The real me (one shot)

9 0 0
                                    

Lahat ng tao halos nakatingin saakin nanghuhusga, nangmamata, nangungutya, napupuot, at galit.

pero wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin i just do whatever i want...

Ulilang lubos walang nag-aruga lumaki sa sariling sikap at nagtratrabaho sa isang bar bilang isang waiter minsan kumukuha ng costumer at makitable sa mga mapeperang lalake.

Ako c Annika solomon pinanganak na malas pero kahit ganon masaya ako kung anong meron ako ngayon.

Sa gabi busy ako sa pagtatrabaho sa bar para lang matustusan ang pang araw araw na gastusin at pag-aaral pero kahit alam kung sa sarili ko na wala akong ginagawang masama, may mga tao pading mapanghusga, lahat ng ginagawa ko para sa kanila masama at marumi, pero ano bang pakialam ko sa mga sasabihin nila? Basta ang alam ko para sakin tama to....

Pagkatapos ng trabaho uuwi sa masikip na tirahan magaaral ng kaunti at pagkatapos maglilinis ng katawan hihiga sa lapag at magdarasal na sana humaba pa ang buhay ko, gabayan sana ako ng panginoon at wag hayaang malunod sa pait ng buhay na dulot ng mga taong walang magawa sa buhay, kung di ang laitin ako. kayo na po sana ang bahala sa kanila amen...

Pag-gising sa umaga maliligo kakain ng agahan at papasok sa paaralan. malayo palang ako naririnig ko na ang pangalan ko...

Nika...!!!!!

Nika...!!!!!

Nakita kung hingal na hingal c jess na ang isang tao na di ko inakalang magiging kaibigan ko, siya lang ang taong kahit nilalayuan ko para di din siya magusgahan kasi sumasama siya sakin pero kung ano ang iwas ko siya namang lapit sakin hanggang sa sumuko na ako at naging matalik na kaibigan ko...

Bat ang tagal mo? Ano na may pera kana ba? Kung wala pa ako na muna bahala sa babayaran mo tsaka mo nalang bayaran pag nakaipon kana...

Napangiti ako ng malawak at kinurot ang pisngi niya. "Aray" sabi niya hehehehe alam mo jess kaibigan kita di nanay hehehe wag muna nga isipin ang babayaran ko ako na bahala sabay ngiti sa kanya ^_^

Basta pag wala pa talaga sabihan mo ako ha!? Parang gusto kung umiyak pero dahil malakas ako nanatili akong nakangiti sa harapan niya..

Sus! C jess wala ka atang bilib saakin hehehe may naipon na ako no!?

Malapit na nga pala kaming grumaduate at koleheyo na kami kung bakit nakaya ko?? Dahil to sa isang tao na walang ginawa kung di tulungan at palakasin ang loob ko na makakaya ko ang lahat ng to, utang ko ang lahat ng to kay jess....

Hali ka na nga ipapasa na natin ang project natin para wala na tayong problema sabi ni jess habang hilang hila niya ako.

Oo na po inang kaya ka di nagkaka bf eh! Ako lang lagi mong kasama para kapang nanay kung umasta sabi ko naman kay jess..

Tawa lang siya ng tawa kahit madaming taong napapatingin saamin. Eh! Ano naman ngayon? Kasama ko naman ang bestfriend kung tomboy sabay tawa niya ng malakas hehehehe

Owy!! Jess anong tomboy ka jan? Di ah! Babae kaya ako nakanguso ako habang nakatingin sa kanya.

Oo na sa ganda mo ba naman yan sinong magsasabing tomboy ka? Sabay kaming napatawa sa mga pinagsasabi namin.

Ikaw naman kasi sabi naman ni mama na saamin kana tumira pero ayaw mo padin. Nagmamaktol na sabi ni jess saakin katatapos lang namin bayaran ang lahat lahat at nandito kami sa canteen kumakain.

Jess naman nakakahiya na sa mga magulang mo tumutulong na nga kayo minsan saakin tapos kukupkupin niyo pa ako, wag kanang mag-alala kaya ko pa naman sabay ngiti ng malawak.

Kung may mga tao mang di mababait may mga tao din namang mababait na kaga ng kaibigan kung c jess at ang magulang niya. Tumingin ako sa mga mata niya sabay sabing darating ang tamang panahon makakabayad din ako sa lahat ng tulong na binigay niyo saakin, kahit buhay ko ibibigay ko para sayo jess...

Ano kaba nika nakakapangilabot naman yan hehehe anong pati buhay ka jan? Sapat na sakin ang anjan ka bilang kaibigan ko....

Isang araw nagulat ako ng tawagan ako ng mama ni jess di ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan nung marinig ko boses ni tita sa kabilang linya umiiyak parang di na nga kayang magsalita pero sinubukan niya padin...

Nasa hospital daw c jess na aksidente at nasa malubhang kalagayan, di ko alam kung pano ako nakarating sa hospital basta ang alam ko natatakot ako para sa kaibigan ko..

Sabi ng doctor dahil sa sobrang lakas pagkakabangga ng kotse nito natamaan ng malakas ang mata ni jess at wala na silang magagawa kung di ang dapat maoperahan sa lalong madaling panahon c jess at kailangan niya ng eye donor..

Nung una di ko maintindihan sinasabi ng doctor nakatulala lang ako isa lang alam ko sa oras na yun, ito na ata ang oras na sinasabi ko ang masuklian ang kabaitan ng kaibigan ko..

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako ito na ata ang unang beses na umiyak ako ng malakas yung bang iyak na parang wala kanang pakialam sa paligid mo ang naiisip mo lang ay ang umiyak para mailabas ang lahat ng sakit at pangamba sa mangyayari sa kaibigan ko.

Araw ng graduation. sawakas natapos ko rin to at masaya akong makapagtapos na kasama ko ang bestfriend ko.

Nika? Napalingon ako at hinanap ang nagsalita, hinawakan niya mga kamay ko.. Jess? Sabi ko sabay kapa sa mukha niya.

Ano yan jess?? Umiiyak kananaman ba? Diba sabi ko sayo wag kang iiyak? Ok lang naman ako basta ingatan mo ang mga mata ko sabay ngiti ko sa kanya...

Nung malaman ko na kailangan ni jess ang eye transplant ako na mismo ang kusang nagdonate ng mga mata ko, tama mga mata ko. Siya ang taong nagpapasaya saakin, nagpapalakas kapag walang wala talaga ako halos lahat ng kailangan ko siya ata ang sumalo kaya nagpapasalamat ako sa kanya ng madami kung di dahil sa kanya wala na siguro ako, kaya naman kahit yung mga mata ko man lang ang maibigay ko sa kanya ay kulang pa sa lahat ng binigay niya saakin kasi siya na ang dumugtong sa madilim kung buhay.

Tumayo c jess at hinawakan ang kamay ko inaakay niya ako, tara na nika.

habang nasa akin ang mga mata mo ako ang magiging mata mo habang akoy nabubuhay.

Salamat aking kaibigan, salamat sa lahat sabi ko sabay hakbang ng aking paa na panatag ang loob kasabay ng taong pinagkakatiwalaan ko ang aking kaibigan..

That is the real me....

The end....





---------------------------------------------

Salamat naman natapos ko hehehehe! Sobrang iyakin ko talaga mismo sa kwentong ako ang gumawa umiyak pa ako. :( akala ko di ako maiiyak "sigh" iyakin ko talaga.

Kung sino man makakabasa nito or magbabasa nito salamat sana magustuhan niyo :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The real meWhere stories live. Discover now