Author's POVPUMASOK sa trabaho si Gian pero kaagad na tumunog ulit ang cellphone niya at nakita niyang tinatawagan nanaman siya ni Christa.
. calling...
Hindi niya sinasagot si Christa sa tuwing tumatawag ito sakanya, ayaw niyang makipag-usap dito dahil alam niyang maghahabol lamang ito sakanya.
Pinatay ni Gian ang cellphone niya, "Gian!" Napalingon siya at nakita niya si Christa na naglalakad palapit sakanya. Napansin niya rin ang pagtitinginan ng mga empleyado sakanila.
"Why aren't you answering my calls?!" Hinawakan ni Gian ang braso ni Christa tsaka hinila papunta sa office niya.
"Ano bang problema mo? Stop making a scene! Hindi ka ba nahihiya? Isang buwan ka nang nagkakaganyan! Ang sabi ko sayo stop clinging on me dahil one night stand lang ang nangyari sa atin!" Napahampas sa table niya si Gian.
Hinagis ni Christa kay Gian ang isang pregnancy test. Pagkakita ni Gian doon, dalawang guhit.
"Well, news flash lover boy, ang one night stand na sinasabi mo ay nagbunga. Hindi mo pwedeng takasan 'to!" Kaagad na nanghina ang binti ni Gian ng makita niya iyon.
Buntis si Christa, at siya ang ama.
Napatulala lang si Gian habang hawak ang PT. Napahigpit ang hawak niya dito habang gulung-gulo ang utak.
Paano niya maaayos ang gulong ito? Masyadong mahirap ayusin ito, sa kahit anong paraan, kakailanganing mamili.
"Gian, don't just stand there! Speak up!" Tiningnan niya si Christa.
"Pananagutan ko ang bata, susustentuhan ko---"
"NO!" Sigaw ni Christa. "Hindi ako papayag na susustentuhan mo lang ang baby natin! Gian, dalawa tayong gumawa nito kaya dapat ay dalawa tayong magpalaki nito! Ayokong lumaking walang ama ang anak ko, Gian! Naiintindihan mo ba?! I don't need your money! I NEED YOU!"
"Hindi pwede, Christa! May asawa ako, may pamilya---"
"Pamilya? Wala ka nang anak sakanya, Gian! WALA! Sa akin, meron! Kailangan kita Gian! I can't raise this child without you! At ano nalang ang sasabihin ng magulang ko kapag nalaman nilang nabuntis ako at walang ama? Itatakwil nila ako!"
Napasubunot sa buhok niya si Gian. Hindi na niya alam ang gagawin niya, gulung-gulo na ang utak niya.
"Ano bang gusto mong gawin ko?!" Seryosong tumingin sa akin sa Christa.
"Hiwalayan mo ang asawa mo at pakasalan mo ako."
"Nababaliw ka na ba, Christa?!" Ngumisi si Christa at inilabas niya ang isang gamot, pangpalaglag na ikinagulat ni Gian. "Christa, bakit mayroon ka niyan?!"
"Kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko, ipapalaglag ko ang bata." Nagulat si Gian sa sinabi ni Christa.
Kung ipapalaglag ni Christa ang bata, mawawalan nanaman ng anak si Gian at hindi kakayanin iyon ni Gian. Masyadong masalimuot para sakanya ang mawalan pa ulit ng isang anak.
"Ano, Gian? Naghihintay ako," Napalunok si Gian at napahigpit ang hawak niya sa picture frame nilang pamilya.
Itinaob niya ito, "F-fine, g-gagawin ko ang gusto mo, basta alagaan mo ang magiging anak n-natin."
Ngumiti si Christa atsaka niyakap si Gian, "Yes love, I will take care of our baby. We'll have a happy family, I promise you."
Hindi magawang makakilos ni Gian, hindi niya alam pero kusang tumulo ang luha niya ng maalala niya ang dating pamilya niya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?