CHAPTER 55 : His side

876 10 3
                                    

CHAPTER 55 : His side

MIKKO’S POV

Hindi ko po alam kung pa’no ko sisimulan yung pagpapakilala sakin. Hmm, simulan natin sa personal things. I’m Mikko Jan Lee. Much better if you call me Mikko. May lahi akong Korean pero mas nahaluan ako ng pagiging Pilipino. Mas kinukumpara ako kay Lee Min Ho pero OA naman kung ganon ako kagwapo. Haha!

Isa akong model. Nagmo-model ako ng kung anu anong damit. Kilala ako sa buong Asia. Yun na yung trabaho ko simula nung gumraduate ako. I own also a restaurant. Pero madalang kong mahawakan dahil sa pagmo-model ko.

Kung ide-describe naman ako? Eh nakakahiya naman kasi kung sabihin kong gwapo ako pero madami ngang nagsasabi. Bakit naman daw kasi kukuha ng model na pangit? Adi sana, walang bumili nang produkto nila. Haha! Hmm, madalang akong magsalita. Nakakatamad kasi. Namimili rin ako ng kausap. Pag masaya kausap, ako unang mag-e-entertain. Pero pag di kita kinausap, alam na. XD Pero mabait akong tao. Promise. :>

Si Mom and Dad nga pala nasaStates. Busy sila sa business nila. Naiintindihan ko naman. I have a younger sister. Si Maezy Jane Lee. Pero unfortunately, pumanaw siya last two years. Accident kasi non. At kasalanan ko. Nagda-drive ako. At bigla nalang sumakit yung puso ko. Tinry ko i-control yung sasakyan pero wala. Bumangga kami sa isang poste. Concrete yung poste at ayun, malakas yung pagkakatama. Nagka-tumor siya sa ulo. Hindi siya naka-survive. Kasalanan ko naman yun eh.

About dun naman sa puso ko, magaling na ko. A month after mamatay si Maezy. May donor ako ng puso. Hindi ko alam kung kanino. Pero sila Mom na ang nakipag-usap dun. At ayun,na-operahan ako. Kaya mas malakas na ko ngayon. At ni wala nang bakas na inoperahan ako.

At kung tatanungin niyo ko kung may girlfriend ako. Wala eh. Nakaka-bakla man sabihin pero wala pa kong nagiging girlfriend. Puro MU lang. Ang labo kasi ng mga babae eh. Pabago bago ng isip. Lagi nilang dinadahilan na “busy” ako. Pero gumagawa naman ako ng paraan para makasama sila pero di nila maintindihan. Puro trabaho nalang daw ako. Alangan naman tanggihan ko diba? Kaya ayun. Malas na nga kung malas eh. >:D<

Sa mga oras na to, nandito ako sa Memorial. Birthday kasi ngayon ni Maezy. Yung kapatid ko. Gusto ko lang siyang dalawin. Tutal hindi siya madadalaw nila Mom. Dinalan ko nalang siya ng sunflower. Favorite na bulaklak niya kasi yun.

“Maezy sorry talaga ha? Sana kasama pa rin kitang cine-celebrate yung birthday mo. Pero alam ko namang nagpa-party ka na jan sa langit eh. Haha!” Mukha na kong baliw. Kinakausap ko yung puntod ng kapatid ko.

“Hay sana Maezy, makita ko na ulit siya. Yung na-love at first sight ako. Hahaha!”

Yung na-love at first sight ako? Siya yung babaeng nakabunggo ko dati. Di ko alam. Biglang nalang may *plook!* Basta ganun. Nagandahan lang ako tapos lumala na. Medyo weird nga eh. Pero okay lang yun!

Nakikipagtitigan nalang ako dito sa puntod hanggang sa may Makita akong dalawang babae at isang lalaki na naglalakad papunta dun sa isang puntod. Mga 2 meters lang naman layo sakin eh. Pinagmasdan ko lang sila. Yung isa, mukhang couple at yung isa parang siya yung dadalaw dun. Wait, parang kilala ko yung babae na yun?

Maya maya, umalis na yung parang couple. Naka-akbay kasi yung lalaki sa babae. Samantalang yung isang babae naman, nakaupo lang dun sa harap ng puntod. May grass naman dito kaya pwedeng pwede umupo. Maya maya, nakita kong parang nagsasalita siya at pinupunasan yung luha niya. Kaya naisipan kong lumapit.

Inabutan ko naman siya ng panyo. Kinuha naman niya tsaka pinunas sa mata niya. Pinagmasdan ko siya. May bangs kasi eh. Nahaharangan yung mukha. At di ako nagkakamali. Siya yung babaeng nakabunggo ko sa park. Siya yung babaeng nagpatunay nang “Love at first sight”. Biniro ko naman siya, baka sakaling maalala niya.

“Lagi ka nalang umiiyak tuwing nakikita kita.”

Totoo naman kasi e. Nung nasa park kami, umiiyak siya nun. Sinabayan lang ng ulan para hindi halata. Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napatingin siya sakin. Mukhang kinikilala niya ko. Pero mukhang hindi ako makilala. Kaya nagsalita na ulit ako.

“Ako. Ako yung lalaking nakabunggo mo sa park dati. Umiiyak ka rin non.”

Napa-isip ulit siya. At tsaka tumingin ulit sakin. “Ikaw pala yan.”

Napa-smirk tuloy ako. Ang tagal ng process bago niya ko makilala. Pero sabagay. Three years na rin ang nakakaraan. Ako lang naman talaga nakakaalala samin dalawa eh. Pano nga kasi, love at first sight. Haha! Ang ganda parin niya. :>

Ay. Naalala ko. Napulot ko nga pala yung necklace niya dati. Yung may “forever” na nakaukit. Kinuha ko naman sa bulsa ko tsaka ko pinakita sakanya. “Hmm, nga pala oh.”

Nakita ko naman na nagningning yung mata niya. Natuwa pero may halong lungkot. Sinuot ko naman sakanya para di na ulit mawala. Baka di ko na kasi mapulot. XD

Nagpasalamat naman siya kasi napulot ko pa yung necklace niya. Eh kaya ko nga siya tinatawag dati kasi ibibigay ko. Pero tumakbo siya eh. Di ko na naabutan. Tinanong naman niya sakin kung bakit dala ko yung necklace. Alam ko daw ba na magkikita kami.

“Um, hindi. Lagi ko lang dinadala, baka sakaling Makita kita ulit.” Yan nalang yung nasagot ko. Pero sa totoo lang, iba yung meaning niyan. Sana nga kasi magkita kaming dalawa. Buti nalang eto na yun.

Nagtawanan naman kaming dalawa. Pero napahinto ako nung may nakita akong pangalan sa lapida. At mukhang ka-age lang namin. Tinatanong ko kung boyfriend niya yun. Sabi niya, dati daw. Kaya tinanong ko kung anong nangyari.

Natuwa naman ako kasi ang gaan ng pakiramdam niya sakin. Nagtiwala na nga agad eh. Nakuwento niya na magkapatid sila sa ama nung Lance na yun. At tsaka namatay siya sa araw sana ng kasal nila. Masaklap kako yung nangyari sa buhay niya. Tapos ako naman tinanong kung bakit nandito ko sa Memorial. Eh sabi ko, dinadalaw ko lang yung kapatid ko. Tinanong niya kung anong nangyari.

Napalingon naman ako sa orasan ko at nakita kong late na. Shiz. Meron pa nga pala kaming modeling mamayang gabi. May rehearsal kami saglit. Nagpaalam na ko sakanya. Tumakbo na ko papalabas ng Memorial. Sinuot ko na kagad yung helmet ko tsaka pinaandar yung motor ko.

***

In 30 minutes, nakarating na ko dito sa rehearsal studio namin. Nagpe-prepare naman sila. Lumapit sakin yung manager ko.

“San ka ba galing?”

“Sorry Manager. Dinalaw ko lang si Maezy.”

“Fine fine. Isuot mo na to.”

Inabot naman niya sakin yung trunks at kung anu ano pa. May shades pa nga eh. Summer kasi ngayon. At yun yung theme namin. Mamayang gabi na yung show. At shempre, balita ko, ako nanaman yung inaabangan. May mga designers din daw na dadating. Baka sakaling makuha ko.

Habang nagpapalit ako ng damit. Wait. Nasa’n yung wallet ko?? Nakalagay lang yun sa back part ng bulsa ko ah? Hindi kaya? Hindi kaya naiwan ko sa Memorial? Aish naman oh. Nandun pera ko. -_-

Pero ayus lang! May dahilan para magkita kami ni… Nino?! Ano bang name niya? Aray. Bakit naman nakalimutan ko pang itanong? Di ko nanaman nagamit utak ko. Pero ayus lang. Sana hanapin niya ko. Nandun naman yung contacts ko eh.

Osya, magre-rehearse na kami. Punta kayo sa show namin mamaya. ;)

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon