As usual, paano ko nga ba sisimulan ang kwento na'to?
Natural, naglalakad na naman ako sa hallway at papunta na sa Clinic, don't get this story wrong, hindi puro Clinic ang room namin, kasi Clinic ang palaging setting, eh sa anong magagawa ko?
Ginusto yan ng author tsaka gusto niyo bang ikwento ko pa ang lesson namin? Dafuq. Wala si Dawn sa lesson namin, eh kung nandun siya, baka idetalye ko pa ng buong-buo sa inyo noh -___-
Anyway, pupunta ako sa Clinic, dahil remember? Magbabantay na rin ako, hindi rin puro kalandian ang kwento na'to, nag-aaral din kami ng mabuti. Tsk tsk.
Wala na rin ang magbaby, Sila Alexa at Zelo, Kung sila ang hanap niyo, pumunta sila sa laban ng mga beks. Si RR, Cyrus, at Pat. Don't forget, Patricio for short. :P
Yeah, may laban ulit sila, actually, di namin sila schoolmate, we just met them in the bar, long story. So, obvious namang, di ako sumama dahil nga MAGBABANTAY NGA AKO NG CLINIC. Ehem.
Binuksan ko yung pinto ng Clinic -malamang-.
"Hi there.." salubong niya sa akin ng nakangiti, oh well, mukhang inaantay na niya talaga ako, lalala~ srsly, ilang assuming tablets ang tinira ko ngayon? :P
Ngumiti na rin ako sa kanya, habang palapit sa table. "Pwede ka ng umalis, Mr. Usares, nandito ang kapalit." i said teasingly.
Tumawa naman siya. Err, nakakaakit. "Sino naman ang nagsabi sayo na shifting tayo?" sabay taas ng isang kilay.
Aba? Tama ba nakita ko? Tinaasan niya ako ng kilay? Umupo naman ako sa harap niya.
"Ah, hindi ba'to shifting Mr. Usares?"
Umiling siya na parang bata na ayaw sa isang pagkain, is he seducing me? Kakaiba siya ngayon ah. "Kapag ikaw ang papalit, wala ng shifting." then a grin formed in his lips.
One word.
BOLERO >.>
Ngumiti na lang ako, sanay na ako sa ganyan. "Tama yan, para naman magkaroon ka ng time sa kabet mo diba?"
I didn't expect na mapapawi ang ngiti niya, hell-o? Nag-aasaran kaya kami? Tumayo siya at naglakad palapit sakin.
Hinila niya ako patayo sabay pulupot ng braso niya sa beywang ko. Sobrang higpit lang =__=