CHAPTER 58 : Advice
CHANDRIA’S POV
“Kamusta kayo ni Mikko?” Tanong ni Lance sakin habang nakaupo kami sa ilalim ng puno tapos may grass.
“Okay naman kami. Bakit?”
Nagsmile naman siya. Tsaka umiling.
“Chandria. Diba sabi ko sayo babalikan kita.” Sabay tingin sakin ni Lance. Seryoso yung mukha niya.
“Oo. Pano ka babalik eh wala ka na nga?”
“Gumawa ako ng paraan Chandria.”
“Gumawa? Ibig sabihin nagawa mo na??”
Ngumiti lang ulit siya at tumingin sa ibang side. “Malalaman mo rin yun.”
“Pano malalaman?” Okay. Naguguluhan na talaga ko.
“Remember this place. Yun lang. This is last time na kakausapin kita Chandria. Paalam.”
“Lance. Tekaaaa! Anong sinasabi mo???”
Binigyan lang ako ng ngiti ni Lance. Nakadinig naman ako ng sumisigaw.
“Sis! Haller! Gising na!!!!”
Pagmulat ko ng mata ko. Ayun. Panaginip nanaman. Nandito nanaman si Jil sa loob ng kwarto ko. Napaupo nalang ako sa kama ko. Nag-indian seat sa harap ni Jil.
“Problema mo nanaman?” Sabi ni Jil habang may sketch pad na hawak.
“Napanaginipan ko nanaman si Lance.”
“Anong nangyari?”
“Di ko nga alam kung bakit niya kilala si Mikko eh. Kinakamusta kami. Tapos ayun babalik daw siya. Tandaan ko pa daw yung lugar kung san kami nagkita kanina. Tapos biglang nawala.”
“Weird sis. Pa-check up ka na. Nababaliw ka na yata. Hahaha!”
“Oo nga eh. Hahaha. Loka.”
Bumangon naman ako tsaka naghilamos tsaka nagtoothbrush na rin. Nakakahiya naman kay Sis. Tapos pinusod ko yung buhok na. Yung buo. Parang sa ballet. Pero di ako nagsuklay. Messy hair. Haha! Tapos tumabi ulit ako kay Jil.
“Sis. Bakit ka ba nandito? Ang agad oh. 10 am palang.”
“Ay. Oo nga pala. Eto kasi sis! Natapos ko na yung ini-sketch ko!!!!”
Pinakita naman niya kagad sakin. Ang ganda. Ang ganda nung gown. Pangkasal. At sakin pa talaga pinakita nitong si Jil. Nang-aasar lang? XD Binawi naman kagad ni Jil yung pad tsaka inakap.
“Pangit?” Natauhan ako nung sinabi niya yan.
“Ha? Uy hindi ah. Ang ganda kaya. Lalo na yung design sa likod. Winner.”
“Huu. Bakit ka nakasimangot kanina?”
“Sis.” Tapos tinignan ko siya ng serious.
Inakap naman niya ko. Alam na niya yun na tungkol kay Lance. Ngumiti naman kami after mag-akapan. Lol. Drama namin eh.
*knock knock*
Pumasok naman si Mommy at Daddy. May dalang food. Breakfast in bed nanaman peg ko nito.
“Good morning!” Sigaw nilang dalawa. Wow? Energy? Hahaha!
Umupo naman silang lahat sa kama ko. Buti nalang malaki tong higaan ko. Nakakahiya. Ginawa nilang tambayan. Hahahaha!
Pancake ulit tas may coffee. Yung coffee galing starbucks. Binili daw ni Jil before magpunta dito. Eto kumakain na ko. Sila nagkukwentuhan.
“Ang ganda naman nito Jil. Para kanino ‘tong gown na in-sketch mo? Ang dami naman nito?” Sabi ni Mommy habang kumakain ng ponkan. XD
“Ah. Tita. Exhibit ko po sana. Or fashion runaway. Next project ko po. Bridal fashion show po.” Sagot naman ni Jil habang kumakain ng apple. Nakikikain rin sila eh. XD
Ay. Kung tinatanong niyo nga pala kung ano nang trabaho ko. Nag-aaral ako about sa negosyo ni Dad. Diyan din ako bumagsak. Haha. Pero di na labag sa loob ko. Nagawa ko naman na yung gusto kong magawa dati eh.
“So Iha. May mga models ka para jan?” Biglang singit ni Daddy habang nagbabasa ng diyaryo.
“Wala pa po. Naghahanap palang po. Matagal pa po to eh. Gagawa pa ng gowns. Hehe.”
“Bakit di mo isali yung model na nanliligaw kay Chandria?” sabay tawa ni Mommy. Di naman nanliligaw eh. -____-
“Mommy naman eh. Di nanliligaw yun. We’re just friends.”
“Kayo talagang mga kabataan. Haha! I know how it goes anak.”
“Oo nga naman Laine. Bakit di ka magpaligaw dun oh? Boto ko.” Si daddy talaga. Isa pa to eh. -__-
“Ako man Sis. Gusto ka kaya niya! Hahahaha. Oops.”
Ano daw? Ano ba tong sinasabi ni Jil? May tama ba to? -___- Si Mikko may gusto sakin? Huu.
“Pero anak.” Sabay tabi sakin. “Kung magtanong man si Mikko. Payagan mo na. Tagal na oh. Bigyan mo na kaming apo. Hahaha!”
Seriously? Anong nakain nila? Adik yata tong mga to eh.
“Di masamang magmahal ulit nak. Wag kang matakot.” Extra nitong si Daddy.
“Opo Mommy, Daddy, Sis.”
Tumawa naman sila. Mga baliw na. ;((((((((((
“Pero ikaw ba? May nararamdaman ka na ba kahit konti?” Intriga ni Jil. -_-
“Medyo. Crush ko siya eh. HAHAHAHA.”
Pinagtawanan rin nila ko. Kasi naman. Para kong bata. Katanda ko na. Crush pa yung nalalaman ko. Haha. Pero ang kinakatakutan ko naman kasi. Mabo-broke ko yung promise ko kay Lance na first and last? Uhhh. Ang hirap.
*bzzt bzzt*
Fr: Mikko
Pick up you at 2pm. See you baby. Haha!
Ayt. Baby? Ngayon lang ulit may tumawag sakin niyan. Sinilip naman nila Mommy yung text tapos nagtawanan sila. Pinagkaka-isahan nila ko. -___-

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romantizm"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...