The way you look at me (<_<)

682 13 25
                                    

A/N: this one-shot is dedicated to my Big Sis @BlackMystica,sana po magustuhan nyo po ♥

SANA MAGUSTUHAN NYO PO ENJOY READING^_______^V

“Ako yung taong sagad magmahal,hindi ka iiwan kung may problema ka,laging kung ipagtatanggol kung may mang-aaway sa iyo.Sasamahan ka sa gabi kung hindi ka makatulog,aalayan kita ng kanta na mismo ang puso ko ang nagsulat.Ipagluluto kita kung naiisin mo man.Gagawin ko lahat ng bagay na naisin mo.Basta makita ko lang ang mga ngiti sa labi mo.”

Yan sana ang mga bagay na gusto kong sabihin saiyo,kaya lang sinasabi mo lang ang pangalan ko kung may kailangan ka,  Steve,pwede ba pakigawa yung project ko,nasa locker ko eto na yung susi,Steve pabili ng tubig,Steve pwede pabuhat nito. Eh sino naman ako para hindi sundin lahat ng pinag-uutis mo,ikaw lang naman ang laman ng puso’t isip ko.

Tinanong ko na nga ang mga kaibigan ko kung tama yung ginagawa ko sabi nila, “Hindi pare,kasi para kang alipin ni Natalie at mukha ka ng tanga tignan mo ang hitsura mo,lalo ka pa naging nerd dahil sa mata mo uso na ba ang panda eyes”.Palagi ko na lang sinasagot sa kanila okay lang ako.Matitiis ko bang makita siyang malungkot.

Paminsan tinanong ko na din ang sarili ko,madami namang ibang babae dyan bakit si Natalie pa ang napili ko na ang tingin lang sa akin  ay isang alipin.Sinasagot ko din ang sarili ko na “Marinig ko lang ang malamnyos nyang tinig masaya na ako”.Kahit na alam kong nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko tuloy pa rin ang pagsunod ko sa mga utos nya.

___________________________________________________________________________________

“Hi Bro”-bati sa akin ng bestfriend kong si Van

“Oh hello”

“Bro!  walang gana anung nangyari ,wag mong sabihin na …….”-hindi pa sya natatapos pinigilan ko na alam ko naman na si Natalie na naman ang sasabihin nya

“Oo, Bro eh madami kasi akong ginawa ngayon alam mo naman mo naman siguro kung anu yun”

“O sige na nga Steve pasok na ako kita na lang tayo sa may Canteen”

“Sige”

Eto hadaling-hadali akong pumapanik sa hagdan dala-dala ko ang mga pinagagawa ni Natalie eh pang 5th floor pa sya.

Nang malapit na ako tinawag na nya ang pangalan ko hayyy!!!! Kay sarap pakinggan .

Steve! Pwede ba dalian mo,magsisimula na yung klase namin”

“Eto  na oh”-sabay abot ng gamit na ipinagawa nya

Bababa  nasa na ako kasi may pupuntahan pa ako sa library ng sabihin sya…

“Steve pwede ba hintayin mo ako mamaya sa labas ng gate may papagawa sana ako sa iyo mga 6:00 pwede ba”

Sino naman ako para hindi sya pagbigyan kaya….

“O sige Natalie,asahan mo ako na pupunta ako”

“salamat mauna na ako kita na lang tayo mamaya”-hay sarap talagang pakinggan ang boses nya

___________________________________________________________________________________

Maagang natapos yung klase namin kasi half day lang kami kaya pumunta muna ako sa canteen kasi sabi ni Van magkita daw kami .

Nung malapit na ako sa canteen nakita ko na may kasamang babae si Van kaya di ko na inistorbo baka dumadamoves sya(buti pa sya may lablyf ako wag nyo ng alamin).

The way you look at me (&lt;_&lt;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon