MUTUAL UNDERSTANDING.
Isa sa pinakamahirap sa relasyon. Hindi mo kasi alam kung ano ang patutunguhan ng relasyon niyo. Yung tipong feeling mo na parang kayo pero hindi naman. Oo masaya kasi no commitments kayo pero alam niyo sa isa't isa na masaya kayong dalawa. Kaso ang mahirap sa no commitments,yung tipong di ka pwedeng magselos, di mo pwedeng sabihin na nagseselos ka, kasi nga hindi kayo at wala kang karapatan. Kaya mahirap rin talaga magkaroon ng tinatawag nila na ka-M.U. Kasi pag meron ka nun, hindi mo na rin naman maiiwasan yung hindi ka mag-expect na may patutunguhan rin yung relasyon niyo. Magulo noh?Mararamdaman mong hindi mo alam kung ano ang patutunguhan pero nandiyan si "EXPECTATION" Makakaramdam ka din ng takot. Yung takot na masaktan ka. Kasi, yun na oh! Yung tipong sasabihin niyo nlng sa isa't isa yung nararamdaman niyo. Yung onti nalang, pwede na maging kayo. Kaso natatakot ka baka sa huli, ikaw yung masaktan. Hindi ka pwedeng mag-feeling na kayo kasi baka magulat ka at sabihin niyang, "Ano ba kita?"
This is a one shot :)