CHAPTER 56 : Hang out
JIL’S POV
Hinatid lang namin si Chandria sa puntod. May pupuntahan pa kasi kami ni Tristan. Nagpunta kami sa isang Fashion Show. Sinamahan niya ko. Baka daw kasi manlalaki ako. Hay nako.
Summer kasi ang theme ng Fashion Show na to. At bilang designer, kelangan present ako dito no. Baka kasi may makuha akong model para sa susunod kong project na gagawin. Balak ko sanang isama si Chandria pero ayaw eh. Yaan na nga natin. Moment niya yun ke Lance eh.
It’s 6pm na. Start na ng fashion show. Balita ko, nandito yung isa sa mga sikat na models eh. I’m sure, finale nanaman yun. Lagi kasing ganun sa Fashion Show. Kung sino sikat, siya idudulo. Marami ding photographers ang nandito. Ilalagay kasi yun sa iba’t ibang magazine.
Nagsimula nang magsalita yung host. May pa-echo effect pa nga eh. Nagpalakpakan naman lahat ng tao at nagsimula nang maglabasan isa-isa yung mga models. By pair sila. Isang babae at isang lalaki.
Tinitingnan ko isa isa ‘tong mga models ng mabuti. Infairness, pasok naman yung iba para sa gagawin kong project. Pinag-iisipan ko pa kasi yung theme. Hihi.
“Ouch! Ano ba?”
Medyo napasigaw ako ng konti don. Pero wala namang nakapansin. Pa’no ba naman kasi si Tristan kinurot ako. Panira. I’m having a moment. Bwahaha lol.
“Masyado kang titig sa mga models.” Sabi niya tapos tinitigan ako ng masama. -_-
“Eh siyempre. Kelangan ko sila para sa susunod kong project. Duhh.” Nang-asar pa ko.
“Huu. Nai-inlove ka lang sa mga model na yan eh.”
“Nako Tristan James. Ako’y tigilan mo. Mas pogi ka pa sakanila no.”
Ngumiti naman siya. Gusto kasi siya lang pinupuri ko. Over selos toda maxx ‘to mga ateng. Haha! Pero ayus lang yan. Mahal naman niya ko eh. Awtsu. >:D<
Bigla ulit nagsalita yung host.
“And to complete the runaway fashion show summer theme. Please welcome Mikko Jan Lee. The Asian Supermodel.”

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romansa"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...