CHAPTER 61 : Fun
JIL’S POV
It’s been a month after nung kabaliwan na overnight. Nahiya nga yung langgam saming lahat eh. At luckily, sobrang saya ni Chandria at Mikko. Ganun din naman kami ni Tristan. :>
Magiging busy na ko sa month na to. Kasi naman, kelangan ko nang gumawa ng gowns at asikasuhin yung mga models. Dahil next four months, ayun, yun na. Bridal Fashion Show Runaway nanaman namin. Gagawa kasi kami ng barong chuchu para sa boys.
Sa ngayon, nandito ako sa bahay. Kakauwi ko lang naman galing trabaho. Tumao rin kasi ako sa boutique ko kanina. Pero nasa office lang ako, patuloy sa pagde-design ng gowns and barong.
Nakahiga naman ako dito sa sofa. Sobrang pagod talaga ko. Promise. Tapos nagugutom pa ko. Itutulog ko nalang to. Tinatamad akong tumayo eh. Hehe.
*ding dong*
Waaa! Nagpapahinga naman ako oh? Tapos may tao pa sa labas. Nilabas ko na. Pagbukas ko ng gate, inakap kagad ako ni Tristan. Bakit ba nandito to? 8pm na kaya.
“Oh? Di ka masaya na nakita mo ko?” Sabi niya habang nasa likod ko. Sinasarado ko na kasi yung gate.
“Masaya siyempre.” Tapos inakbayan na niya ko.
“Bi, ang pungay ng mata mo. Okay ka lang?”
“Medyo pagod lang. Di pa nga ako kumakain eh.”
“Di mo ba nakikita tong dala ko?”
Nanlaki yung mata ko!! PIZZA!!!!! <3 O___o Tapos MILK TEA!!!! <3 Huhuhu. Mahal na mahal ko ‘tong boyfriend ko. Grabe. :D
Umupo na kagad kami sa sofa. Binuksan ko naman yung TV. Nuod lang ng American Idol. Walang mapanuod eh. Haha. Kukuha sana ko ng pizza pero tinapik ni Tristan yung kamay ko. Binigyan ko naman siya ng “bakit-look”.
“Ako magpapakain sayo. Baby kita diba?”
Nangiti naman ako dun. Kaya eto, naka-indian seat ako tapos sinusubuan lang niya ko ng pizza. Tsaka pinapainom ng milk tea. Medyo nawala na rin yung pagod ko kasi nakakain ako. Ganun lang talaga ko.

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...