CHAPTER 60 : Overnight

854 12 2
                                    

CHAPTER 60 : Overnight

TRISTAN’S POV

Sinundo ko na si Jil sa bahay nila Chandria. Aayusin namin yung bahay niya. Trip namin mag-overnight eh. I’m sure sasagutin ni Chandria si Mikko. Di ko alam. Magaan pakiramdam naming lahat kay Mikko eh. Yung tiwala namin sakanya, mas matangkad pa sakin. Haha!

“Sige Tita, alis na po kami ni Jil. Tawag nalang po kayo kung may kailangan kayo samin.”

Nasa gate na kami niyan. Si Tito daw kasi nagpapahinga. Nag-siesta daw saglit. Nakasakay na kaming dalawa ni Jil. Todo kaway naman kami kay Tita. Habang nasa daan kami…

“Bi, may stocks ka pa ba sa bahay?” Tanong ko sakanya.

“Yup! Meron pa. May ginawa na nga akong barbeque last night eh. Ihaw nalang mamaya.”

Pinisil ko naman yung pisngi niya. Laging handa to. Haha! Maya maya, nakarating rin kami sa bahay niya. Pagpasok at pagpasok palang, sumalampak na kami sa sofa niya.

Inakbayan ko naman siya tapos siya, nilagay yung ulo niya sa balikat ko. 2 minutes lang na ganito kami. Masaya na ko. Nakakamiss kasi si Jil. Di kami masyadong gumagala. Dahil sa trabaho naming dalawa pero atleast, meron parin kaming time para sa isa’t isa.

Kiniss ko naman si Jil sa nuo niya at tsaka kami umalis sa pagkaka-upo. Pool party trip namin. Kaming apat lang. Si Chandria, Mikko, Jil at ako. Haha.

Habang inaayos ko yung table sa gilid ng pool. Tumatawag si Mikko. AH! Alam ko na kung bakit. Hahahaha.

*Mikko calling…

“Hello Mikko?”

[ Brooooooooooooooo! ]

“Kaingay mo. Hahaha.”

Lumapit naman sakin si Jil halatang nakikinig. Ni-loud speaker ko na rin.

[ Bro!! Kami na ni Chandria!!! ]

“Waa! Congratulations!!!” – Sigaw namin ni Jil

[ Hi Tantan, Sis. Hahaha. Chandria to. ]

“Aba. Magkasama parin kayo ah.”

[ Siyempre naman bro. ] – Mikko

“Osha! Mamayang 6pm, tara dito samin. Overnight kayo!” - Jil

[ Talaga? Sige ba. ]

“Sige, nag-aayos na kami eh. Mamaya nalang. Bye!!!”

[ Salamat! Bye! ]

Everybody happy na sana. =)))

***

MIKKO’S POV

Nag-foodtrip kami dito ni Chandria sa park. Madami rin kasing nagtitinda dito. Naghabulan pa kami na parang bata. Tapos pumitas pa siya ng bulaklak eh bawal pumitas. Baliw talaga. :D

Nung sinabi ni Chandria na mahal niya rin ako. Sobrang saya nung puso ko. Kung sumasayaw lang to, baka nagbe-break dance na to ngayon. Haha!

6pm na at papunta na kami kala Jil. Overnight daw kasi. Pero bago kami pumunta dun, dumaan muna kami sa bahay ko at bahay ni Chandria. Kumuha kami ng damit eh. May pool kasi sa bahay nun. I’m sure, magbabasaan kami mamaya.

Maya maya, nakarating na rin kami dito. Kaya nagdoorbell na kami. Pinagbuksan naman kami ni Tristan. Danglakas nung sounds dito. Akala mo namang may party. Eh kaming apat lang naman. XD

Dumiretso na kagad kami dun sa backyard. Nandun kasi yung pool. Nilapag ko na yung gamit namin ni Chandria dun sa may table. Si Chandria naman, kumuha kagad ng barbeque tapos kumain sa tabi ni Jil. Si Tristan nakaupo sa side ng pool. Tumabi naman ako.

“Congrats bro!” Sabi niya tapos nagtama yung kamao namin.

“Thanks bro. Haha.”

“At dahil jan….”

*plook!*

Hinatak ako ni Tristan sa tubig. Ahay. -_- Naka-pants kaya ako? Tsk. Umahon ako sa tubig tsaka nagpunta sa cr. Nagpalit akong short. Alangan naman, dun ako sa harapan ni Chandria magpalit. HAHA.

Pagbalik ko, tumalon kagad ako sa tubig. Eto namang si Tristan, nakipagkarera sakin.

“Kung sinong manalo sa balikan. May kiss sa girlfriend nila! Pero cheeks lang.” Sigaw ni Jil habang kumakain ng barbeque. Si Chandria naman, binigyan ng death glare si Jil. Nagtawanan lang sila.

“Pano bro? Game?” Tanong ni Tristan. Tumango lang ako.

“1…2…3… Game!!!” Sigaw namin parehas.

Langoy…

Langoy…

Langoy…

Langoy…

Eto! Kelangan ko nang bumalik.

Langoy…

Langoy…

Langoy…

Eto! Nandito na ko sa finish line. Pag-ahon ko, nakita kong sabay kami ni Tristan. Tumingin naman kami kala Jil.

“Ehh. Tie kayo? Hehe.”

Aahon na sana kami ni Tristan nang biglang tumakbo si Jil at Chandria. Ah ganun ah. Gusto niyo pala ng habulan. Sige lang.

Hinabol namin sila ni Tristan. Paikot ikot lang kami sa side ng pool. Hanggang ma-corner ni Tristan si Jil at tsaka niya inakap. Kiniss naman ni Jil si Tristan. Pagkayari nun, umupo na sila sa table para kumain ng barbeque.

Ako? Eto, hinahabol parin si Chandria. Grabe. Runner ba to?

“Bro! Kasali sa akyat bahay gang yan! Mabilis yan!” Sigaw ni Tristan. XD

Takbo…

Takbo…

Takbo…

“Huli ka!” Sabi ko habang naka-back hug kay Chandria.

Tiningnan lang niya ko. Nagtama yung tingin namin sa isa’t isa. Tiningnan ko siya sa mata niya, tapos tingin sa labi. Pinikit na namin dalawa yung mata namin. Unti unti ko nang nilalapit yung mukha ko sakanya. Nagtama na yung ilong namin…

“Ehem! Ehem!!!”

Napalingon naman kami ni Chandria kala Jil. Naghahaplusan ng likod. Akala mo namang inubo nga. Hay nako. -_- Nag-ngitian naman kami ni Chandria. Kiniss ko siya sa nuo.

“I’ll wait for the right time.” Pagkasabi ko niyan, hinatak na niya ko para kumain.

Grabe! Yun na sana eh. Haha. Pero sana, mag-enjoy kaming lahat dito. =))))

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon