CHAPTER 62 : Heart

1K 8 0
                                    

CHAPTER 62 : Heart

MIKKO’S POV

After 2 months…

Kakatapos ko lang makipag-meeting. Pumirma rin ako ng contract. Gagawin daw kasi akong model ng Penshoppe. Pumayag naman kami nung manager ko. Bagong trabaho nanaman.

*Calling Baby…

“Hello Chandria?”

[ Hello. Uy bakit? ]

“Baby, ano. Nakapag-sign na ko ng contract. Punta ko jan sainyo. Celebrate tayo.”

[ Sure. Kakatapos ko lang aralin yung sa negosyo ni Dad. Kung pano mag-invest. ]

“Yey! Haha. Ano gusto mong food?”

[ Ice cream. Pizza. Hihihi. ]

“Takaw talaga oh? Sige ibibili kita. Bigay mo naman kala Mommy yung phone.”

[ Hmm. Hello Mikko? Iho? ]

“Mommy! Haha. Ano po gusto niyong food? Wag na po kayo mahiya.”

[ Dried mangos nalang anak. Ayus na yun sakin. ]

“Osige po. Si Daddy po? Ano gusto?”

[ Hello Iho? Yung sakin, strarbucks nalang, cappuccino. ]

“Sure po Daddy.”

[ Huy Baby? Ako na to. Grabe ka. Mapera masyado? Instant deliverer? Hahaha! ]

“Siyempre. Osha, intayin mo nalang ako. I love you!”

[ I love you too. Ingat ka ha? ]

*call ended

Buti nalang at may sasakyan na ko. Nakabili na ko isang tinted black car. Isa isa na kong pumunta dun sa branch ng pagkain na yun. I’m sure. Busog nanaman yun mamaya. :>

***

CHANDRIA’S POV

After siguro mga 40 minutes, nandito na si Mikko. Grabe. Ang bilis naman niya makabili? Ang daming sinabi namin order ah? HAHAHA. Joke lang.

Nagkakainan na kami dito. Happy family. Naks. Nakakahiya nga kay Mikko eh. Binili pa niya sila Mommy ng pagkain. Di man lang nahiya sila Mommy. Ano ba yan. Suhol ah? Haha.

Pagkayari namin maubos lahat yon, nagpapahinga na kami. Ang dami kaya namin nakain! Si Mommy at Daddy nasa kwarto lang nila. May kakausapin daw kasi sila about sa negosyo. Nandito lang kami ni Mikko sa sala.

“Chandria, samahan mo kong ospital.”

“Bakit naman?”

“Check up ko mamayang Hapon. Tumawag yung doctor ko. Kailangan ko daw pumunta.”

“Dahil ba sa puso mo? Osige. Magbibihis lang ako.”

Tumayo na ko tsaka nagpunta sa kwarto ko. Yes, alam ko naman na na-operahan si Mikko sa puso. Yun nga lang, ayaw sabihin kung sino yung nag-donate nung puso. Di man lang daw mapasalamatan.

Nagshort nalang ako tsaka nag-three fourths na damit. Tsaka flat shoes. Nakakatamad pumorma eh.

Nagpaalam na kami kala Mommy. Sumakay na kami sa sasakyan ni Mikko. Naks naman oh? Sosyal talaga. Sarap gasgasan. XD

Way Back Into Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon