Chapter 49 - Celebration

17 5 0
                                    

10/30/15

-----

Tinulungan ko siyang makatayo mula sa pagkakahiga.

"Okay ka lang?"

Alam kong nakatingin na siya sa akin ngayon.Hindi ko magawang tumingin sa mata niya.

"Ikaw yong nasaktan pero ikaw pa itong nagtatanong kong okay lang ako"

Okay lang ako,hindi ako nasugatan dahil protektado ako sa kanya kanina.Pero siya,may malaking gasgas sa kaliwang kamay niya tsaka may sugat din siya sa kanang kamay niya.

"ikaw,okay ka lang ba?"

Hahawakan ko na sana yong kamay niya kaso inilayo niya rin agad.

"Okay lang ako,wag mo na akong alalahanin.Ang mahalaga ligtas ka Jane"

Hahawakan na sana niya yong kamay ko kaso inilayo ko naman.

"Magiingat ka na sa susunod huh?"

Pagkatapos niyang sabihin iyon tumalikod na siya paalis.

"S-salamat"

Pabulong lang na sabi ko.Hindi ko alam kong narinig niya yong sinabi ko dahil napatigil siya sa paglalakad pero saglit lang at nagtuloy uli siya ng hindi ako linilingon.

"Krystel"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Danica na tumatakbo palapit sa akin,sa likod niya ay si CM.

"Sino yon,kilala mo ba?"

hingal na tanong ni Danica

"Ah,h-hindi."

"Ah,may part time ka ba?" Cm

"Nag quit na ako"

"Bakit naman?"

"Pinagquit ako ni Lei"

"Ang sweet talaga ni Lei" may pabirong paghampas pa sa akin ni CM habang sinasabi iyon.

"Live in partner huh"

"Hindi ah!"

Magkasama lang sa iisang bahay live in partner na? Hindi ba pwedeng nakikitira lang yong isa?

"Asus,tara na nga"

"Saan?" Kunot noong tanong ko

"Sa bahay niyo"

Magtatanong pa sana ako pero pinaghihila na ako nong dalawa.

Akala ko dederetso na kami sa bahay kaso sa Mall kami dumiretso.Bibili lang daw kami ng mga lulutuing pagkain.

Hindi pa sila nakontento at bumili pa sila ng sangkatutak na snack.

"Ano bang okasyon?"

"Hindi mo ba alam?"Danica

"Alam ko kaya ako nagtatanong diba?" Sarkastikong sabi ko sa kanya sabay roll eyes

"Magcecelebrate tayo"

"Huh?Sinong may birthday?"

"Walang may birthday ano ka ba.Icecelebrate natin yong pagkapasok ng Letsyrk band sa 2nd round"

"Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na"

Tinulungan ko silang magbitbit ng pinamili nila.

Deretso agad kami sa kusina ng makarating kami sa bahay.Hindi alam ng mga boys na may celebrationg magaganap kaya dinalian namin yong pagluluto para i surprise sila.

"Paabot nong spoon"

Tiningnan ko si CM na siyang pinakamalapit kay Danica.May ginagawa siya kaya ako nalang ang nagabot kay Danica.Patapos narin kami sa pagluluto kaya inaayos ko nalang yong ibang naluto namin sa Sala

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon