Wilsen Dequim

33 3 8
                                    

Sa harap ng salamin.......

"Yo! Wilsen kumusta na? Andito na ako uli. Hindi ka na magiisa, Umalis lang ako saglit, alam mo nagtatampo ako sayo sa ginawa mo ba't ayaw mo ko makasama? Diba nga mas masaya kung kasama mo ko? Mas malakas kung tayong 3 magkakasama walang makakahuli sa atin?"sabi niya.

"Oo nga! Tama si L, alam mo wilsen ang tanga mo rin noh? Ba't gusto mong umalis kami? Edi nahuli kana gago! Buti may nangyari ulit at nakabalik kami haha!"sang ayon niya rin.

"Ano ba! Tumigil na nga kayo! Akala ko wala na kayo, wala na kayo eh, wala na, magaling na ako eh,Umalis na kayo parang awa niyo na, Ayoko na! Ang sama niyo eh. Huhuhu..."sabi ko.

"Hoy! Diyan ka nagkakamali andito kami buhay na buhay, tsaka Anong sinasabi mong magaling ka na, Hoy! Kailanman ay hinding hindi ka gagaling kasi kung wala kami malamang nakakulong ka na! Tsaka hindi mo kaya magisa noh ang hina hina mo! Hay! Ang tanga tanga mo talaga!" Sabi ni L

"Ha! Hinding hindi ka gagaling nagpahinga lang kami saglit akala mo gumaling ka na? Pero muntik na tayo mawala dun ah pero buti na lang may nangyari hahaha! Kailanman ay hindi ka mananalo samin wilsen! Tandaan mo yan! Saamin ang katawan na ito!"Sabi ni Kira.

"Ahhh!!! Tama na parang awa niyo na! Umalis na kayo! Huhuhu...ayoko na, ayoko na,ayoko na!" Sabi ko.

"Ulul! Hinding hindi kami aalis. Hahahahaha!!! Tama ba kira?" Sabi ni L

"Hahahaha!!! Oo! Hinding hindi kami aalis. Haha!"

"Manahimik nga kayo! Ang iingay niyo! Damn." Sabi niya.

"Hindi ito maaari! Pati ikaw?! Waahhh!! Ayoko na!" Sabi ko.

"Ano ba! Tumigil na nga kayo! Ang sama sama niyo talaga L at Kira! Isusumbong kita kay Mr. Doctor!" Sabi niya.

"Sige! Sige lang magsumbong ka! Tignan natin kung makapaglaro kapa! And well, well, well bumalik na pala kayong dalawa akala ko kami na lang ni L ang magsasasaya eh di bale more the merrier!" Sabi ni Kira.

"Welcome back you two! Bat pa bumalik kayo? Tsk, tsk tsk." Sabi ni L.

"Tumigil nga kayong dalawa, hindi namin kasalanan na bumalik noh nakabalik kami dahil sa nangyari." Walang kaemo-emosyon na sabi ni Gray.

"Peace! Ate L at ate Kira hindi ko na kayo i-susumbong kasi I can't play games anymore pag sinumbong ko kayo kay Mr. Doctor." Sabi ni eunice.

"Hah! Siguraduhin mo lang Bugok!" Sabi ni L.

"Tignan mo na?! Hindi mo kami kaya! Hah! Sinong tinakot mo?" Sabi ni Kira.

"Paano na ito? Magaling na ako eh. Hindi ito pwede. Hindi ito maaari! Umalis na kayo please. Alis! alis! alis!" Sabi ko.

"Ahhhh!!" Sigaw ko.

"Umalis na kayo! Alis! Alis! Alis!" Sigaw Kong muli.

Maya Maya pa ay unti unti na akong kumalma at hindi na sila nagparamdam uli. Inayos ko ang akong sarili at muling tumingin sa salamin.

"Hindi, hindi ako makakapayag na muling may mabiktima uli sila. Hindi ako makakapayag, Sumosobra na sila. Kailangan ko itong magawan ng solusyon bago matapos ang oras ko. Kailangan kong kontrolin sila. Madami na akong kasalanan." Bulong ko sa aking sarili habang diretsong nakatingin sa aking mata. Mata na madami nang nakitang kademonyohan na gawa ko mismo. Hindi na ako makakapayag na muli nilang akong kontrolin. Hindi na ako makakapayag.

-----------------------------END-----------------------------

Tama kayo ng hinala, Mayroon siyang dissociative identity disorder/ Multiple personality disorder, Siya si Wilsen Dequim. Isang killer, Ang babaeng napakaganda at mayroong napakamisteryosong mata. Ngunit madaming katauhan at isang napakadelikadong tao. Kaya niya nga bang pigilan ang kanyang mga alters? At pwede nga bang mahulog siya sa isang tao katulad niyang siraulo din? Subaybayan natin ang kwento nila.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psychopath's love story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon