Chapter 4

36 2 0
                                    

Hello Guys! :)

Miss my update?

Oh eto na..

Enjoy Reading! :)))))

Chapter 4

Kath's POV

Lunch time na kaya nandito kaming mga girls sa Canteen.

"Anong gusto mo kath? Libre na kita" sabi ni Janella sa akin. Wow libre agad? Ang bait naman.

"Ah hindi na Janella, may dala akong baon. Salamat na lang." sabi ko with smile.

"Okay, kayo girls anong gusto niyo at ako na mag o-order." 

"Ikaw na bahala janella." sabi ni Julia

"Samahan na kita janella." sabi ni Lyza at pumunta na silang dalawa.

Hindi ko pa binubuksan yung baon ko kasi gusto ko sabay-sabay kaming kumain.

"Seriously kath first time lang ni Dj na may kinausap siyang girl." sabi ni kiray.

"Talaga?" tanong ko sa kanya.

"Oo, kasi kahit magmula 1st year hanggang ngayon walang kinakausap yan na mga girls. Yung mga girls ang nakikipag-usap sa kanya." sabi ni Kiray

"Bakit naman?"

"Ewan ko ba dun. May allergy ata sa mga girls except you." sabi ni kiray at naka ngiting nang-aasar.

Me? Except me? Pssshh

"Baka may gusto sayo si Dj. Ayiieeee. hahahaha" sabi ni Julia. Nagulat naman ako sa sinabi ni Julia. Yun magkakagusto sa akin? LABO. Malabong-malabo.

"Yun? magkakagusto sa akin? ang labo at tsaka ayaw ko sa mga ganung lalaki. Bad boy image." sabi ko at tumayo mga balahibo ko. 

Bakit kasi siya ang pinag-uusapan namin dito? Hindi ba pwedeng magsabi na lang sila tungkol dito sa School?.

"Ingat-ingat sa mga binibitawang salita kath baka makain mo lang yan." sabi ni Kiray.

"Hahaha. Hindi noh." sabi ko na lang.

"Anong pinag-uusapan niyo naman dyan? Share naman oh." sabi ni Janella.

Andyan na pala sila Janella di ko napansin.

"Ah wala. hehehe sige kain na tayo." sabi ko na lang.

"Pinag-uusapan namin si Fafa Dj." sabi ni kiray.

Aissh! naku naman oh.

"Ayieee! bakit kath like mo siya? sabihin mo lang at nandito kaming mga girls para sayo." sabi ni Janella.

Grabe naman! first day ko pa lang dito sa School ganyan na agad?

"Hindi noh! nakakainis kaya siya. Ang yabang masyado!" sabi ko. Sila naman nakangiti lang.

"Maiinis ka dun? eh ang Gwapo niya kaya." sumingit si Lyza.

"Gwapo nga. Kamusta naman ang ugali?" sabi ko.

"Hay naku kath pwede namang baguhin ang ugali ah." sabi ni Janella.

"Hindi na magbabago yun kasi nakasanayan na niya yung ugali niya." sabi ko. Hindi ako magpapatalo noh.

Say It Again (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon