My Only One (MOO)
Love finds it way
Chapter 1
Isang maulang umaga sa unang pasok ni Cynthia.
Sa isang bagong lugar na malayo sa kanyang magulang.
Si Cynthia Maine Gomez ay 16yrs old, na taga Davao lumuwas para pumasok ng kolehiyo sa Central Mindanao University, Musuan, Bukidnon para kumuha ng kursong Doctor of Veterinary Medicine.
Unang araw sa bagong lugar na walang kakilala at hindi alam anong patutunguhan nya o makakilala ba siya ng lalaking magmamahal s kanya.
Maagang gumising si Cynthia na animo'y excited sa pagpasok.
Saglit ay naalala nya ang kanyang mga magulang na palaging gumigising at naghahanda ng kanyang agahan.
Napangiti na lamang siya dahil excited sa bagong kabanata ng buhay nya at na kakayanin nya kahit mag-isa.
Napatingin sa relos 6:45 na pala napabilis siyang kumuha ng bag at tumakbo sa sakayan ng tricycle.
Habang tumatakbo ay hindi niya namalayan na may malaking bato sa daan at agad siyang napahiga sa lupa.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil maraming tao ang nakatingin at masyadong nakakahiya ang pagkatumba niya.
Nang may isang lalaking pinulot ang kanyang kamay at dahan-dahan siyang itinayo.
Habang patayo si Cynthia dahan-dahan niyang binuka ang kanyang mga mata.
Tiningnan ang lalaki mula sa paa at ng malapit na niyang makita ang mukha nito biglang tumakbo ang lalaki papunta sa tricycle na sinasakyan nito.
Napasigaw na lamang si cynthia sa lalaki ng "Salamat!"
Hindi na nakalingon ang lalaki.
Nasa CAS building na si Cynthia parang nawawala dahil hindi nya makita ang silid ng kanyang klase.
Nagtanong-tanong siya sa mga studyanteng dumadaan.
Kalauna'y nasa harapan na siya ng kaniyang silid 7:30 na.
Thirty minutes na siyang late pero papasok pa rin siya.
Dahan-dahan siyang pumasok sa silid para hindi masyadong mapansin ng professor.
Ilang hakbang nalang sa upuan ng mapansin siya ng professor at sabay sabi "Miss,masyado ka pang maaga sa ssusunod na klase?"
Napasagot nalang si Cynthia, "Pasensya po Ma'am at nalate po ako nahirapan po kasi akong hanapin ang silid".
Hindi pa pinaupo ng guro si Cynthia at inutusang ipakilala ang sarili sa klase.
Nang makaupo na si Cynthia agad siyang kinausap ng katabi at nagpakilala.
"Hi! Ako nga pala si Paula taga davao din ako, mabuti't meron na akong kababayang mkakausap".
Masaya si Cynthia dahil may kaibigan na siya sa unang araw nya.
Pagkatapos ng klase ay magkasama na si Paula at Cynthia patungo sa susunod na klase.
Natapos na ang lahat ng klase ni Cynthia ng araw na yun.
Magkasabay silang naglakad ni Paula pauwi sa kani-kanilang apartment.
Magkalapit lang pala ang kanilang apartment.
Dumating na si Cynthia sa kanyang kwarto napahiga agad sa higaan dahil pagod ng paglalakad.
Nangpinikit niya ang kanyang mga mata naalala niya ung lalaking tumulong sa kanya sa oras ng kahihiyan.
BINABASA MO ANG
My Only One (MOO)
Teen FictionCynthia is first year college student. Upon entering first day of class she is not aware that he will meet the one. The person he'll be calling my only one.