(#11 Purinarya)

39 1 1
                                    

"Ate, nagugutom na talaga ako."

Umuungot na anas ng kanyang nakababatang kapatid.

"Konting tiis pa May, Maghahanap ako bukas ng trabaho para may magastos tayo."

Naluluha na siya sapagkat sa hirap ng buhay ngayon, hindi niya alam kung makakahanap nga ba sya ng trabaho.

Sino nga ba naman ang tatanggap sa isang katulad niya na hindi nakatapos ng high School?

Kanyang tinapik tapik sa likod ang kanyang kapatid upang patulugin ito at panandaliang malimot ang gutom.

"Tulog ka muna ah? Uutang na lang mamaya ako kay aling Helen ng biscuit, yun nalang kainin mo."

Tumango naman ang kanyang kapatid at ipinikit ang mga mata habang tinitiis ang kumakalam na sikmura.

Maging siya man ay nakakaramdam na din ng gutom.

Kung hindi lang sana namatay ang kanilang mga magulang, marahil ay maginhawa ang kanilang buhay.

Tumayo na sya at sinuot ang kanyang tsinelas.

Kailangan na niyang humanap ng trabaho.

Lumabas na siya sa kanilang maliit na kubo at pumunta na kay aling helen upang umutang ng biscuit at dos na kape at asukal.

Pagkakain ng magkapatid ng kanilang gabihan ay tumulog na sila.

Kinaumagahan ay agad siyang naligo at nagbihis ng maayos ayos na damit.

Dala dala ang dalwang pirasong pandesal na ibinigay ng kanilang kapitbahay na matanda ay lumakad na sya upang makapaghanap ng trabaho.

Nakailang tanong na siya kung mayroon bang pwedeng tumanggap sakanya, ngunit lahat ito ay hindi ang sagot.

Malapit na syang mawalan ng pag-asa.

'Isang subok na lang, sana matanggap ako.'

Dala ng desperasyon, nag-apply siya sa isang purinarya.

Laking tuwa niya ng matanggap sya. Malaki ang sweldo dahil wala daw masyadong nagtatangkang mag apply sabi ng kanyang amo.

Ilang buwan pa ay natuto na syang mag embalsamo. Guminhawa na rin ang kanilang buhay. Laking pasasalamat niya sa kanyang amo.

Hindi maiiwasan na masuka sya lalo na nung unang araw niya.

Halos isuka niya lahat ng laman ng kanyang tyan. Kakaiba naman kase ang mga bangkay na dinadala sa purinarya. Inisip na lamang niya na baka dahil sa gamot.

Ang mga lamang loob at dugo ay ang amo na nya ang bahala. Dalwa lang silang tauhan sa purinarya.

Kahit masama ay natutuwa sya tuwing may namamatay sapagkat kikita na naman sila ng malaki.

Pangalawang buwan nya na sa purinarya ng maramdaman ang hilakbot ng pumasok sya sa kwarto kung saan inaalis ang mga dugo't laman ng mga bangkay.

"psst..." may tumatawag sakanya

Lumingon sya sa likod ngunit tanging mga kagamitan lang sa pageembalsamo ang kanyang nakikita.

Niligpit niya na lang muna ang mga gamit niya sa ginawang pageembalsamo kanina.

"Psst..." tawag ulit ngunit kasunod nito ay ang mahinang halakhak

kinilabutan na talaga sya.

"S-sino yan?"

Nanginginig na ang kanyang mga tuhod. Kaya't napakapit na lamang sya sa kung anuman upang makabalanse ng tayo.

Walang sumagot kaya't huminga sya ng malalim at nag isip na baka guni guni niya lamang ito.

Aalisin niya na sana ang pagkakahawak niya sa isang malamig na bagay ng may kumapit sa braso niya.

"Waaah!!!"

Napasigaw sya ng makitang ang kinakapitang bagay pala na yun ay ang braso ng isang patay.

'Imposible!' Wala syang matandaan na dinalang patay dito ngayon.

Dahan dahan syang lumingon sa kamay na may hawak sa braso niya at laking gulat niya na mulat ito.

Nakatingin sa kanya ng diretso.

Napako sya sa kanyang kinatatayuan.

'Tu-lu-ngan m-mo...kami"

Malalim na boses ang kanyang naririnig

Nakasisiguro syang galing ito sa lalaking may hawak sakanya.

Kahit hindi bumubuka o gumagalaw man lang ang bibig nito alam niya na ito ang nagsasalita.

"P-paano ko...Paano tutulong?"

Mautal utal na sya dahil sa takot

Tumingin ang lalaki sa pintuan ngunit hindi ito sumagot.

Napatutop sya sa dibdib ng bumukas ang pintuan ang morgue at pumasok ang kanyang amo.

Pag lingon niya sa lalaki ay wala na ito.

Maaari bang guniguni lamang iyon?

Inutusan sya ng kanyang amo na linisin ang kwarto nito kaya't agad syang umalis sa morgue.

ilang buntong hininga ang kanyang nagawa habang nililinis ang kwarto ng kanyang amo. Ngunit may na pansin syang kakaiba, parang ang daming nakatingin sa kanya.

Itinuloy nya lamang ang pagpupunas ng lamesa ng kanyang amo at di pinansin ang presensya ng mga kung sinuman. Natatakot sya, Sobrang natatakot na talaga sya.

Tatakbo na sana sya upang lumabas ng kwarto ng harangin sya ng lalaki kanina.

Sa ngayon ay hindi lamang ito nag iisa dahil madami pang mga nangingitim na bangkay ang nakaharap sakanya.

Gusto niya nang tumakbo at magsisigaw ngunit walang anumang nagawa ang kanyang iniisip. napako lang sya roon ng biglang itinuro ng mga ito ang ref ng kanyang amo.

Napuno sya ng kyursiyonidad at hindi niya alam kung ano ang nagtulak sakanya upang buksan ito.

Napaupo sya sa lapag ng makita ang mga lamang loob na nakaplastic at may mga pangalan pa. Ngunit hindi iyon ang umagaw ng kanyang pansin, kundi ang ulo at mga laman ng kanyang kapatid.

Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit pamilyar ang katawan na kanyang iniembalsamo kanina, kahit wala itong ulo.

Napahagulgol na lamang sya habang niyayapos ang ulo ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa pagdadalamhati niya ay may matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo at isang matulis na patalim na tumusok sa kanyang likod. Bago mawalan ng malay ay nakita niya pa ang kanyang kapatid na hawak ng isang lalaki at ang mga lamang loob naman ay nginangatngat nito.

Dala ng malakas na pagpalo at saksak malapit sa puso ay Maraming dugo ang nawala sa kanya at naghihingalo na sya.

"H-hayop ka..."

Yun na lamang ang huling katagang nasabi niya bago malagutan ng hininga.

Sa kabilang banda ay nakangisi ang kanyang amo habang kumakain ng puso ng nakababatang kapatid ng kanyang empleyado.



Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon