6. Damoves ni Cedrick

10.1K 253 36
                                    

**Cedrick's POV


"Umayos ka nga Cedrick!" 

Pagmamasungit ng class president, parang kanina okay pa ang mood niya tapos ngayon beastmood na naman siya. Mga babae talaga!

Lumapit sakin si Ericka at binulungan ako, "Uyy, gising"

Abala kami ngayon sa pagpapractice at dahil sa eksenang ginawa ni Madeline ay naudlot ang role play namin. Dagdagan pa ng pag alis niya, kaya kailangan naming maghanap ng iba na pwedeng pumalit sa role niya.

Hindi rin ako mapakali dahil lagi kong nakikita si Sander na tinitingnan si Sam. Napansin ko din na nung lalapitan niya na sana si Sam at bigla itong umiwas at pumunta kay Jenny.

Ang g*gong yun, humanda siya sakin at hindi lang siya pati na rin ang ibang classmate namin na umaaligid sakniya.

"Asar!"

Narinig kong tumawa si Ericka, "selos ka?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Mukhang marami ka ng kaagaw kay Sammy boy, kung ako sayo bibilis bilisan ko na"


Napaisip ako bigla, bakit hinalikan ni Sander si Sam, kahit alam niyang may girlfriend siya. Ano nalang mararamdaman ni Ericka kung malaman niya ang nangyari. Asar talaga! Hindi ko hahayaan na pati si Sam ay makuha niya.

Nilapitan ko Sam at Jenny habang busy silang nag uusap. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na si Sam ang kaharap ko ngayon. Ibang iba siya kumpara dati. 

"Sam"

"Oh, hi Ced" sabay ngiti

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! ang baduy pero ang saya ko.

"Woa, bago yun ah" pang-aasar ni Jenny, "level up kayong dalawa ah"

Dagdag pa niya, si Sam naman ay parang nahihiya na.

"Ang cool ng Ced, Sam"

Tiningnan niya ako at para bang nawiwierduhan siya sakin.

"Gusto niyo ba ng trivia?" pagsingit ni Jenny, "may nabasa ako sa readers digest at ang sabi dun, kapag binigyan mo daw ng nickname ang isang tao ibig sabihin special siya sayo" 

Napangiti ako sa sinabing yun ni Jenny. Ibig sabihin special ako kay Sam? 1:0

Ano ka ngayon Sander!

"Eh pinaikli ko lang naman yung pangalan niya ah" sabi ni Sam

"Kahit na, hindi naman ako tinatawag sa ganung pangalan. Ikaw ang una, so special ako para sayo?" nakita kong namula si Sam. 

"Uy, ang kapal mo Cedrick ha!" 

Natawa ako, kasi kahit galit na siya ay ang cute niya pa rin.


Matapos ang nakakapagod na practice ay inaya ko si Sam mag lunch. Nung una ay inaaya pa niya si Ericka pero dahil alam ni Ericka ang feelings ko para kay Sam ay nagpumilit ito na kami nalang. Si Jenny naman ay may inasikaso at susunod nalang daw siya kaya walang nagawa ni Sam kundi sumama sakin. Yes! pagkakataon ko na to.

"Anong gusto mo?"

Hindi siya makadecide kung alin ang pipiliin niya. Hindi pa man tumatagal na kasama ko si Sam ay biglang dumating si Jenny kasama ang isang lalaki.

"Buti nalang nandito kana Jenny" masayang sabi ni Sam, "si Ericka?"

"Ewan ko ba dun, laging hindi mahagilap"

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon