Date uploaded : 11-17-15
AN... maikli lang 'to.
Chapter 13
Rafael
Have I done the right thing? Blurting out my emotions like that?! Gusto kong sipain ang sarili ko! Nagpadala ako sa emosyon ko kaya nagpadalos-dalos ako. Napasama tuloy ang lahat. I'm such a foolish bastard! I wasn't thinking rationally. Hindi ko na din kasi napigilan ang mga kinikimkim kong emosyon.
I'm going out of my mind for the past few days she's been missing. Tapos bigla na lang syang magpapakita at magsasabi na magreresign na sya, effective immediately! Ang akala ko ay nagiging maganda na ang samahan namin noong nasa Cebu kami. There are times that I swear that she looks at me differently, as if she really feels something for me.
I don't really get her. Pero kahit na hndi ko sya maintindihan, My mind is set to pursue her. After so many sleepless nights of endless thinking, I've decided to end my engagement to Yvette. Wala na akong pakialam sa merger ng companies namin. That was the only reason why I want our union. Hindi ko naman talaga mahal si Yvette at umpisa pa lang ay alam na nya 'yon. Her family offered me an irresistible offer that I would be a fool to turn it down. But thinking about it right now, I will be a bigger fool if I let go of Kat. Hindi ko na rin hahangarin na mas lalo pang palaguin ang negosyo ko. All along I thought that being the best in the field of business is the only thing that will make me happy. But when I met Kat..... kahit na para syang may sayad sa ulo nung una ko syang makita, lahat ng paniniwala ko sa pag-ibig naiba. Ang alam ko kasi dati, sagabal lang sa buhay ang mga bagay na yan. It just prove to say that I haven't fell in love before I met her. And all the things that I believed about love is absurd. Because I never felt like this before and I'll be damed if I let it go, if I let her go! The only problem is... I don't know a thing about courting girls! Sila naman kasi ang lumalapit at mamimili na lang ako kung sino ang trip ko for a period of time.
Alam ko din na hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kanya, mas lalo na noong nalaman ko na mapapasa kanya ang kalahati ng kayamanan ko. I marked her as a gold digger. At hinayaan ko na ganon ang tingin ko sa kanya para lang maalis ang pagkagusto ko sa kanya. Pero sa halip na matanggal ang nararamdaman ko, ay mas lalo pa ito lumala!
I know that she likes me too despite the things I did to her in the past. Hindi din naman nya pagpapantasyahan ang painting ni Don Juaquin sa ancestral house namin sa hacienda kung kahit katiting ay wala syang gusto sa akin. Kamukhang kamukha ko ang painting na iyon. Mapagkakamalan ngang ako 'yon kung hindi lang na napakatanda na at halos amagin na ang painting na yon.
I know she likes me. I will wager the other half of my fortune to prove it! Kailangan ko lang siguro syang suyuin para mabura sa isip nya ang mga ginawa ko sa kanya noon. Wala sa sistema ko ang magsuyo ng babae, but I'm willing to do everything for her.
Pumasok ako sa restaurant at dumeretso sa counter para ipag-take out ng pagkain si Kat. Hindi ko alam kung anong preference nya sa pagkain, something that I have to find out soon. But for now, nag order na lang ako ng specialty nila.
"Can you make it fast? I'll double the payment if you can prepare it half the regular time."
"We'll try sir. I'll ask the chef. Upo muna po kayo habang pine-prepare namin yung order nyo."
Umupo ako sa pwesto kung saan matatanaw ko ang kotse ko at eksaktong nakita kong lumabas si Kat.
Where is she going? Tatakasan ba nya ako?
Nagmadali akong lumabas at dahil sinusundan ko ng tingin si Kat ay hindi ko napansin na may babae pala sa harap ko at nabunggo ako!
"I'm sorry miss."wala sa loob akong humingi ng paumanhin sa taong nakabunnggo ko. Napakunot ang noo ko dhil nawala sa paningin ko si Kat.