Memories

68 8 8
                                    

Lumapit ako sa isang upuan malapit sa paborito kong puno. Napatingala na lang ako. Ang dami kong alaala dito. Ang sarap balikan pero bandang huli, ako pa rin ang nasasaktan.

--*flashback*--

" Miss, okay ka lang? " tanong sa akin ng lalaking kakarating lang.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag iyak.

" Miss, ito panyo oh. Tumahan ka na muna. Panget sa babae ang umiiyak. " napatingala ako.

Kinuha ko ang panyo niya at pinang-punas sa luhang tumutulo sa mukha ko.

" Miss, bakit ka ba umiiyak? " tanong niya.

" Pake mo ba! " sagot ko. Bastos na kung bastos! Eh ano nga ba talagang pake niya? Wala!

" Miss, alam mo, sa tuwing malungkot ako, ikinukwento ko. Para lang gumaan ang loob ko. " sabi niya.

" Eh kasi yung aso ko eh! " at nagpatuloy na ang paghagulgol ko.

--*end of flashback*--

Naalala ko pa nung una naming pagkikita. Ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Ang sarap niya kausap. Ang sarap niya kasama. Napangiti ako ng maalala ko ang mga memories namin.

--*flashback*--

" Wow! Talaga Jack? Ireregalo mo na lang sa akin 'to? " nakangiting tanong ko sa kanya.

" Oo naman. Ayan na lang palit mo sa aso mong namatay ah. Kaya wag ka ng malulungkot, okay ba? " at nag thumbs up pa siya sa akin.

" Aye aye! Thanks ah! " nakangiting sabi ko.

Ang ganda kasi ng asong binigay niya sa akin. May lahi ata 'to.

" Tara sa bench. Dun muna tayo. Ilakad lakad natin siya. " nakangiting wika ni Jack.

Kinuha niya ang kamay at naglakad kami papunta sa lugar kung saan kami unang nagkakilala.

--*end of flashback*--

" Jack Ferrer "

--*flashback*--

" Jack, ano pala ipapangalan natin sa kanya? " sabay nguso ko sa aso.

Napangiti siya. " Yung pangalan ko na lang. Para naman pag wala ako, lagi mo akong maalala at lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako. " sabi niya.

" Jack? " tanong ko. Para naman kasing tanga diba? Pangalan ba naman ng aso mo ang pangalan mo.

Kumuha ng pirasong kahoy si Jack at binato sa malayo. Nagulat ako ng tumakbo papunta dun yung aso at kinuha yung kahoy tsaka bumalik kay Jack.

" Good boy, Jack Ferrer! " tsaka siya tumingin sa akin at ngumiti.

I smiled back.

--*end of flashback*--

~You, wherever you are

Every night i almost call you

Just to say it always will be you

Wherever you are~

Napangiti ako ng marealize na theme song pala namin yun.

BenchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon