"LA, where are you going? Were going to be late," tawag sa kanya ng kanyang Mommy."Five minutes, mom," balik-tawag ng batang lalaki sa ina nito at tumakbo na.
May gusto siyang puntahan bago sila tuluyang umalis. Hinihintay ni LA na dumating ang isang taong gusto niyang makita bago umalis.
"Sammy, please come out," bulong niyang pakaiusap.
Nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ang isang paparating na batang babae. Nakayuko lang ito sa kanya kaya hindi niya makita ang ekpresyon ng mukha nito.
"I'm glad you're here, Sammy. Akala ko ay hindi ka na darating," pagbasag niya sa katahimikan nila.
Nakayuko pa rin ito sa kanya ni hindi man lang nagsalita. LA gave a sigh of defeat. Mukhang hindi talaga siya nito kakausapin.
"Okay lang kung ayaw mo akong kausapin. At least I get to see you. Aalis na ako," he sadly said.
Iniangat nito ang ulo nito at tumitig ang nanunubig na kulay tsokolate na mga mata.
"Ang sabi mo hindi mo ako iiwan? Bakit aalis ka ngayon?" nakahikbing tanong nito sa kanya.
"S-Sammy." Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin para tumahan na ito. He always feel bad seeing her tears.
"S-sabi mo a-ako lang ang f-friend mo p-pero i-iiwan mo ako," halos hindi nito masabi iyon nang deretso sa pagpipigil na tuluyang umiyak. Pero kahit anong pigil nito at may mga luhang kumawala pa rin.
LA came closer to her and tried to wipe her tears away but she shoved his hand from her cheeks.
"I hate you! I don't like you anymore kasi hindi mo na ako friend!" sigaw nito sabay hampas sa kanyang balikat.
"S-Sammy, hindi iyan totoo."
Gusto na rin umiyak ni LA pero hindi niya magawa. He had to stay strong. He wanted to tell her he'd be back for her but he knew even with his innocent mind that they may never see each other.
"LA! Let's go!" tawag ng kanyang mommy sa kanya. Naksakay na ito ng sasakyan nila.
"C-coming, mom," his voice broke as he shouted back. Hinarap niya ulit ang batang babae. "I'm sorry, Sammy."
Lumayo naman ito sa kanya habang nakayuko, humihikbi pa rin ito. Hinihintay niyang isambit nito ang pamamaalam nito sa kanya pero wala itong sinabi. The only person he wanted to see before he leaves doesn't even want to bid her goodbye to him.
"Bye, Sammy," pabulong na sabi niya dito at tumalikod.
Papasok na siya sa sasakyan nang may munting braso ang yumakap sa beywang niya. Napangiti naman siya. Humarap siya dito at gumanti ng yakap.
"Arthur," pabulong na tawag nito sa pangalan niya.
Lalong lumapad ang ngiti niya kahit gusto nang tumulo ng pinipigil niyang luha. Ito lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Arthur. Sabi nito ay naaalala nito si King Arthur kapag iyon ang tawag nito sa kanya. He also feels like King Arthur.
"Goodbye, Arthur."
~¢~
- laceyghurl