Photography

51 2 3
                                    

Lahat kami kinakabahan lalong-lalo na ako. First time ko kasing sumali sa ganitong contest, naninibago dahil hindi naman ako sanay sa ganito.

"Oh My Gosh! Baka dito ko mahanap ang forever ko."

bulalas pa ng kanina pa nag-iingay na si Sharmayne.
Kasamahan ko siya sa Journalism.

"Sigurado maraming gwapo dito. Mamaya mag boy-hunting tayo ha."

palinga-linga pang turan ni Grace.
Kung hindi ko lang kilala ang mga to sigurado mapagkakamalan ko itong mga malalandi dahil sa sobrang pagkaharot.

°°
Nandito na kami sa aming assigned room para sa event nato. Maya-maya lang at magsisimula na ang program at ipapakilala na ang bawat schools na kasali sa DSPC o Division School Press Conference.

Maraming nagkalat kalat na mga estudyante, may mga magaganda ang uniform at tama nga si Grace marami nga talagang mga gwapo.

Sa tantya ko mukhang aabot ng 50 lahat ng schools na kasali. Sana naman palarin ako at mapasama sa Top 5 na makukuha sa bawat event.
Editorial Writing Filipino Ang event na sasalihan ko sana makuha ako.

"Editorial Writing please proceed to the new building at the right side of the campus."

Tunog na nanggagaling sa stage. Tinatawag na pala young event ko.

"Bye bye Alleah galingan mo ha, para sa ekonomiya. Patunayan mong hindi kailangan ng lalake para magtagumpay!"

Parang baliw naman na hirit ni Gayle. At anong koneksyon nang lalake dito? Palibhasa brokenhearted.

°°°°
Narating ko na ang building at kung mamalasin ka niya naman nalate pa ako ng dating yan tuloy sa harap ako uupo. Ang layo layo naman kase ng room nato. Isang oras lang ang ibinigay ng facilitator naman finish or unfinished pass your papers daw dapat.

Makalipas ang halos isang oras natapos ko narin, lima nalang pala kaming natitira.

Pagkalabas ko ng pinto hindi ko sinasadyang may nabunggo ako at may tumilapon na DSLR. DSLR? Naku patay!

"Shit! Sorry!. Hindi ko kasi namalayan na may dadaan pala dito -"

"Shit. Shit. Shit. Oh fucking shit!
Not now."

Ay busy si Kuya. Nakatalikod kasi siya saakin. Hindi niya ako pinapansin? Patay! Nadale ko yata ng malala ang DSLR niya, naku naman Alia tatanga tanga kanalang ngayon pa at sa gwapong nilalang pa na ito.

"Ahmm...Kuya pasensya na sa -"

"Thank goodness! Oh God!"

Parang nakahinga naman ng malalim si Kuya. Ano bang nangyayari masilip nga.

THE HECK! @#$%
Nagmamalikmata ba ako?
Ako ba talaga yun o kamukha ko lang?
Bakit may picture siyang ganon?
Tinitigan ko siya ng matagal. Hindi niya parin ako napapansin. Busy siya sa kakalikot ng DSLR niya.
Base sa dala nitong DSLR sigurado isa itong Photojournalist sa hindi ko kilalang school.
Pero bakit ? Bakit may litrato ako ng isang photojournalist na hindi ko naman kilala?

"John! Malapit na ang matapos ang oras! Bilisan mo na!"

May nagsalita naman sa likuran ko na ikinabigla ko at ni kuyang photojourn. Napalingon into sa akin at nakita ko ang paglaki ng black nitong eyeballs na pinaliligiran ng mahahabang pilikmata.Napatitig into sa akin ng matagal. Napatulala ako, at napatitig din ng matagal dito.
Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple nito senyales ng marahas na paglunok nito.
Parang bumagal ang takbo ng oras at tanging ang mga matang iyon lang ang nakikita ko. Nakakalunod ang titig niya. Mula sa kanyang messy raven black hair, his perfect nose, perfect sculpted jaw, those pinkish lips and those captivating eyes.

PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon