Chapter 6

1.7K 53 7
                                    

A/N: Mwahahaha! parang mawiwindang ako pag may nakabasa nito lalong lalo na yung mga nakakakilala sakin, tapos yung mga classmates ko pa na may wattpad pati schoolmates. pero try lang naman ito. Haahaha! :))

Oh tama na ang dakdak. Osya. Enjoy XD at dahil lasing si David, marami ang iniisip dyan na ..... Toot toot toot pot pot XD De joke. 

Dedicated to sakanya kasi super duper thankyou ako kasi bago na yung Cover ng T.R.A ko Hahaha :D Sya po yung gumawa nung Cover ng The Royal Academy (kung sino man ang nakabasa nun) MWAHAHA.

_______________________________________________________________________________________________

[Hana's POV] 

(May VIP card ka ba?) tanong nung Serge sa kabilang linya.

"Wala eh.." 

(Osige hihintayin kita sa labas nung bar, what's your name nga pala?) 

"Hana" 

(Okay, sige hintayin nalang kita) 

sabay inend na nung Serge yung call. 

Hay David! nakakakunsume naman eh! Iinom inom tapos di naman kaya! Grabe ano ba pumasok sa utak nun? Nagtatanga-tangahan ata sya ngayon at nadamay pa ako! Bushet.

"Ma'am andito na po tayo" nag-abot na ako ng pambayad kay manong at lumabas na taxi. Lumingon lingon ako pero ano ba itsura ng serge na yun? 

habang nakatalikod ako, biglang may kumalabit sa likod ko. "Umm, Miss. ikaw ba si Ha------ IKAW?!" 

(A/N: Si serge sa side ---------->)

Okay, kung sinuswerte ka nga naman oh! Si Mr. Sunget andito! Oras na para maningil ng Bento pesos ko! 

"A-anong ginagawa mo dito ha?! Ay siguro magbabayad ka na ng utang mo!" sabay crossed arms ko, aba! sayang din yun pag di ko sya siningil. malaking bagay na saakin ang bente pesos. XD

Tinaasan naman nya ako ng kilay. "Anong ginagawa mo dito?" 

ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. "Bulag ka ba o ano? eto nakatayo may hinahanap. Ay galing ka ba dyan sa loob ng bar na yan? May kilala ka bang ano yun? Serch or Serg o Se- Hmmm, Serge ba? ay ewan!" nanlaki naman ang mata nya pagkasabi ko.

"you mean, ikaw si Hana?" ngayon naman ako naman ang nanlaki ng mata. Okay sige maglakihan nalang tayo ng mata dito, Lumawa mata talo. Hahaha! de joke.

"Edi ikaw si ano? Serch? Serg? Se----" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pinutol na nya. Ay bastos ha! "Oo ako nga, Serge (Serj) hindi Serch or kung ano man, Halika na nga! ang dami mo pang dakdak, so ikaw pala ang soon to be wife ni David? Ha! ang malas naman nya" sabay naglakad na sya. 

bigla naman nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Aba! ako nga dapat ang malas hindi sya! ang kapal ha! 

sinundan ko nalang yung hinayupak na yun at pagkakitang pagkakita ko kay david dun sa table, Jusme! para syang Chicks na nilligawan ng mga lalaki! pero baligtarin natin, parang yung mga babae ang nanliligaw sa kanya! Walanjong lalaki talaga to oh. tapos sa gilid nung iba ay nandun si Hyun pero hindi ko kilala yung 2 na lalaki, may mga itsura rin naman :3

"David, may sumusundo na sayo!" sabay kalabit ni Mr. Sunget kay David. 

"Ha? who?" who ko mukha mo dyan eh! 

Marrying Mr. CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon