Kyoya Yiru⇧⇧
10/31/15
-------
"Mauna na kayo dadaan muna ako sa cafeteria"
"Sunod ka agad ah?"
"OO"
Kumaway muna ako kina Danica at CM bago pumunta sa Cafeteria upang bumili ng bottled water.
May P.E kami ngayon at maglalaro kami ng badminton.Wala akong dalang tubig kaya naisipan ko nalang na bumili.
"Ang cool niya"
"Ang gwapo talaga niya omg,my love so sweet"
"Hoy mahiya ka akin lang siya!"
"Ako kayang nauna sa kanya!"
"Anong sa inyo?May Letsryk na kayo kaya akin nalang siya.Magbigay din naman kayo uy!"
Ilan lamang yan sa mga pinaguusapan ng mga grupo ng mga kababaihan at bakla dito sa cafeteria.
Maraming tao dito,may mga nakapila sa counter,kumakain at karamihan ay tumatambay lamang.Ang iba pinaguusapan ang isang lalakeng nakasuot ng headset at tahimik na nagbabasa sa gilid.
Ibang klase,ano pa ang silbi at pinagawa ang library kong pwede rin palang magbasa sa ganitong kaingay na lugar?
Napakaseryoso niya sa pagbabasa at walang kamalay malay na pinaguusapan na pala siya
Hindi ko na sana siya pagtutuunan pa ng pansin ng bigla siyang napalingon sa akin.Umiwas agad ako ng tingin ng magtama ang paningin naman.
Those eyes remind me of someone I hated and despised the most
Dinalian ko nalang ang pagkuha ng bottled water at agad na nagbayad sa counter.
Pagkalabas ko ng Cafeteria naramdaman ko ang presensya ng isang tao na sumusunod sa akin kaya napatigil ako.
Hindi nga ako nagkakamali dahil nauntog siya sa likod ko.Napatingin ako sa likod ko.
"Jane"
"Anong kailangan mo?"
Tinanggal niya yong jacket niya tsaka ibinigay sa akin
"Itali mo sa bewang mo"
Kunot noo ko siyang tiningnan
"Why would I?"
Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang itinali yong jacket niya sa bewang ko.
"Wag mong tanggalin nakatagos ka"
N-nakita niyng may dugo yong palda ko?Gosh nakakahiya
"Anong next class mo?"
"P.E"
"Tara"
Magtatanong pa lang sana ako ng hinila na niya ako.Nagpupimiglas ako pero ayaw niya akong bitawan hanggang sa nakarating kami sa locker.
Binitawan niya ako tsaka may kinausap siya sa cellphone niya.
Hindi na ako nagabalang pakinggan pa yon at kinuha ko na lang yong P.E uniform ko.
Dederetso na sana ako sa CR para magpalit ng sundan niya ulit ako.
"Huwag mong sabihing pati sa CR susundan mo ako?"
Hinarap ko siya kahit hindi ako makatingin sa mata niya ng deretso
"Ayokong lumalapit ka sa akin.Wala na akong paki sayo kaya please,wag mo na akong pakialaman."
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...