Chapter One

38 4 1
                                    

~Nicole's POV~

Isa nanamang normal na araw.
Naglalakad sa hallway habang naka earphones, pinapatugtog ang Locked Away by R. City feat. Adam.

Oopppsss. Narinig ko na yung tiyan ko na kumukulo-kulo.

'Gutom na ako pakainin mo ako!' Iniimagine ko na tiyan ko mismo papagalitan pa ako.

"Boooooooooo!" Biglang bumilis tibok ng puso ko nang na ramdaman kong may gumulat saakin.

Bigla akong natawa ng nakita ko si Drake Hood na nagtatago sa may poste, at may dala dalang dahon na siguro na pulot lang niya para mag-mukhang tanga.

"Kitang-kita kana. Tago-tago pa" sabi ko sabay palo sa tiyan nya. Tumawa siya ng mahina "Sus, paganyan-ganyan pa. Aminin mo nalang sana na nagulat ka!" Sabi nya.

Nakaka-asar talaga tong lalakeng to. Pero siya yung kaibigan na hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Mabait rin siya. Sa totoo lang, matagal na ako sa kanyang may gusto. Pero natatakot ako na aminin sa kanya ang nararamdaman ko dahil halatang may gusto siya sa Best Friend ko. SAKLAP.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa canteen. Habang si Drake sumusunod

"Asan si Twiny mo?" Pang-asar niya saakin. Uggghh, alam niya kasi na hindi kami komportable ng kambal ko na itawag yun saamin.

"Wala, kinatay ko na."

"Baliw. Kiss kita diyan" Biro niya. Nararamdaman ko nanaman na nag blublush ako. Ano ba?! Ayaw na ayaw ko yung pinapablush ako! Nakakahiya

"Ha! Kinilig!" He said, while squeezing my cheeks. I smacked his chest playfully. "Tumigil ka na diyan. Bakla ka talaga" sabi ko. Yes! Haha, nakaganti!

"Hindi ako bakla. At tsaka kung bakla ako, paano ako magkakagusto sa babaeng alam ko na may forever kami?" Aba, aba. FOREVER DAW?

"Walang forever Gagi" hooo! Mga bitter! Kaway kaway diyan!

***--***---***---***--***

Nakarating na kami sa canteen. Habang si Drake sunod ng sunod.

"Abbuuuuussshhiioiooo!" Shepayputika sakit sa puso! Dios Mio! Uso ba gulatan? Pag tingin ko sa likod na kita ko si Nicholas Brant. Nico for short. Ang aking kambal. Ang sakit sa leeg pag tumitingin ako sakanya, napaka tangkad.

"Hoyyy! Nico ah. Ninja moves? Kanina ka pa ba?" Tanong ni Drake kay Nico. Matagal na kasi yang dalawa na mag kaibigan. Hindi naghihiwalay. Kaya matagal ko na ring kilala si Drake at si Camille Thorn na Bestfriend ko.

"Ngayon lang, nang nakita ko ang mukhang Abno na lalake  at isang babae na kamukha ko, dun ko lang na tuklasan na kayo pala yun"Araawwchh sakit nun. Hahaha. "Abno? Nagsalita yung hindi monggoloid" biglang nagtawanan yung dalawang sira ulo.

"Nga pala, nakakahlata na kayo ah." Biglang sabi saamin ni Nico. This time seryoso siya. "Huh?" Sabay namin na sagot ni Drake. "Drake, nililigawan mo ba itong kapatid ko?" Tanong ni Nico. Yan nanaman, pls, wag kana mag blush... Curse you cheeks!

"Hindi ah. Gutom lng yan." Sagot ko habang tinitignan ang phone, baka sakali nag paramdam si Camille. Asan kaya yun?

"Tsskk, alam mo naman na bugbog sarado ako sayo pag niligawan ko kapatid mo" hirit ni Drake. At alam ko rin na ayaw mo saakin, at wala kang feelings para saakin. Dahil may gusto ka kay Camille. May gusto rin kaya si Camille sakanya?

By the way, si Camille Thorn pala ay isang model student sa campus. Siya yung napakagandang babae, pangloob man o panglabas. Sino pa bang lalake ay ayaw sakaniya? Pero ang nakakapagtaka bakit lagi siyang malas sa pagibig? Hindi siya makahanap ng real bf, lagi nalang siya binebrakekan. Nakakainis nga, napakabait at napakagandang tao. Malas sa pagibig. Sabi na nga eh! WALANG FOREVER!

***---***---***---***---***

Tapos na kaming kumain sa canteen. Sarap ng pagkain. Kahit anong kain ko, hindi parin ako tumataba. Yeeayy! May talent na ako!

Uwian na sabik na sabik na ako umuwi at magpahinga. Tinext ko si Nico na sunduin na ako. Lagi niya ako hinahatid -sundo, ayos diba? Pero pag busy si Nico si Drake ang nagsusubtitute. Pero minsan mag-isa lang ako.

Hintay

Hintay

Hintay

Hintay

Asan na si Kambal? Tinext ko ulit siya.

'Buhay ka pa?'

Hintay

Hintay

May kumalabit saakin. "Nicole, bat andito ka pa?" tanong ni Drake. Seryoso siya. Ayoko muna makipagbiro baka may problema siya. "Hinihintay ko si Nico" sagot ko ng maayos. Tumango siya dahan-dahan.

"Si Camille na kita mo ba?" Tanong ko. "Yun nga eh. Nakipag break daw yung John na yun sakanya. Kaya pala hindi nag papakita" nagulat ako sa sinabi niya. Nakakatakot na to. May problema ba kay Camille o may problema sa mga naging Bf ni Camille?

Napansin ni Drake na nagulat ako, kaya tumingin siya sa sapatos niya.

"Sa tingin mo ba may problema sa likod ng issue na ito?" Tanong ko sakanya.

"Na obserbahan ko na may lalake sa likod ng mga pangyayari na ito. Yung lalake na yun ang dahilan kung bakit, Camille can't keep a boyfriend for more than months. its was proven, because i make some investigation." Sabi niya.

"Sino yung lalake?" I was curious about it. A literal jerk would do that! I can't let anyone hurt my bestfriend. She's the one who help me to be tough, and to be a nicer woman, its not the proper term but who cares? That boy will be so dead. I will crumple up his face until uhhmm, he... he... he... Until he looks like Bentong.

"Im pretty sure you know Luke Granter right?" Ahh... Yung sira ulong lalake sa campus?! Oo, heartrob siya! Pero ang kapal ng mukha niyang makapagsira ng relasyon kay Camille. Yung taong bundok na yon?  Siya? Siya?

"Siya ba?" Tanong ko habang tinitignan yung Luke na yun. Sinundan niya yung mata ko kung saan ko tinignan. "Oo siya nga" sagot niya na.

"Lagot yan saakin" tumayo ako at handang-handa sugurin si Taong Bundok, kaso lang panira si Drake na pinigilan ako. Hinawakan niya kamay ko, tinignan ko siya ng masama. "Nicole, please. Ayoko ng gulo. Tayo lang dapat ang maka-alam nito." Umupo nalang ako. Wala akong magagawa. Galit ako, galit rin siya. Halatang nag-seselos siya, halatang nag-seselos rin ako.

Biglang nagvibrate yung cp ko. Kinuha ko ito at tinagnan yung msg na sinend niya saakin.

'Asaan ka?'

'Andito lang sa tambayan, kasama si Drake... Kambal! Sunduin mo na ako!' Reply ko

'Kanina pa ako nandito hinahanap ka. Saang tambayan? Sa may puno? O sa may water fountain?'

'Sa may puno :)'

'Sige papunta na ako diyan'

'Tnx Nico!'

'Anytime Kambal :D'

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So anong tingin niyo? Ano ba talaga ang ginagawa ni Luke sa mga naging bf ni Camille? Masarap ba Sakalin si Luke?












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon