Beautiful Eyes

15 1 0
                                    

"ALAM mo nakakainis ka na," kunwang tampo ni Sam. "Hindi porke't may jowa ka na ay hindi mo na ako papansinin."

Betty wasn't offended by what she said but laughed instead.

"Kaya nga samahan mo ako. Gusto kitang ipakilala sa barkada ni Chris. Tutal isa ka naman sa naging daan para maging kami forever ay ikaw naman ang tutulungan kong magka-love life. Pumili ka lang sa barkada niya kasi gwapo naman silang lahat kaya hindi ka lugi."

"Wow, Betty, bugaw lang ang peg? Pero game ako diyan. Balita ko ay super gwapo ng barkada niyang lalaki mo."

"Hindi lang gwapo kundi sobrang gwapo," pagmamalaki ni Betty.

"Hindi naman siguro magkakaroon ng pangit na kaibigan ang babes ko."

Biglang nagliwanang ang mga mata ni Betty nang may mamataan sa kanyang likuran.

Kahit hindi niya ito nakikita ay alam na niya kung sino iyon. Sino ba naman kasi ang magbibigay ng spark sa mga mata ng kanyang kaibigan kundi ang nag-iisang mahal nitong boyfriend.

"Babes, ang tagal niyo naman," nakasimangot na reklamo ni Betty kahit hindi naman talagang galit.

Obvious naman kasi na nagpapa-cute lang ito para lambingin ng nobyo.

"Sinundo pa kasi ni Wesley si Lhian," pag-explain naman ni Chris na agad pumulupot ang kamay sa bewang ni Betty.

They were one of the couples that she loves to watch. Hindi kasi sila masyadong PDA, mild lang.

"Hi, Sam," bati sa kanya ni Chris.

Tinanguan naman niya ito. Classmates niya sina Betty at Chris sa painting class. Isa siya sa naging saksi sa masalimuot na love story ng dalawa at pwede na ring sabihing naging daan para magkamtan ang forever ng mga ito.

"Oh, by the way," Betty said. "Guys, ito nga pala ang kaibigan kong si Sam." Betty gestured behind her.

Noon lang niya napansin na may mga kasama pala si Chris na dumating.

"Sam, they are Chris' friends, this is Wesley," unang itinuro ni Betty ang isang singkit na lalaki.

Hindi maitatanggi na gwapo ito lalo na't all smile ito sa kanya. Pwede na nga nitong talbugan lahat ng model ng toothpaste commercial sa ngiti nito. Sa gilid naman nito ay isang babae na nakasalamin. The woman looked so cute and friendly.

"Hi," nakangiting sabi nito sabay abot ng kanyang kamay. Hindi niya napigilan ang ngiti sa kanyang labi. Nakakahawa kasi masyado ang ngiti nito.

"And this is Lhian. My BFF and Wesley's girlfriend," pagpapakilala ni Betty sa babaeng katabi ni Wesley.

Manlalaki na sana ang mga mata niya kung hindi niya pinigilan ang sarili. Hindi na pala ito available kasi may girlfriend. And to think na nagpa-cute pa siya rito. Pero imbes na galit na anyo ay nakangiting mukha ni Lhian ang kanyang nakita.

"Hi, Sam. It's very nice to formally meet you," Lhian had a very friendly smile on her face kapareho lang ng nobyo nito. Bagay nga ang mga ito."Nagkita na tayo dati but I think you already forgot. It was at the poster-making contest. We were both cheering for Betty and Chris."

Naalala naman niya agad ito sa nasabing event. Ito pala ang kasama niyang magsisigaw sa pag-cheer sa favorite love team niya sa poster making competition. Gusto niyang palakpakan si Lhian kung nagkukunwari lang itong friendly pero alam naman niyang hindi.

"Akala ko ay sasabunutan mo na ako dahil nagpa-cute ako sa boyfriend mo," biro niya dito.

Tumawa lang si Lhian sa sinabi niya. Wesley put his arm around Lhian's shoulders. "My heart's too kind to be jealous," nakangiting sabi ni Wesley sabay halik sa ulo nito.

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Kung siya siguro ang may boyfriend na kagaya nito ay baka sabunutan ko kahit babaeng titingin lang.

Betty moved on to the next guy. "Now this is Scott."

"A pleasure, m'lady," he seductively looked at her before taking hold of her hand and kissed it. Feeling niya tuloy ay nasa Victorian period siya.

Scott was not less handsome than Wesley but he's handsome in a different way. May pagka-rugged and badboy kasi itong tingnan. Kung si Wesley ay may Asian touch ito naman ay european ang dating. With his british accent, tall manly built and beautiful gray eyes who wouldn't take notice?

"Ah, it's my pleasure, too," nakangiti niyang sagot. Hindi nga niya alam kung iyon ang tamang sagot sa sinabi nito basta english iyon.

"And this is Louie," pagpapakilala ni Betty sa huli pero wala naman ang lalaki. "Teka nasaan na ang isang iyon?"

"Here," said a bored tone.

Parang slow motion ang lahat. Nang makita niya ang seryoso nitong mukha pati na ang singkit nitong mata ay may alaala agad na pumasok sa kanyang isip.

"I hate you!"

Nang bumaling ang lalaki sa kanya ay mga ilang segundong naghinang ang kanilang mga mata.

Those eyes, they were the same eyes that mirrored her every emotion. They were sad when she was sad and happy when she was happy. Pero ngayon ay blangko lang ang mga iyon.

"Arhtur."

~¢~

- laceyghurl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon