Sam at ng mommy niya sa loob pagtingin ko sa gilid wala na si Sam..
"Hay salamat hindi na sumunod sakin yung Kumag na yun" bulong ko
"Sinong Kumag?" nagulat ako ng nakita ko siya na nakasandal sa pader pagtalikod ko..then naglakad siya papalapit sakin
"After that, Kumag pa rin ang tingin mo sakin?" sabi niya habang papalapit siya sakin.
"At sa tingin mo di ko alam na kaya hindi mo ako sinipot kasi kasama mo yung James na yun" sabi niya, halos one inch nalang ang layo niya sakin
Hanggang sa umabot yung mukha niya na sobrang lapit niya na sakin "at alam mo ba na dahil sayo hindi ako nakalaro kahapon!" sabi niya sakin, kaso di pa rin siya tumigil sa paglapit sakin akala ko hahalikan niya ulit ako kaya sinampal ko siya *pak*
"Bakit moko sinampal?!" tanong niya sakin, pagtapos kinuha niya yung picture niya
"K-kala ko kasi h-hali..." di ko pa natutuloy yung gusto kong sabihin sakanya
"Why did you take this?!" tanong niya sakin
"S-sorry di ko naibalik sayo eh" respond ko
Pagtapos umalis na siya... lalo tuloy akong natatakot sa mga ginagawa niya sakin, papunta na sana ako sa canteen ng may humarang sakin na tatlong mga babaeng lower section..
"You, anong akala mo? maganda ka na porket naging boyfriend mo si Sam!?" sabi ng isang girl
"Oo nga, tska puwede ba gumising ka sa katotohanan hindi kayo bagay ni Sam" sabi ng isa pang girl na naka ponytail yung buhok, di ko nalang sila pinansin kaya tumuloy ako sa paglakad
"Huwag kang bastos, we are talking to you" sabi ng pangatlong girl
"Kung gusto niyo si Sam sa inyo na siya, isaksak niyo sa baga niyo.. at FYI hindi ko siya boyfriend!" sabi ko sakanila, then tumuloy ako sa paglakad
"Ah lumalaban ka!" hinablot ng isang girl yung buhok ko at sinabayan ng isa pang babae, sa lakas ng pagkakasabunot nila natumba ako sa sahig.. ilang sandali pa nakita ako nila Sophie na pinagtutulungan at tinulungan ako tinawag niya si mam Nucup kaya nagtakbuhan yung mga babae, Di ko naiwasang maiyak sa ginawa nila sakin lalo na ng nakita ko ang sarili ko na naiipit sa mga ginagawa sakin ni Sam...
BINABASA MO ANG
It Is All Destined
Novela JuvenilIt is a story of a two people who use to hate each other, Kath is a girl who loves James simula nung 1st year palang sila ng highschool and now that she is in 3rd year gusto niyang makilala siya ni James hanggang sa nakilala niya si Sam na ex teamma...