Chapter 2: The Night before the Arrival
Six's POV
"Bro malapit naba tayo?" tanong ko kay Bryler
Tinignan niya ako saka nagkibit-balikat.
=_=
Tss. "Psst! Carl! Malapit naba tayo?" tanong ko
Tumingin siya sa akin "Oo Bro! Malapit na tayo. Mghintay ka nalang. Ang boring noh? Wala man lang tayong ginagawa! At nakakapagtaka si Jach! Bakit ba kasi kailangan pa nating lumip--"
Hinayaan ko nalang mag salita mag-isa si Carl. Isang tanong sampung sagot 'yan eh. Atleast nasagot niya yung tanong ko.
Tinuon ko nalang ulit yung atensyon ko sa pagmamaneho. Ginawa pa nila akong driver -_- Pasalamat sila dahil pumayag ako.
"Psst! Hoy Jach! Malapit na tayo diba?" rinig kong tanong ni Carl
O___O
Lokong Carl! Akala ko alam niya kung saan kami pupunta. Ako nga yung driver pero hindi ko alam kung saan pupunta -__-
Tumingin ako sa rear view mirror. Nakita kong ginigising ni Carl si Jach.
"*Poke* Hoy Jach! Malapit naba talaga tayo? Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Carl
"Hmm" angal ni Jach
Huminga ako ng malalim tsaka tinuon ulit yung atensyon sa pagmamaneho. Saan ba talaga kami pupunta? Pati rin sila Bryler at Carl hindi alam kung saan kami pupunta.
Si Jach lang yung nakakaalam. Ayos naman kami sa dati naming lugar pero ang hindi ko maintindihan, Bakit kailangan pa naming lumipat? Kagulo.
Nagulat nga kami dahil isa-isa kaming pinuntahan ni Jach sa bahay namin at sinabi na mag-impake na kami dahil lilipat na daw kami.
Kahit na naguguluhan kami napa 'oo' nalang kami sa kanya. Napailing ako. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan si Jach. Sobrang sungit eh -_-
"Hoy Jach! Kaya ba tayo umalis dahil mag babakasyon tayo?" tanong ni Carl
=___=
Kung kailan malapit na magpasukan tsaka ngayon lang nya naisipan na magbakayon?
Summer vacation kasi namin. June 5 ngayon at sa 8 na yung pasukan namin. Hays! Bilis ng araw.
"HOY JACH! GUMISING KA NA NGA!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Carl. Shit! Napatakip ako sa tenga gamit yung dalawang kamay ko.
O___O
Nanlaki yung mata ko. Shit! Ako nga pala yung nagmamaneho!
"WAAAH! SIX!!!!!"
Dali-dali kong hinawakan yung manibela. Buti nalang na balance ko agad yung sasakyan. Pero bigla nalang namatay yung van. Sinubukan kong paandarin yung van pero ayaw umandar. Mukhang nasiraan pa ata kami.
Tumingin ako sa likod. Nakita ko na magka-akap si Bryler at Carl. Napairap ako. Napatingin naman ako kay Jach.
=______=
Hanggang ngayon tulog parin? Aba't! Muntikan na nga kaming mabunggo! Tapos pa cool lang siya?! Sabagay wala namang kinakatakutan 'yang loko na'yan -_-
"Psh! Hoy kabading niyo!" sigaw ko kila Carl
Nagkatinginan yung dalawa at tinulak yung isa't-isa. Napailing ako. Lumabas ako at tinignan yung gulong. Yeah right! It's official! Butas yung gulong -_-
Kamalas naman namin. Naligaw na nga kami. Nabutasan pa.
"Hoy Six! Ano'ng nangyari?" tanong ni Carl na kalalabas lang sa van.
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Novela Juvenil|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.