Ballpen by ciiekeyy

2.4K 64 35
                                    

First time ko pong gumawa ng story. hehe sana po magustuhan nyo...^__^ ..sorry po kung may mali ha...

Enjoy ^___^

----------------------------

Eunice POV

"eunice peram ballpen"sabi ni seatmate slash Crush.

"oh"sabay abot ng ballpen.

kayo ba naranasan nyo ng mahiraman ng ballpen ng seatmate slash CRUSH nyo?

Kasi ako?OO!!at inaraw araw na nya. Simula nung 3rd quarter namin seatmate ko na sya.Sabi ng bestfriend ko swerte daw ako kasi di ko lang daw classmate si CRUSH, seatmate ko na rin daw. Kasi ung CRUSH nya asa kabilang seksyon pa. Kawawang bata..wahahaha..joke..Peace!!^_^V.

Sya si Dylan,CRUSH ko sya simula nung nakita ko sya dito sa Campus tas nagulat na lang ako nung nalaman kong kaklase ko na sya ngaung 4th year...baka nga hindi ko na sya CRUSH kasi parang.....parang MAHAL KO NA SYA!!!.

At dahil katabi ko sya araw araw, araw araw na rin akong present hehe.

Maniniwala ba kayo na araw araw akong bumibili ng ballpen para mapahiram sa kanya?

Pwes,maniwala kayo!!

Kasi araw araw, bago ako pumasok sa school, bumibili ako ng ballpen sa tindahan malapit sa school namin.

AKO NA ADIK SA BALLPEN!!>_<

-> FAST FORWARD <-

hooo!!uwian na!!!nakakapagod talaga ang araw  na to,andami kasing ginawa eh.

"eunice ito nga pala ballpen mo oh"sabi ni Dylan sabay abot sakin ng ballpen.

"ah Dylan , okay lang. Sayo na lang" para naman hindi sya napapagod humiram dba?

"ah,hindi na, Salamat" nakangiti nyang sabi. OHMYGOSH!!!okay hindi ako pagod wahahaha

"Di, sayo na lang, may extra pa naman ako eh" pagpupumilit ko.

"Salamat na lang,pero hiniram ko lang naman to sayo dba?" nakangiti pa rin sya.ehhhhhhh

At para hindi na humaba ang pag-uusap namin,kinuha ko na ug ballpen ko. Nagpaalam na rin sya dahil nagmamadali daw sya.

"Whatta scene" sabi ni Lianne.

"ay!kabayo!!!" gulat ko.Anu ba naman yan?hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala tong bruhang to. Sinusundan ko kasi ng tingin si Dylan eh.hehehe

"Bakit ka naman nanggugulat?ha?"singhal ko sa kanya. Sya si Lianne ang Bestfriend ko.

"Chillax lang,Nga pala new record.2 minutes.." sabi nya.

hayyyy...2 miutes ang pinakamatagal naming pag-uusap. Inoorasan kasi kami ni Lianne kapag naguusap kami ni Dylan. Nagpaalam na rin ako kay Lianne para umuwi. Parang iba kasi ang pakiramdam ko ngaun...parang may mangyayaring maganda bukas. Aishh ang gulo ko!!makauwi na nga lang!.

Pagkarating ko sa bahay,humalik na ako sa pisngi ni mama at dumiretso sa kwarto ko. Binaba ko muna ung bag ko dun sa study table tas nagpunta ako sa side table ko at binuksan o ung pinakahuling drawer. Kinuha ko dun ang isang box na red na may mga lamang ballpen na ginamit ni Dylan at nilagay ang ballpen na ginamit nya kanina. Isasarado ko na dapat ung box ng may napansin ako....lahat ng ballpen may papel sa loob. Transparent kasi ung case ng ballpen kaya kita ang loob.

Dahil na-curious ako...kumuha ako ng isa at binuksan iyon. Wala kasi akong natatandaan na may papel sa loob ng ballpen kapag bumibili ako. Kinuha ko na ang papel na nakaroll.

Binuksan ko na ung papel at...nagulat ako sa nabasa ko. Binuksan ko ang lahat ng ballpen at binasa lahat ng papel na nakalagay ay....

Papel #1: Eunice, Mahal kita! Matagal na!

Papel #2: Ingat sa paguwi! mamimiss kita.

Papel #3: Mahal Kita Eunice!

papel #4: Sana mahal mo rin ako!

papel #5: Mahal na mahal kita Eunice!

at marami pang iba, pero ung iba pare-parehas lang.

Di kaya kay.....kay Dylan galing to????

Dahil nga gusto kong malaman kung kanino galing to, maaga ako pumasok!

Pumasok ako sa room namin at nakita ko si Dylan na naka-upo. Dali dali ko syang pinuntahan at umupo agad ako sa tabi nya. Pagkaupo ko nagsalita agad ako.

"Ikaw ba ang naglalagay ng papel sa ballpen ko?"diretso kong tanong. Nung una nagulat sya pero agad din syang nakabawi.

Ngumiti lang sya bilang sagot. SO??????

"ikaw nga?" tanong ko ulit.

"Ako nga! Kala ko hindi mo na mababasa eh!" sabi nya.

reaksyon ko?ganito------> O__O

sya?ganito------> ^___^V

OHMYGADDDDD!!!!

Napatakip ako ng bibig sa gulat..SYA NGA!!! WAAAAAHHHH!!!! nakita nya siguro akong gulat na gulat kaya nagsalita ulit sya.

"ngaung alam mo na...." sabi nya at may kinuha sya sa bulsa nya at inabot sakin. HUH???BALLPEN???Nagdadalawang isip ako nung una pero sa huli kinuha ko na rin.

"buksan mo..."utos nya.

ehhh!!!ayaw ko ngang buksan un...baka nakalagay dun 'joke lang' ehhh ayaw ko nga nun.!!

"BUBUKSAN NA YAN!! BUBUKSAN NA YAN!! BUBUKSAN NA YAN!!" sigaw ng mga kaklase ko.

ehhhhhhh???? kanina pa pala sila andito at nakikinig. Nakapalibot silang lahat samin ni Dylan. Nakita ko si Lianne, aba ang loka, kili na kilig!!! kawawang katabi tsk tsk. Si Lianne ung babaeng kapag kinikilig todo makahampas sa katabi.

Tumingin muna ako kay Dylan bago ko buksan ang ballpen.Nanginginig na ako habang binubuksan ang ballpen. Kinuha ko ang papel at dahan dahang binuksan. Nung mabasa ko ang sulat kusang ngumiti ang labi ko.

"sasabihin ko kung ano ang nakalagay jan ha?" sabi nya. Tumayo sya at sumigaw.

"EUNICE CLARISSA MENDEZ!!! CAN YOU BE MY GIRL??" pagkasabi ni Dylan nagsigawan ang mga kaklase ko. Nagkaroon na nang ingay ang buong classroom.

kayo nga sabihin nyo saken!!!AARTE PA BA AKO???? syempre hindi noh. Tumayo ako at nilapitan sya at sinabing.....

"YES!!" at niyakap sya,yumakap na rin sya saken.

"ayiiieeeehhhhh!!!" - mga kaklase ko.

--------------------------

sana po nagustuhan nyo..^___^ meron pong side story to ,, ung kay Lianne/Lian sana po mabasa nyo rin .. the title is Unexpected Love ...

sorry po kung may mali ha

thnx for reading..

vote and comment din po..

and follow me .. thanks

~ Ayeh/ ciiekeyy

Ballpen by ciiekeyyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon